Suljettu päivä rukouksella
| Secondary Keywords | babae dasal paglubog ng araw pagsamba pananampalataya |
|---|---|
| Mga Banal na Kasulatan | 2 Chronicles 714 Kung ang aking bayan na tinatawag sa pamamagitan ng aking pangalan ay magpakumbaba at dumalangin, at hanapin ang aking mukha, at talikuran ang kanilang masamang mga lakad; akin ngang didinggin sa langit, at ipatatawad ko ang kanilang kasalanan, at pagagalingin ko ang kanilang lupain. Matthew 65 “At kapag ikaw ay nananalangin, huwag kang maging katulad ng mga mapagkunwari sapagkat gustung-gusto nilang tumayo sa mga sinagoga at sa mga panulukan ng mga daan upang manalangin, nang sa gayon sila ay makita ng mga tao. Katotohanang sinasabi ko sa inyo, tinatanggap na nila ang kanilang gantimpala. 6 Ngunit kapag ikaw ay nananalangin, pumasok ka sa iyong silid at pagkatapos mong isara ang pinto, manalangin ka sa iyong Ama ng palihim at ang iyong Ama na nagmamasid ng palihim ang magbibigay-gantimpala sa iyo nang hayagan. 7 At kapag kayo ay nananalangin, huwag ninyong gamitin ang mga paulit-ulit na mga walang kabuluhan katulad ng mga Gentil sapagkat inaakala nila na sa kanilang maraming salita, sila ay pakikinggan. 8 “Kaya huwag kayong tumulad sa kanila sapagkat alam na ng inyong Ama kung anu-ano ang inyong mga pangangailangan bago kayo humiling sa kaniya. 9 Kaya manalangin kayo sa ganitong paraan: Ama namin na nasa langit, pakabanalin ang pangalan mo. 10 Hayaang dumating ang iyong paghahari. Hayaang mangyari ang iyong kalooban kung paano sa langit ay gayundin sa lupa. 11 Ibigay mo sa amin sa araw na ito ang pang-araw-araw naming pagkain. 12 Patawarin mo kami sa aming mga pagkakautang, kung paano rin kami nagpapatawad sa mga nagkakautang sa amin. 13 At huwag mo kaming dalhin sa tukso sa halip ay iligtas mo kami mula sa masama sapagkat sa iyo ang kaharian at ang kapangyarihan at ang kaluwalhatian magpakailanman. Siya nawa. Psalm 511 Maawa ka sa akin, Oh Dios, ayon sa iyong kagandahang-loob: ayon sa karamihan ng iyong malumanay na mga kaawaan ay pinawi mo ang aking mga pagsalangsang. 2 Hugasan mo akong lubos sa aking kasamaan, at linisin mo ako sa aking kasalanan. 3 Sapagka't kinikilala ko ang aking mga pagsalangsang: at ang aking kasalanan ay laging nasa harap ko. 4 Laban sa iyo, sa iyo lamang ako nagkasala, at nakagawa ng kasamaan sa iyong paningin: upang ikaw ay ariing ganap pag nagsasalita ka, at maging malinis pag humahatol ka. 5 Narito, ako'y inanyuan sa kasamaan; at sa kasalanan ay ipinaglihi ako ng aking ina, 6 Narito, ikaw ay nagnanasa ng katotohanan sa mga loob na sangkap; at sa kubling bahagi ay iyong ipakikilala sa akin ang karunungan. 7 Linisin mo ako ng hisopo, at ako'y magiging malinis: hugasan mo ako at ako'y magiging lalong maputi kay sa nieve. 8 Pagparinggan mo ako ng kagalakan at kasayahan; upang ang mga buto na iyong binali ay mangagalak. 9 Ikubli mo ang iyong mukha sa aking mga kasalanan, at pawiin mo ang aking lahat na mga kasamaan. 10 Likhaan mo ako ng isang malinis na puso, Oh Dios; at magbago ka ng isang matuwid na espiritu sa loob ko. 11 Huwag mo akong paalisin sa iyong harapan; at huwag mong bawiin ang iyong santong Espiritu sa akin. 12 Ibalik mo sa akin ang kagalakan ng iyong pagliligtas: at alalayan ako ng kusang espiritu. 13 Kung magkagayo'y ituturo ko sa mga mananalangsang ang iyong mga lakad; at ang mga makasalanan ay mangahihikayat sa iyo. 14 Iligtas mo ako sa salang pagbububo ng dugo, Oh Dios, ikaw na Dios ng aking kaligtasan; at ang aking dila ay aawit ng malakas tungkol sa iyong katuwiran. 15 Oh Panginoon, bukhin mo ang aking mga labi; at ang aking bibig ay magsasaysay ng iyong kapurihan. 16 Sapagka't hindi ka nalulugod sa hain; na kung dili ay bibigyan kita: wala kang kaluguran sa handog na susunugin. 17 Ang mga hain sa Dios ay bagbag na loob: isang bagbag at may pagsisising puso, Oh Dios, ay hindi mo wawaling kabuluhan. 18 Gawan mo ng mabuti ang iyong mabuting kasayahan sa Sion: itayo mo ang mga kuta ng Jerusalem. 19 Kung magkagayo'y malulugod ka sa mga hain ng katuwiran, sa handog na susunugin at sa handog na susunuging buo: kung magkagayo'y mangaghahandog sila ng mga toro sa iyong dambana. Psalm 611 Dinggin mo ang aking daing, Oh Dios; pakinggan mo ang aking dalangin. 2 Mula sa wakas ng lupa ay tatawag ako sa iyo, pagka nanglupaypay ang aking puso: patnubayan mo ako sa malaking bato na lalong mataas kay sa akin. 3 Sapagka't ikaw ay naging aking kanlungan, matibay na moog sa kaaway. 4 Ako'y tatahan sa iyong tabernakulo magpakailan man: ako'y manganganlong sa lilim ng iyong mga pakpak. (Selah) 5 Sapagka't dininig mo, Oh Dios, ang aking mga panata: ibinigay mo ang mana sa nangatatakot sa iyong pangalan. 6 Iyong pahahabain ang buhay ng hari: Ang kaniyang mga taon ay magiging parang malaong panahon. 7 Siya'y tatahan sa harap ng Dios magpakailan man: Oh maghanda ka ng kagandahang-loob at katotohanan, upang mapalagi siya. 8 Sa gayo'y aawit ako ng pagpuri sa iyong pangalan magpakailan man. Upang maisagawa ko araw-araw ang aking mga panata. |