14 Ngunit para sa akin ay huwag nawang mangyari na ako ay magmapuri maliban sa krus ng ating Panginoong Jesu-Cristo, na sa pamamagitan niya ang buong sanlibutan ay ipinako sa krus para sa akin at ako ay ipinako sa krus para sa sanlibutan,
John 14
6 Sinabi ni Jesus sa kaniya, “Ako ang Daan, ang Katotohanan at ang Buhay. Walang sinumang makakapunta sa Ama maliban sa pamamagitan ko.
Luke 9
23 At sinabi niya sa kanilang lahat, “Kung ibig ng sinuman na ako ay sundan, tanggihan niya ang kaniyang sarili at pasanin niya ang kaniyang krus araw-araw at siya ay sumunod sa akin,
Matthew 16
24 Pagkatapos nito ay sinabi ni Jesus sa kaniyang mga alagad, “Kung ang sinuman ay ibig sumunod sa akin, tanggihan niya ang kaniyang sarili, pasanin niya ang kaniyang krus at sumunod siya sa akin.
Matthew 7
13 “Pumasok kayo sa makipot na tarangkahan sapagkat malapad ang tarangkahan at malawak ang daang patungo sa kapahamakan ngunit marami yaong nagsisipasok doon14 dahil makipot ang tarangkahan at makitid ang daang patungo sa buhay at kaunti yaong nakakasumpong nito.