1 Pagkasabi ni Jesus ng mga ito, umalis siya kasama ang kaniyang mga alagad patungo sa kabilang batis ng Kedron kung saan ay may halamanan. Siya at ang kaniyang mga alagad ay pumasok doon.2 Si Judas na magkakanulo sa kaniya ay alam din ang lugar na iyon sapagkat si Jesus at ang kaniyang mga alagad ay madalas na magtipon doon.3 At dumating si Judas kasama ang batalyon ng mga kawal at mga opisyal mula sa mga punong saserdote at sa mga Fariseo. Dumating sila roon na may dalang mga sulo, mga ilawan at mga sandata.4 Si Jesus nga na nakakaalam ng lahat ng mga bagay na magaganap sa kaniya ay lumabas at sinabi sa kanila, “Sino ang hinahanap ninyo?”5 Sumagot sila sa kaniya, “Si Jesus na taga-Nazaret.” Sinabi ni Jesus sa kanila, “Ako nga.” Si Judas na magkakanulo sa kaniya ay nakatayo ring kasama nila.6 Kaya nang kaniyang sinabi sa kanila, “Ako nga,” napaurong sila at natumba sa lupa.