2 Mga minamahal, ngayon, tayo ay mga anak na ng Diyos. Bagaman hindi pa ipinakita kung magiging ano tayo, alam na natin na kapag siya ay nahayag, tayo ay magiging katulad niya sapagkat makikita natin siya kung ano siya.3 Ang bawat isang nagtataglay ng ganitong pag-asa sa kaniya ay dinadalisay ang kaniyang sarili, katulad niya na dalisay.
1 Thessalonians 4
16 sapagkat ang Panginoon mismo ay bababa mula sa langit na may sigaw na nag-uutos, na may tinig ng pinunong-anghel at may trumpeta ng Diyos, at ang mga patay kay Cristo ay unang babangon.17 Gayundin, tayo na mga nananatiling buhay ay magkasabay na aagawin sa mga ulap na kasama nila para sa pagsalubong ng Panginoon sa hangin at sa gayong paraan ay makakasama natin ang Panginoon kailanman.
2 Peter 3
10 Ngunit ang Araw ng Panginoon ay darating katulad ng magnanakaw sa gabi kung saan ang kalangitan ay mapaparam na may malakas na ugong at ang mga sangkap na bumubuo nito ay magugunaw sa pamamagitan ng napakatinding init at ang lupa at ang mga gawa na naroroon ay matutupok.
Acts 17
31 sapagkat siya ay nagtakda ng araw kung kailan niya hahatulan ang sanlibutan ayon sa katuwiran sa pamamagitan ng lalaki na kaniyang itinalaga at sa pamamagitan ng pagbuhay sa kaniya mula sa mga patay, nagbigay siya ng katiyakan sa lahat.”
Acts 1
10 At habang sila ay nakatitig sa langit, sa kaniyang pagpaitaas, narito, dalawang lalaki na may puting kasuotan ang tumayo sa tabi nila.11 At sila din ay nagsabi, “Mga lalaking taga-Galilea, bakit kayo nakatayong nakatitig sa langit? Itong si Jesus na dinala sa langit mula sa inyo ay babalik sa paraang katulad sa nakita ninyong pagpunta niya sa langit.”
Hebrews 9
28 sa gayunding paraan si Cristo na walang kasalanan, nang minsang inihandog upang batahin ang mga kasalanan ng marami sa ikalawang pagkakataon, ay magpapakita sa kanila na mga naghihintay na may pananabik sa kaniya para sa kaligtasan.
Mark 14
62 At sinabi ni Jesus, “Ako nga. At makikita ninyo ang Anak ng Tao na nakaupo mula sa bahaging kanan ng Makapangyarihan at dumarating sa mga ulap ng langit.”
Revelation 1
7 Narito, siya ay dumarating kasama ng mga ulap at siya ay makikita ng bawat mata at niyaong mga tumusok sa kaniya, at ang lahat ng mga lipi sa daigdig ay tatangis dahil sa kaniya. Oo! Siya nawa.