1 Higit sa lahat mga kapatid, ipinapaunawa ko sa inyo ang ebanghelyo na aking ipinangaral sa inyo, ito rin ang inyong tinanggap at ito rin ang inyong pinanindigan na.2 Sa pamamagitan nito ay iniligtas kayo, kung humahawak kayong matatag sa salitang ipinangaral ko sa inyo, maliban na kung kayo ay sumampalataya nang walang kabuluhan.3 Sapagkat una sa lahat ay ibinigay ko sa inyo ang akin ding tinanggap, na si Cristo ay namatay para sa ating mga kasalanan ayon sa mga Kasulatan,4 at siya ay inilibing at siya ay ibinangon sa ikatlong araw ayon sa mga Kasulatan.