Christ Crucified at Golgotha
| Avainsanat | golgota Jesus kalbaryo krus pagpapako sa krus roman kawal two thieves |
|---|---|
| Secondary Keywords | biyernes santo Cristo ipako sa krus kawal pagbabayad-sala paglubog ng araw pagpapatawad pagtubos paraiso Pasko ng Pagkabuhay Roman sakripisyo Semana Santa silweta |
| Tertiary Keywords | Good Friday service ilang inosente jerusalem kriminal Passion of Christ |
| Mga Banal na Kasulatan | John 1917 and he went out, bearing his own cross, to the place called The Place of a Skull, which in Aramaic is called Golgotha. 18 There they crucified him, and with him two others, one on either side, and Jesus between them. 19 Pilate also wrote an inscription and put it on the cross. It read, “Jesus of Nazareth, the King of the Jews.” 20 Many of the Jews read this inscription, for the place where Jesus was crucified was near the city, and it was written in Aramaic, in Latin, and in Greek. 21 So the chief priests of the Jews said to Pilate, “Do not write, ‘The King of the Jews,’ but rather, ‘This man said, I am King of the Jews.’” 22 Pilate answered, “What I have written I have written.” 23 When the soldiers had crucified Jesus, they took his garments and divided them into four parts, one part for each soldier; also his tunic. But the tunic was seamless, woven in one piece from top to bottom, 24 so they said to one another, “Let us not tear it, but cast lots for it to see whose it shall be.” This was to fulfill the Scripture which says, “They divided my garments among them, and for my clothing they cast lots.” So the soldiers did these things, 25 but standing by the cross of Jesus were his mother and his mother's sister, Mary the wife of Clopas, and Mary Magdalene. 26 When Jesus saw his mother and the disciple whom he loved standing nearby, he said to his mother, “Woman, behold, your son!” 27 Then he said to the disciple, “Behold, your mother!” And from that hour the disciple took her to his own home. 28 After this, Jesus, knowing that all was now finished, said (to fulfill the Scripture), “I thirst.” 29 A jar full of sour wine stood there, so they put a sponge full of the sour wine on a hyssop branch and held it to his mouth. 30 When Jesus had received the sour wine, he said, “It is finished,” and he bowed his head and gave up his spirit. Luke 231 Nang ang kabuuan ng kanilang malaking bilang sa kanila ay tumayo, si Jesus ay dinala nila kay Pilato. 2 At sila ay nagsimula upang paratangan siya na sinasabi, “Natagpuan namin ang taong ito na inililigaw ang bayan at ipinagbabawal ang pagbabayad ng buwis kay Cesar sa pagsasabing siya mismo ang Cristo, ang hari.” 3 At tinanong ni Pilato si Jesus na sinasabi, “Ikaw ba ang Hari ng mga Judio?” At si Jesus ay sumagot sa kaniya na sinasabi, “Ikaw ang nagsabi nito.” 4 Kaya si Pilato ay nagsabi sa mga punong saserdote at sa napakaraming tao, “Wala akong nakikitang dahilan upang hatulan ang taong ito.” 5 Ngunit sila ay lalong nagpupumilit na sinasabi, “Inuudyukan niya ang mga tao sa kaniyang pagtuturo sa buong Judea simula sa Galilea hanggang dito.” 6 Nang narinig ni Pilato ang Galilea, itinanong niya kung ang lalaki ay taga-Galilea. 