24 Kaya nang sila ay lumapit sa kaniya, siya ay ginising nila na sinasabi, “Guro! Guro! Napapahamak tayo!” Ngunit nang gumising siya, sinaway niya ang hangin at ang malakas na hampas ng tubig, kaya tumigil ang mga ito at nagkaroon ng kapanatagan.
Mark 4
39 Sa kaniyang pagbangon, kaniyang sinaway ang hangin at sinabi sa dagat, “Pumanatag ka! Tumahimik ka!” Kaya tumahimik ang hangin at nagkaroon ng lubos na kapayapaan.