14 Ngunit noon ay Paghahanda sa Araw ng Paglagpas at mag-ikaanim na ang oras. Sinabi niya sa mga Judio, “Narito ang inyong Hari!”
Luke 23
44 At ang oras ay halos ikaanim na, at nagkaroon ng kadiliman sa buong lupa hanggang sa ikasiyam na oras,45 at ang araw ay nagdilim, at ang tabing ng banal na dako ng templo ay nahati sa gitna.
Mark 15
33 Nang dumating ang ikaanim na oras, nagkaroon ng kadiliman sa buong lupain hanggang sa ikasiyam na oras.
Matthew 27
45 Nagkaroon ng kadiliman sa buong lupain simula sa ikaanim na oras hanggang sa ikasiyam na oras.