1 Sinabi ni Jesus ang mga ito at itinanaw niya ang kaniyang mga mata sa langit at nagsabi, “Ama ang oras ay dumating na. Luwalhatiin mo ang iyong Anak upang luwalhatiin ka rin ng iyong Anak
Luke 22
42 na sinasabi, “Ama, kung gugustuhin mo, alisin mo ang sarong ito sa akin. Gayunpaman, hindi ang kalooban ko kundi ang kalooban mo ang mangyari.”43 At nagpakita kay Jesus ang isang anghel mula sa langit na nagpapalakas sa kaniya.44 At sa kaniyang matinding pakikipagbaka, lalo siyang nanalangin nang mataimtim at ang pawis niya ay naging katulad ng namuong dugo na pumapatak sa lupa.
Luke 5
16 Ngunit si Jesus ay palaging umaalis patungo sa ilang at nanalangin.
Luke 6
12 At nangyari sa mga araw na iyon, na siya ay pumunta sa bundok upang manalangin. At siya ay buong magdamag na nagpatuloy sa pananalangin sa Diyos.