51 Narito, sinasabi ko sa inyo ang isang hiwaga. Tayong lahat ay hindi nga matutulog ngunit tayong lahat ay babaguhin52 sa isang iglap, sa isang kisap mata, sa huling trumpeta sapagkat ang trumpeta ay tutunog at ang mga patay ay ibabangon na walang kabulukan, at tayo ay mababago53 dahil kinakailangan na ang may kabulukang ito ay bihisan ng walang kabulukan at ang may kamatayang ito ay bihisan ng walang kamatayan.54 Ngunit kapag ang may kabulukang ito ay mabihisan ng walang kabulukan at ang may kamatayang ito ay mabihisan ng walang kamatayan, sa panahong iyon ay matutupad ang salitang nakasulat, “Ang kamatayan ay nilamon sa tagumpay.” Isa 25:8
1 Thessalonians 4
16 sapagkat ang Panginoon mismo ay bababa mula sa langit na may sigaw na nag-uutos, na may tinig ng pinunong-anghel at may trumpeta ng Diyos, at ang mga patay kay Cristo ay unang babangon.
Matthew 24
30 At pagkatapos nito ay makikita ang tanda ng Anak ng Tao sa langit at pagkatapos ay mananaghoy ang lahat ng mga lipi ng daigdig at makikita nila ang Anak ng Tao na dumarating sa mga ulap ng langit na may kapangyarihan at dakilang kaluwalhatian.