25 Nakatayo ring malapit sa krus ni Jesus ang kaniyang ina, ang babaing kapatid ng kaniyang ina na si Maria na asawa ni Cleofas at si Maria na taga-Magdala.26 Nang nakita ni Jesus ang kaniyang ina at ang alagad na kaniyang iniibig na nakatayong malapit sa krus, sinabi niya sa kaniyang ina, “Ginang, narito ang iyong anak.”
Matthew 27
50 Muling sumigaw si Jesus sa malakas na tinig at ipinaubaya niya ang kaniyang espiritu.51 At narito, ang tabing ng banal na dako ng templo ay napunit sa dalawa mula sa itaas pababa at ang lupa ay nayanig at ang mga bato ay nabiyak.52 At ang mga libingan ay nabuksan at maraming katawan ng mga banal na namatay na ay ibinangon.53 At pagkatapos ng kaniyang muling pagkabuhay, sila ay lumabas mula sa mga libingan at sila ay pumasok sa banal na lungsod at nagpakita sa marami.