wjpas0637
| Secondary Keywords | bato buhay haudattu himala Jeesus Jeesus Joulu libingan muling pagkabuhay nabuhay na mag-uli pasukan walang laman |
|---|---|
| Mga Banal na Kasulatan | Juan 20:1 Lucas 24:2-3 Marcos 16:3-4 Matthew 28:1-2 |
John 201 Sa unang araw ng sanlinggo, habang madilim pa, maagang dumating sa libingan si Maria na taga-Magdala. Nakita niya na ang bato ay naialis na mula sa libingan. Luke 242 Ngunit natagpuan nila ang bato na naigulong na mula sa libingan.3 At nang sila ay pumasok, hindi nila natagpuan ang katawan ng Panginoong Jesus. Mark 163 Sinabi nila sa isa't isa, “Sino ang magpapagulong ng bato mula sa bukana ng libingan para sa atin?”4 Nang sila ay tumingin, nakita nila na naigulong na ang bato bagaman ito ay lubhang napakalaki. Matthew 281 At sa pagtatapos ng araw ng Sabat, nang mag-uumaga na sa unang araw ng linggo, si Maria na taga-Magdala at ang isa pang Maria ay pumunta upang tingnan ang puntod.2 At narito, nagkaroon ng malakas na lindol sapagkat ang isang anghel ng Panginoon ay bumaba mula sa langit at siya ay dumating at iginulong ang bato mula sa pintuan ng libingan at siya ay umupo sa ibabaw nito. | |