7 At nang nalaman niya na si Jesus ay nagmula sa nasasakupan ni Herodes, siya ay ipinadala niya kay Herodes na nasa Jerusalem din nang mga araw na iyon. 8 Ngunit nang nakita ni Herodes si Jesus, siya ay labis na nagalak sapagkat matagal na niyang ninanais na makita si Jesus dahil maraming bagay na siyang narinig patungkol sa kaniya at umaasa siyang makakita ng ilang tanda na ginagawa niya. 9 At nagtanong si Herodes sa kaniya sa pamamagitan ng maraming pananalita ngunit wala siyang isinagot sa kaniya. 10 Ngunit ang mga punong saserdote at mga eskriba ay tumayo at siya ay marahas nilang pinaparatangan. 11 At kinutya siya ni Herodes at ng kaniyang hukbo at nang siya ay nilibak sa pagpapasuot sa kaniya ng marangyang kasuotan, siya ay muling ipinadala ni Herodes kay Pilato. 12 Kaya sa araw ring iyon ay naging magkaibigan sa isa't isa sina Pilato at Herodes sapagkat sila ay may dating alitan. 13 At pagkatawag ni Pilato sa mga punong saserdote at sa mga pinuno at sa mga tao, 14 sinabi niya sa kanila, “Dinala ninyo sa akin ang taong ito bilang isang naglilihis ng landas sa mga tao. Narito, nang siya ay siniyasat ko sa harapan ninyo, wala akong nakitang dahilan upang hatulan ang taong ito ayon sa ipinaparatang ninyo sa kaniya 15 sapagkat pinaahon ko kayo kay Herodes, ngunit narito, kahit si Herodes ay walang ginawa sa kaniya na nararapat sa kamatayan. 16 Kaya pagkatapos ko siyang parusahan, siya ay palalayain ko” 17 (sapagkat kinakailangang may isang palalayain sa kanila si Pilato tuwing araw ng kapistahan.) 18 Ngunit sila ay sabay-sabay na sumigaw na nagsasabi, “Paalisin mo ang taong ito at palayain sa amin si Barabas.” 19 (Si Barabas ay ipinasok sa bilangguan dahil sa paghihimagsik na nangyari sa lungsod at sa pagpatay ng tao.) 20 Kaya si Pilato ay muling nagsalita sa kanila dahil sa pagnanais niyang palayain si Jesus. 21 Ngunit sila ay sumigaw na sinasabi, “Ipako mo siya sa krus, ipako mo siya sa krus!” 22 At sa ikatlong pagkakataon ay sinabi niya sa kanila, “Bakit, anong kasamaan ang nagawa ng taong ito? Wala akong anumang nakita sa kaniya na dahilan upang hatulan siya ng kamatayan. Kaya pagkatapos ko siyang parusahan, siya ay palalayain ko.” 23 Ngunit, sa pamamagitan ng malakas na tinig, sila ay nagpupumilit upang hilingin na siya ay ipako sa krus. At ang tinig nila at ng mga punong saserdote ay nanaig. 24 At si Pilato ay nagbigay ng hatol upang mangyari ang kahilingan nila. 25 At kaniyang pinalaya sa kanila yaong hinihiling nila na ipinasok sa bilangguan dahil sa paghihimagsik at pagpatay. Ngunit si Jesus ay ibinigay niya sa kanilang kagustuhan. 26 At habang si Jesus ay dinadala nilang palayo, kinuha nila ang isang nagngangalang Simon na taga-Cerene na nanggaling sa bukid, at ipinatong nila sa kaniya ang krus upang pasanin niya ito na nakasunod kay Jesus. 27 At sumusunod kay Jesus ang malaking bilang ng napakaraming tao at sa mga kababaihan na tumatangis din at nanaghoy sa kaniya. 28 Ngunit si Jesus ay lumingon at sinabi, “Mga anak na babae ng Jerusalem, huwag kayong tumangis para sa akin. Gayunpaman, tumangis kayo para sa inyong mga sarili at para sa inyong mga anak. 29 Narito, dahil ang mga araw ay darating kung saan ay sasabihin nila, ‘Pinagpala ang mga baog, ang mga sinapupunan na hindi nagdalang-tao at ang mga suso na hindi nasusuhan!’ 30 Sa panahong iyon, sila ay magsisimulang ‘magsabi sa mga bundok, “Bagsakan ninyo kami!” at sa mga burol, “Tabunan ninyo kami!” ’ Ose 10:8 31 Dahil kung ginagawa nila ang mga ito sa sariwang kahoy, ano ang mangyayari sa tuyo?” 32 At mayroon ding dalawang salarin na dinalang kasama ni Jesus upang patayin. 