Cordero at ang Scroll
| Secondary Keywords | anghel Juan karton Lammas mag-scroll pangitain seal tupa |
|---|---|
| Mga Banal na Kasulatan | Revelation 51 At nakita ko sa kanang kamay niyaong nakaupo sa trono ang isang balumbon na may nakasulat sa loob at sa likod na sinelyuhan ng pitong selyo. 2 At nakita ko ang isang malakas na anghel na nagpapahayag sa pamamagitan ng isang malakas na tinig, “Sino ang karapat-dapat na magbukas ng balumbon at magtanggal ng mga selyo nito?” 3 At walang sinuman sa langit, o sa lupa man, o sa ilalim man ng lupa ang may kakayahang magbukas ng balumbon ni tingnan man ito. 4 Kaya ako ay labis na tumangis dahil walang sinumang natagpuang karapat-dapat magbukas at magbasa ng balumbon ni tingnan man ito. 5 At ang isa sa matatanda ay nagsabi sa akin, “Huwag kang tumangis. Narito, ang Leon na mula sa lipi ni Juda, ang ugat ni David ay nagtagumpay upang buksan ang balumbon at alisin ang pitong selyo nito.” 6 At nakita ko, narito, sa gitna ng trono at ng apat na buhay na nilalang at sa gitna ng matatanda ay nakatayo ang Korderong katulad niyaong pinatay, na may pitong sungay at pitong mata. Sila ang pitong Espiritu ng Diyos na isinugo sa buong daigdig. 7 At siya ay dumating at kinuha ang balumbon mula sa kanang kamay niyaong nakaupo sa trono. 8 At nang nakuha niya ang balumbon, ang apat na buhay na nilalang at ang dalawampu't apat na matatanda ay nagpatirapa sa harapan ng Kordero. Ang bawat isa ay may tinataglay na mga alpa at mga gintong mangkok na puno ng mga insenso. Ang mga ito ay mga panalangin ng mga banal. 9 At sila ay umaawit ng bagong awit na sinasabi, “Ikaw ang karapat-dapat na kumuha ng balumbon at magbukas ng mga selyo nito dahil ikaw ay pinatay, at tinubos kami sa pamamagitan ng iyong dugo para sa Diyos mula sa bawat lipi at wika, at bayan at bansa. Revelation 61 At nakita ko nang binuksan ng Kordero ang isa sa mga selyo at narinig ko ang isa sa apat na buhay na nilalang na nagsasabi katulad ng tunog ng kulog, “Halika at pagmasdan mo.” |








