16 Narito aking inanyuan ka sa mga palad ng aking mga kamay; ang iyong mga kuta ay laging nangasa harap ko.
Luke 23
33 At nang sila ay dumating sa dakong tinatawag na Bungo, doon siya ay kanilang ipinako sa krus at ang mga salarin, ang isa nga ay sa bahaging kanan at ang isa ay sa bahaging kaliwa.
Luke 23
34 At sinabi ni Jesus, “Ama, patawarin mo sila sapagkat hindi nila alam ang kanilang ginagawa.” At sila ay nagpalabunutan sa pagbaha-bahagi ng kaniyang mga kasuotan.
Luke 23
43 Kaya sinabi ni Jesus sa kaniya, “Katotohanang sinasabi ko sa iyo, sa araw na ito, ikaw ay makakasama ko sa Paraiso.”
Luke 23
46 At nang si Jesus ay sumigaw na may malakas na tinig ay sinabi niya, “Ama, ‘sa iyong mga kamay ay inihahabilin ko ang aking espiritu.’ ” Awi 31:5 At pagkasabi niya ng mga bagay na ito, siya ay nalagutan ng hininga.
Mark 15
34 At sa ikasiyam na oras, sumigaw si Jesus na may malakas na tinig na nagsasabi, “Eloi, Eloi, lama sabachthani?” Ang kahulugan nito ay, “Diyos ko, Diyos ko, bakit mo ako pinabayaan?” Awi 22:1
Mark 15
37 At pagkasigaw ni Jesus na may malakas na tinig, nalagutan siya ng hininga.
Matthew 27
46 At nang bandang ikasiyam na ang oras si Jesus ay sumigaw sa malakas na tinig na sinasabi, “Eli, Eli, lama sabachthani?” na ang ibig sabihin ay “Diyos ko, Diyos ko, bakit mo ako pinabayaan?” Awi 22:1
Matthew 27
50 Muling sumigaw si Jesus sa malakas na tinig at ipinaubaya niya ang kaniyang espiritu.