36 Ngunit habang sinasabi nila ang mga bagay na ito, si Jesus mismo ay tumayo sa kalagitnaan nila at sinabi sa kanila, “Kapayapaan ang sumainyo.”37 Subalit sila ay nagulat at natakot, at inaakala nilang nakakita sila ng espiritu.38 At sinabi niya sa kanila, “Bakit kayo naguguluhan? At anong dahilan na dumarating ang mga pag-aalinlangan sa inyong mga puso?39 Tingnan ninyo ang aking mga kamay at ang aking mga paa sapagkat ako mismo ito. Hawakan ninyo ako at tingnan sapagkat ang espiritu ay walang laman at buto katulad ng nakikita ninyo na mayroon ako.”40 At pagkasabi niya nito, ipinakita niya sa kanila ang kaniyang mga kamay at mga paa.