12 At sa pangpang ng ilog sa tabi niyaon, sa dakong ito at sa dakong yaon, tutubo ang sarisaring punong kahoy na pinakapagkain, na ang dahon ay hindi matutuyo, ni magkukulang man ang bunga niyaon: magbubunga ng bago buwan-buwan, sapagka't ang tubig niyaon ay lumalabas sa santuario; at ang bunga niyaon ay magiging pagkain at ang dahon niyaon ay pangpagaling.
Mark 11
13 At nang natanaw niya sa di-kalayuan ang puno ng igos na may mga dahon, siya ay lumapit baka sakaling siya ay makakakita ng anuman doon. Ngunit nang ito ay nilapitan niya, wala siyang natagpuan maliban sa mga dahon sapagkat hindi pa panahon noon ng mga igos.
Psalm 1
3 At siya'y magiging parang punong kahoy na itinanim sa siping ng mga agos ng tubig, na nagbubunga sa kaniyang kapanahunan, ang kaniyang dahon nama'y hindi malalanta; at anumang kaniyang gawin ay giginhawa.