9 Kung ipinapahayag natin ang ating mga kasalanan, siya ay matapat at matuwid na magpapatawad sa ating mga kasalanan at maglilinis sa atin sa lahat ng ating kalikuan.
2 Corinthians 5
16 Kung kaya mula ngayon ay wala na kaming nakilalang sinumang tao ayon sa laman. Ngunit kahit nakilala namin si Cristo ayon sa laman, gayunpaman ngayon ay hindi na namin kilala sa ganitong paraan.17 Kaya kung ang sinuman ay na kay Cristo, siya ay bagong nilalang, ang mga dating bagay ay lumipas, narito, ang lahat ng mga bagay ay naging bago.
Romans 8
28 At alam natin na ang lahat ng mga bagay ay nagkakalakip-lakip na gumagawa para sa kabutihan ng mga umiibig sa Diyos, sa kanila na mga tinawag ayon sa kaniyang layunin