1 Sa unang araw ng sanlinggo, habang madilim pa, maagang dumating sa libingan si Maria na taga-Magdala. Nakita niya na ang bato ay naialis na mula sa libingan.
Luke 24
1 Sa unang araw ng linggo, maagang-maaga pa, sila at ang ilan pang mga babaing kasama nila ay pumunta sa libingan na dala-dala ang inihanda nilang mga pabango at mga pamahid.
Mark 16
1 Pagkalipas ng Sabat, si Maria na taga-Magdala at si Maria na ina ni Santiago at si Salome ay bumili ng mabangong mga pamahid upang puntahan at pahiran si Jesus.
Matthew 28
1 At sa pagtatapos ng araw ng Sabat, nang mag-uumaga na sa unang araw ng linggo, si Maria na taga-Magdala at ang isa pang Maria ay pumunta upang tingnan ang puntod.