Golgata
| Secondary Keywords | Biyernes Santo Jeesus Jeesus karamihan ng tao kawal krus pagpapako sa krus Pasko ng Pagkabuhay Roman |
|---|---|
| Mga Banal na Kasulatan | Lucas 23:26-46 |
Luke 2326 At habang si Jesus ay dinadala nilang palayo, kinuha nila ang isang nagngangalang Simon na taga-Cerene na nanggaling sa bukid, at ipinatong nila sa kaniya ang krus upang pasanin niya ito na nakasunod kay Jesus.27 At sumusunod kay Jesus ang malaking bilang ng napakaraming tao at sa mga kababaihan na tumatangis din at nanaghoy sa kaniya.28 Ngunit si Jesus ay lumingon at sinabi, “Mga anak na babae ng Jerusalem, huwag kayong tumangis para sa akin. Gayunpaman, tumangis kayo para sa inyong mga sarili at para sa inyong mga anak.29 Narito, dahil ang mga araw ay darating kung saan ay sasabihin nila, ‘Pinagpala ang mga baog, ang mga sinapupunan na hindi nagdalang-tao at ang mga suso na hindi nasusuhan!’30 Sa panahong iyon, sila ay magsisimulang ‘magsabi sa mga bundok, “Bagsakan ninyo kami!” at sa mga burol, “Tabunan ninyo kami!” ’ Ose 10:831 Dahil kung ginagawa nila ang mga ito sa sariwang kahoy, ano ang mangyayari sa tuyo?”32 At mayroon ding dalawang salarin na dinalang kasama ni Jesus upang patayin.33 At nang sila ay dumating sa dakong tinatawag na Bungo, doon siya ay kanilang ipinako sa krus at ang mga salarin, ang isa nga ay sa bahaging kanan at ang isa ay sa bahaging kaliwa.34 At sinabi ni Jesus, “Ama, patawarin mo sila sapagkat hindi nila alam ang kanilang ginagawa.” At sila ay nagpalabunutan sa pagbaha-bahagi ng kaniyang mga kasuotan.35 At ang mga tao ay nakatayo na nagmamasid. At ang mga pinunong kasama nila ay tumutuya rin sa kaniya na sinasabi, “Iniligtas niya ang iba. Hayaan siyang iligtas niya ang kaniyang sarili kung siya ang Cristo na pinili ng Diyos.”36 At nilibak din siya ng mga kawal. Sila ay lumapit at iniaalok ang maasim na alak sa kaniya37 at sinasabi, “Kung ikaw ang Hari ng mga Judio, iligtas mo ang iyong sarili.”38 At sa itaas niya ay mayroon ding nakasulat sa mga titik ng Griyego at sa Latin at sa Hebreo: ITO ANG HARI NG MGA JUDIO.39 Ngunit ang isa sa mga salaring nakapako sa krus ay nilapastangan siya na sinasabi, “Kung ikaw ang Cristo, iligtas mo ang iyong sarili at kami.”40 Subalit pagsagot ng isa ay sinaway siya na sinasabi, “Hindi ka ba natatakot sa Diyos yamang ikaw ay nasa gayunding kaparusahan?41 At tayo nga ay hinatulan ayon sa katuwiran sapagkat tinatanggap natin ang nararapat na kabayaran ng ating mga ginawa, ngunit ang lalaking ito ay walang ginawang pagkakamali.”42 Ngunit sinabi niya kay Jesus, “Panginoon, alalahanin mo ako kapag ikaw ay dumating sa iyong kaharian.”43 Kaya sinabi ni Jesus sa kaniya, “Katotohanang sinasabi ko sa iyo, sa araw na ito, ikaw ay makakasama ko sa Paraiso.”44 At ang oras ay halos ikaanim na, at nagkaroon ng kadiliman sa buong lupa hanggang sa ikasiyam na oras,45 at ang araw ay nagdilim, at ang tabing ng banal na dako ng templo ay nahati sa gitna.46 At nang si Jesus ay sumigaw na may malakas na tinig ay sinabi niya, “Ama, ‘sa iyong mga kamay ay inihahabilin ko ang aking espiritu.’ ” Awi 31:5 At pagkasabi niya ng mga bagay na ito, siya ay nalagutan ng hininga. | |