33 At nang sila ay dumating sa dakong tinatawag na Bungo, doon siya ay kanilang ipinako sa krus at ang mga salarin, ang isa nga ay sa bahaging kanan at ang isa ay sa bahaging kaliwa. 34 At sinabi ni Jesus, “Ama, patawarin mo sila sapagkat hindi nila alam ang kanilang ginagawa.” At sila ay nagpalabunutan sa pagbaha-bahagi ng kaniyang mga kasuotan. 35 At ang mga tao ay nakatayo na nagmamasid. At ang mga pinunong kasama nila ay tumutuya rin sa kaniya na sinasabi, “Iniligtas niya ang iba. Hayaan siyang iligtas niya ang kaniyang sarili kung siya ang Cristo na pinili ng Diyos.” 36 At nilibak din siya ng mga kawal. Sila ay lumapit at iniaalok ang maasim na alak sa kaniya 37 at sinasabi, “Kung ikaw ang Hari ng mga Judio, iligtas mo ang iyong sarili.” 38 At sa itaas niya ay mayroon ding nakasulat sa mga titik ng Griyego at sa Latin at sa Hebreo: ITO ANG HARI NG MGA JUDIO. 39 Ngunit ang isa sa mga salaring nakapako sa krus ay nilapastangan siya na sinasabi, “Kung ikaw ang Cristo, iligtas mo ang iyong sarili at kami.” 40 Subalit pagsagot ng isa ay sinaway siya na sinasabi, “Hindi ka ba natatakot sa Diyos yamang ikaw ay nasa gayunding kaparusahan? 41 At tayo nga ay hinatulan ayon sa katuwiran sapagkat tinatanggap natin ang nararapat na kabayaran ng ating mga ginawa, ngunit ang lalaking ito ay walang ginawang pagkakamali.” 42 Ngunit sinabi niya kay Jesus, “Panginoon, alalahanin mo ako kapag ikaw ay dumating sa iyong kaharian.” 43 Kaya sinabi ni Jesus sa kaniya, “Katotohanang sinasabi ko sa iyo, sa araw na ito, ikaw ay makakasama ko sa Paraiso.” 44 At ang oras ay halos ikaanim na, at nagkaroon ng kadiliman sa buong lupa hanggang sa ikasiyam na oras, 45 at ang araw ay nagdilim, at ang tabing ng banal na dako ng templo ay nahati sa gitna. 46 At nang si Jesus ay sumigaw na may malakas na tinig ay sinabi niya, “Ama, ‘sa iyong mga kamay ay inihahabilin ko ang aking espiritu.’ ” Awi 31:5 At pagkasabi niya ng mga bagay na ito, siya ay nalagutan ng hininga. 47 Ngunit nang nakita ng senturion ang nangyari, niluwalhati niya ang Diyos na sinasabi, “Tunay na ang taong ito ay matuwid.” 48 At ang lahat ng napakaraming tao na nagtipon sa panooring ito, nang nakita nila ang mga bagay na nangyari, sila ay umuwing dinadagukan ang kanilang mga dibdib. 49 Ngunit ang lahat ng kaniyang mga kakilala at ang mga babaing kasamang sumunod sa kaniya mula sa Galilea ay nakatayo sa malayo at pinagmamasdan ang mga bagay na ito. 50 Ngunit narito, may isang lalaki na ang pangalan ay Jose, isang tagapayo na kasapi ng Sanhedrin. Siya ay mabuting lalaki at matuwid, 51 (siya ay hindi sumang-ayon sa payo at sa gawain nila). Siya ay mula sa Arimatea na isang lungsod ng mga Judio. Siya rin ay naghihintay sa paghahari ng Diyos. 52 Nang ang lalaking ito ay pumunta kay Pilato, kaniyang hiniling ang katawan ni Jesus. 53 At nang naibaba niya ang katawan ni Jesus, binalot niya ito ng telang lino at inihimlay ito sa isang libingang nakauka sa bato na hindi pa napaglilibingan ng sinuman. 54 At ang araw na iyon ay ang Paghahanda at ang araw ng Sabat ay nalalapit na. 55 At sumunod din kay Jose ang mga babaing sumama kay Jesus mula sa Galilea. Pinagmasdan nila ang libingan at kung paano inilagay ang katawan ni Jesus. 56 At nang sila ay umuwi, sila ay naghanda ng mga pabango at mga pamahid. At sa araw nga ng Sabat, sila ay nagpahinga ayon sa Kautusan. Luke 2333 At nang sila ay dumating sa dakong tinatawag na Bungo, doon siya ay kanilang ipinako sa krus at ang mga salarin, ang isa nga ay sa bahaging kanan at ang isa ay sa bahaging kaliwa. 