5 Nguni't siya'y nasugatan dahil sa ating mga pagsalangsang, siya'y nabugbog dahil sa ating mga kasamaan, ang parusa ng tungkol sa ating kapayapaan ay nasa kaniya; at sa pamamagitan ng kaniyang mga latay ay nagsigaling tayo.
John 19
17 Lumabas siyang pasan-pasan ang kaniyang krus patungo sa tinatawag na Dako ng Bungo, na ang tawag sa wikang Hebreo ay Golgota,18 sa lugar kung saan siya ay ipinako nila sa krus, kasama niya ang dalawa pa na nasa magkabilang bahagi at si Jesus ang nasa gitna.19 Subalit si Pilato ay sumulat din ng isang pamagat at inilagay ito sa krus. Ang nakasulat ay, SI JESUS NA TAGA-NAZARET, ANG HARI NG MGA JUDIO.
Luke 23
33 At nang sila ay dumating sa dakong tinatawag na Bungo, doon siya ay kanilang ipinako sa krus at ang mga salarin, ang isa nga ay sa bahaging kanan at ang isa ay sa bahaging kaliwa.34 At sinabi ni Jesus, “Ama, patawarin mo sila sapagkat hindi nila alam ang kanilang ginagawa.” At sila ay nagpalabunutan sa pagbaha-bahagi ng kaniyang mga kasuotan.
Mark 15
24 At pagkatapos nila siyang ipako sa krus, pinaghati‑hatian nila ang kaniyang mga damit sa palabunutan, kung alin ang makukuha ng bawat isa.25 Ikatlo na ang oras nang siya ay ipinako nila sa krus.26 At ang nakaukit na nakasulat na paratang sa kaniya ay: ANG HARI NG MGA JUDIO.
Matthew 27
37 At inilagay nila sa kaniyang ulunan ang paratang sa kaniya na nakasulat: ITO SI JESUS ANG HARI NG MGA JUDIO.