Itäinen kuva
| Secondary Keywords | Jeesus Jeesus libingan muling pagkabuhay pahimakas Pasko ng Pagkabuhay Uusi uusi uusi walang laman |
|---|---|
| Mga Banal na Kasulatan | Juan 20:11-13 Lucas 24:1-8 Marcos 16:1-7 Matthew 28:1-7 |
John 2011 Subalit si Maria na nakatayo sa labas ng libingan ay tumatangis, at habang siya ay tumatangis, siya ay yumuko at tumingin sa loob ng libingan,12 at nakita niyang nakaupo ang dalawang anghel na nakaputi. Ang isa ay nasa ulunan at ang isa ay nasa paanan ng pinaghimlayan ng katawan ni Jesus.13 Sinabi nila sa kaniya, “Ginang, bakit ka tumatangis?” Sinabi niya sa kanila, “Sapagkat kinuha nila ang aking Panginoon at hindi ko alam kung saan nila siya inilagay.” Luke 241 Sa unang araw ng linggo, maagang-maaga pa, sila at ang ilan pang mga babaing kasama nila ay pumunta sa libingan na dala-dala ang inihanda nilang mga pabango at mga pamahid.2 Ngunit natagpuan nila ang bato na naigulong na mula sa libingan.3 At nang sila ay pumasok, hindi nila natagpuan ang katawan ng Panginoong Jesus.4 At nangyari, na sa kanilang kalituhan patungkol dito, narito, may dalawang lalaking tumayo sa tabi nila na ang mga kasuotan ay nagniningning.5 At sa kanilang pagkatakot at pagkiling ng kanilang mga mukha sa lupa, sinabi ng mga lalaki sa kanila, “Bakit ninyo hinahanap ang isang nabubuhay sa mga patay?6 Wala siya rito, ngunit siya ay nagbangon. Alalahanin ninyo kung paano niya sinabi sa inyo nang siya ay nasa Galilea pa,7 na nagsasabi, ‘Ang Anak ng Tao ay kinakailangang ibigay sa mga kamay ng mga makasalanang tao at ipako sa krus at babangon sa ikatlong araw.’ ”8 At naalala nila ang kaniyang mga salita. Mark 161 Pagkalipas ng Sabat, si Maria na taga-Magdala at si Maria na ina ni Santiago at si Salome ay bumili ng mabangong mga pamahid upang puntahan at pahiran si Jesus.2 Maagang-maaga, sa unang araw ng sanlinggo, pumunta sila sa libingan habang papasikat ang araw.3 Sinabi nila sa isa't isa, “Sino ang magpapagulong ng bato mula sa bukana ng libingan para sa atin?”4 Nang sila ay tumingin, nakita nila na naigulong na ang bato bagaman ito ay lubhang napakalaki.5 At nang pumasok sila sa loob ng libingan, nakita nila ang binata na nakaupo sa bahaging kanan na nakasuot ng puting kasuotan, at sila ay lubhang namangha.6 At sinabi niya sa kanila, “Huwag kayong mamangha. Hinahanap ninyo si Jesus na taga-Nazaret na ipinako sa krus. Nagbangon siya! Wala siya rito. Narito ang dako kung saan nila siya inilagay.7 Ngunit humayo kayo at sabihin ninyo sa kaniyang mga alagad at kay Pedro, na siya ay mauuna sa inyo sa Galilea. Doon ay makikita ninyo siya kagaya ng sinabi niya sa inyo.” Matthew 281 At sa pagtatapos ng araw ng Sabat, nang mag-uumaga na sa unang araw ng linggo, si Maria na taga-Magdala at ang isa pang Maria ay pumunta upang tingnan ang puntod.2 At narito, nagkaroon ng malakas na lindol sapagkat ang isang anghel ng Panginoon ay bumaba mula sa langit at siya ay dumating at iginulong ang bato mula sa pintuan ng libingan at siya ay umupo sa ibabaw nito.3 Ang kaniyang anyo ay katulad ng kidlat at ang kaniyang damit ay maputi na parang niyebe.4 At sa takot ng mga nagbabantay, sila ay nanginig at naging parang mga patay.5 At ang anghel ay sumagot at sinabi sa mga babae, “Huwag kayong matakot sapagkat alam ko na ang hinahanap ninyo ay si Jesus na siyang ipinako sa krus.6 Wala siya rito sapagkat siya ay binangon ayon sa kaniyang sinabi. Halikayo, tingnan ninyo ang dako kung saan inihimlay ang Panginoon,7 at magmadali kayong pumunta at sabihin ninyo sa kaniyang mga alagad na siya ay binangon mula sa mga patay. At narito, siya ay mauuna sa inyo patungo sa Galilea. Siya ay makikita ninyo roon. Narito, sinabi ko na sa inyo.” | |