34 At sinabi ni Jesus, “Ama, patawarin mo sila sapagkat hindi nila alam ang kanilang ginagawa.” At sila ay nagpalabunutan sa pagbaha-bahagi ng kaniyang mga kasuotan. 35 At ang mga tao ay nakatayo na nagmamasid. At ang mga pinunong kasama nila ay tumutuya rin sa kaniya na sinasabi, “Iniligtas niya ang iba. Hayaan siyang iligtas niya ang kaniyang sarili kung siya ang Cristo na pinili ng Diyos.” 36 At nilibak din siya ng mga kawal. Sila ay lumapit at iniaalok ang maasim na alak sa kaniya 37 at sinasabi, “Kung ikaw ang Hari ng mga Judio, iligtas mo ang iyong sarili.” 38 At sa itaas niya ay mayroon ding nakasulat sa mga titik ng Griyego at sa Latin at sa Hebreo: ITO ANG HARI NG MGA JUDIO. 39 Ngunit ang isa sa mga salaring nakapako sa krus ay nilapastangan siya na sinasabi, “Kung ikaw ang Cristo, iligtas mo ang iyong sarili at kami.” 40 Subalit pagsagot ng isa ay sinaway siya na sinasabi, “Hindi ka ba natatakot sa Diyos yamang ikaw ay nasa gayunding kaparusahan? 41 At tayo nga ay hinatulan ayon sa katuwiran sapagkat tinatanggap natin ang nararapat na kabayaran ng ating mga ginawa, ngunit ang lalaking ito ay walang ginawang pagkakamali.” 42 Ngunit sinabi niya kay Jesus, “Panginoon, alalahanin mo ako kapag ikaw ay dumating sa iyong kaharian.” 43 Kaya sinabi ni Jesus sa kaniya, “Katotohanang sinasabi ko sa iyo, sa araw na ito, ikaw ay makakasama ko sa Paraiso.” 44 At ang oras ay halos ikaanim na, at nagkaroon ng kadiliman sa buong lupa hanggang sa ikasiyam na oras, 45 at ang araw ay nagdilim, at ang tabing ng banal na dako ng templo ay nahati sa gitna. 46 At nang si Jesus ay sumigaw na may malakas na tinig ay sinabi niya, “Ama, ‘sa iyong mga kamay ay inihahabilin ko ang aking espiritu.’ ” Awi 31:5 At pagkasabi niya ng mga bagay na ito, siya ay nalagutan ng hininga. 47 Ngunit nang nakita ng senturion ang nangyari, niluwalhati niya ang Diyos na sinasabi, “Tunay na ang taong ito ay matuwid.” Mark 1522 And they brought him to the place called Golgotha (which means Place of a Skull). 23 And they offered him wine mixed with myrrh, but he did not take it. 24 And they crucified him and divided his garments among them, casting lots for them, to decide what each should take. 25 And it was the third hour when they crucified him. 26 And the inscription of the charge against him read, “The King of the Jews.” 27 And with him they crucified two robbers, one on his right and one on his left. 29 And those who passed by derided him, wagging their heads and saying, “Aha! You who would destroy the temple and rebuild it in three days, 30 save yourself, and come down from the cross!” 31 So also the chief priests with the scribes mocked him to one another, saying, “He saved others; he cannot save himself. 32 Let the Christ, the King of Israel, come down now from the cross that we may see and believe.” Those who were crucified with him also reviled him. 33 And when the sixth hour had come, there was darkness over the whole land until the ninth hour. 34 And at the ninth hour Jesus cried with a loud voice, “Eloi, Eloi, lema sabachthani?” which means, “My God, my God, why have you forsaken me?” 35 And some of the bystanders hearing it said, “Behold, he is calling Elijah.” 