Kristuksen toinen tuleminen
| Secondary Keywords | araw Herra Isä isä jälkeläinen Jeesus Jeesus kuningas odottamassa panoorin taivaallinen taivas tapat tapat Toinen toinen Tule tulossa Valmistaudu valmistautumaan |
|---|---|
| Tertiary Keywords | Jumala trumpeta |
| Mga Banal na Kasulatan | 1 Thessalonians 4:16-17 1 Thessalonians 5:1-3 Gawa 1:9-11 Juan 14:3 Matthew 24:42 Matthew 25:31 Matthew 26:64 Philippians 3:20 Revelation 1:7 Revelation 22:12 Tito 2:13 1 Thessalonians 416 sapagkat ang Panginoon mismo ay bababa mula sa langit na may sigaw na nag-uutos, na may tinig ng pinunong-anghel at may trumpeta ng Diyos, at ang mga patay kay Cristo ay unang babangon. 17 Gayundin, tayo na mga nananatiling buhay ay magkasabay na aagawin sa mga ulap na kasama nila para sa pagsalubong ng Panginoon sa hangin at sa gayong paraan ay makakasama natin ang Panginoon kailanman. 1 Thessalonians 51 Ngunit, mga kapatid, hindi na kinakailangang sumulat ako sa inyo patungkol sa mga panahon at mga kapanahunan 2 sapagkat kayo mismo ang lubos na nakaalam na ang Araw ng Panginoon ay dumarating katulad ng pagdating ng magnanakaw sa gabi. 3 Dahil kapag sinasabi nila, “Kapayapaan at katiwasayan!” pagkatapos nito ay biglang darating sa kanila ang pagkawasak katulad ng pagkakaroon ng matinding paghihirap sa sinapupunan, at sila ay hindi makakatakas kailanman. Acts 19 At pagsabi niya ng mga bagay na ito, habang siya ay pinagmamasdan nila, siya ay dinala paitaas at ikinubli siya ng ulap mula sa kanilang paningin. 10 At habang sila ay nakatitig sa langit, sa kaniyang pagpaitaas, narito, dalawang lalaki na may puting kasuotan ang tumayo sa tabi nila. 11 At sila din ay nagsabi, “Mga lalaking taga-Galilea, bakit kayo nakatayong nakatitig sa langit? Itong si Jesus na dinala sa langit mula sa inyo ay babalik sa paraang katulad sa nakita ninyong pagpunta niya sa langit.” John 143 Kapag ako ay makaparoon at makapaghanda ng dako para sa inyo, ako ay muling babalik. Kayo ay aking tatanggapin sa aking sarili upang kung saan ako naroroon ay dumuon din kayo. Matthew 2442 Kaya magbantay kayo sapagkat hindi ninyo alam kung anong oras darating ang inyong Panginoon. Matthew 2531 “At kapag ang Anak ng Tao ay darating sa kaniyang kaluwalhatian at ang lahat ng mga banal na anghel ay kasama niya, sa panahong iyon siya ay uupo sa trono ng kaniyang kaluwalhatian. Matthew 2664 Sinabi ni Jesus sa kaniya, “Ikaw ang nagsabi. Gayunpaman ay sinasabi ko sa iyo, mula ngayon ay makikita mo ang Anak ng Tao na nakaupo sa bahaging kanan ng Makapangyarihan at dumarating na nasa mga ulap ng langit.” Philippians 320 Subalit ang ating pagkamamamayan ay nasa kalangitan, na mula roon ay atin ding hinihintay na may pananabik ang Tagapagligtas, ang Panginoong Jesu-Cristo. Revelation 17 Narito, siya ay dumarating kasama ng mga ulap at siya ay makikita ng bawat mata at niyaong mga tumusok sa kaniya, at ang lahat ng mga lipi sa daigdig ay tatangis dahil sa kaniya. Oo! Siya nawa. Revelation 2212 “At narito, ako ay darating kaagad at ang aking gantimpala ay nasa akin upang ipagkaloob sa bawat tao ayon sa kaniyang gawa. Titus 213 na naghihintay sa pinagpalang pag-asa at maluwalhating pagpapakita ng ating dakilang Diyos at Tagapagligtas na si Jesu-Cristo, |