36 And someone ran and filled a sponge with sour wine, put it on a reed and gave it to him to drink, saying, “Wait, let us see whether Elijah will come to take him down.” 37 And Jesus uttered a loud cry and breathed his last. 38 And the curtain of the temple was torn in two, from top to bottom. 39 And when the centurion, who stood facing him, saw that in this way he breathed his last, he said, “Truly this man was the Son of God!” Matthew 2733 At nang sila ay dumating sa dako na tinatawag na Golgota na ang ibig sabihin ay Dako ng Bungo, 34 si Jesus ay binigyan nila ng maasim na alak na hinaluan ng apdo upang inumin, ngunit nang ito ay natikman niya, ito ay ayaw niyang inumin. 35 At nang siya ay naipako na nila sa krus, kanilang pinaghati-hatian ang kaniyang damit sa pamamagitan ng palabunutan upang matupad ang sinabi ng propeta, “Pinaghati-hatian nila ang aking damit para sa kanilang sarili at pinagpalabunutan nila ang aking kasuotan.” Awi 22:18 36 At sila ay nakaupo habang siya ay binantayan nila roon. 37 At inilagay nila sa kaniyang ulunan ang paratang sa kaniya na nakasulat: ITO SI JESUS ANG HARI NG MGA JUDIO. 38 Sa oras na iyon, kasama niyang ipinapako sa krus ang dalawang tulisan. Ang isa ay sa kaniyang bahaging kanan at ang isa ay sa kaniyang bahaging kaliwa. 39 Ngunit siya ay nilalapastangan niyaong mga dumaraan, na iniiling ang kanilang mga ulo 40 at nagsasabi, “Ikaw na nagwawasak ng banal na dako ng templo at itatayo ito sa loob ng tatlong araw, iligtas mo ang iyong sarili. Kung ikaw ang Anak ng Diyos, bumaba ka mula sa krus.” 41 At gayundin naman, ang mga punong saserdote ay kumukutya sa kaniya kasama ang mga eskriba at ang matatanda na nagsasabi, 42 “Iniligtas niya ang iba ngunit hindi niya kayang iligtas ang kaniyang sarili. Kung siya ang hari ng Israel, hayaan siyang bumaba ngayon mula sa krus at sasampalataya kami sa kaniya. 43 Nagtiwala siya sa Diyos, hayaang siyang iligtas ng Diyos ngayon kung ninanais niya sapagkat sinabi niya, ‘Ako ang Anak ng Diyos.’ ” 44 At gayundin siya ay nilibak ng mga tulisang kasama niyang ipinako sa krus. 45 Nagkaroon ng kadiliman sa buong lupain simula sa ikaanim na oras hanggang sa ikasiyam na oras. 46 At nang bandang ikasiyam na ang oras si Jesus ay sumigaw sa malakas na tinig na sinasabi, “Eli, Eli, lama sabachthani?” na ang ibig sabihin ay “Diyos ko, Diyos ko, bakit mo ako pinabayaan?” Awi 22:1 47 Nang ito ay narinig ng ilan sa mga nakatayo roon, kanilang sinabi, “Tinatawag nito si Elias.” 48 Kaagad na tumakbo ang isa sa kanila at kumuha ng espongha at pinuno niya ito ng maasim na alak at inilagay ito sa isang tambo upang ipainom sa kaniya. 49 Ngunit ang iba ay nagsabi, “Pabayaan mo siya. Makikita natin kung darating si Elias at ililigtas siya.” 50 Muling sumigaw si Jesus sa malakas na tinig at ipinaubaya niya ang kaniyang espiritu. 51 At narito, ang tabing ng banal na dako ng templo ay napunit sa dalawa mula sa itaas pababa at ang lupa ay nayanig at ang mga bato ay nabiyak. 52 At ang mga libingan ay nabuksan at maraming katawan ng mga banal na namatay na ay ibinangon. 53 At pagkatapos ng kaniyang muling pagkabuhay, sila ay lumabas mula sa mga libingan at sila ay pumasok sa banal na lungsod at nagpakita sa marami. 54 Ngunit nang nakita ng senturion at sila na mga kasama niyang nagbabantay kay Jesus ang lindol at ang mga nangyari, sila ay labis na natakot, na nagsasabi, “Totoong siya ang Anak ng Diyos.” |