Hän ei ole täällä
| Secondary Keywords | anghel bato buhay Hämmentynyt henkilö Ihmiset ihmiset Joulu Kiven kivi libingan maghanap makaupo Maria Miehet miehet Mies Mies muling pagkabuhay nabuhay na mag-uli naghahanap ng Nainen nainen Nainen nainen Naiset naiset ng Nousu ylös paghahanap paghahanap paghahanap Pasko ng Pagkabuhay silakbo ng damdamin tingnan umupo |
|---|---|
| Mga Banal na Kasulatan | Marcos 16 |
Mark 161 Pagkalipas ng Sabat, si Maria na taga-Magdala at si Maria na ina ni Santiago at si Salome ay bumili ng mabangong mga pamahid upang puntahan at pahiran si Jesus.2 Maagang-maaga, sa unang araw ng sanlinggo, pumunta sila sa libingan habang papasikat ang araw.3 Sinabi nila sa isa't isa, “Sino ang magpapagulong ng bato mula sa bukana ng libingan para sa atin?”4 Nang sila ay tumingin, nakita nila na naigulong na ang bato bagaman ito ay lubhang napakalaki.5 At nang pumasok sila sa loob ng libingan, nakita nila ang binata na nakaupo sa bahaging kanan na nakasuot ng puting kasuotan, at sila ay lubhang namangha.6 At sinabi niya sa kanila, “Huwag kayong mamangha. Hinahanap ninyo si Jesus na taga-Nazaret na ipinako sa krus. Nagbangon siya! Wala siya rito. Narito ang dako kung saan nila siya inilagay.7 Ngunit humayo kayo at sabihin ninyo sa kaniyang mga alagad at kay Pedro, na siya ay mauuna sa inyo sa Galilea. Doon ay makikita ninyo siya kagaya ng sinabi niya sa inyo.”8 Sa kanilang dagliang paglabas, sila ay tumakbo mula sa libingan. Ngunit sila ay nagkaroon ng panginginig at pagtataka kaya wala silang sinabing anuman sa kaninuman dahil sa takot.9 Nang si Jesus ay bumangon sa unang araw ng sanlinggo, siya ay unang nagpakita kay Maria na taga-Magdala, na mula sa kaniya ay pinalabas ni Jesus ang pitong demonyo.10 Pagkaalis ni Maria, isinalaysay niya ito sa kanila na mga naging kasama ni Jesus habang sila ay nagdadalamhati at namimighati.11 Ngunit sila na nakarinig, na siya ay nabubuhay at siya ay nakita ni Maria, ay hindi naniwala.12 Ngunit pagkatapos ng mga bagay na ito, siya ay nagpakita sa ibang anyo sa dalawa mula sa kanila habang sila ay naglalakad patungo sa kanilang bukid.13 Nang sila ay nakaalis na, ipinahayag nila ito sa mga iba nilang kasama, ngunit hindi nila pinaniwalaan ang mga iyon.14 Pagkatapos nito, nagpakita siya sa labing-isa habang sila ay nakahilig sa may hapag at sinumbatan niya ang kanilang kawalan ng pananampalataya at katigasan ng puso sapagkat hindi nila pinaniwalaan yaong mga nakakita na siya ay ibinangon na.15 At sinabi niya sa kanila, “Sa inyong paghayo sa buong sanlibutan, ipangaral ninyo ang ebanghelyo sa bawat nilikha.16 Siya na sumampalataya at mabawtismuhan ay maliligtas, ngunit siya na hindi sumampalataya ay hahatulan.17 Ngunit sa kanila na mga sumasampalataya, ang mga tanda na ito ay susunod sa kanila: sila ay magpapalayas ng mga demonyo sa aking pangalan, sila ay magsasalita ng mga bagong wika,18 sila ay dadampot ng mga ahas, at kapag makainom sila ng anumang bagay na nakakamatay ay hinding-hindi sila masasaktan, sila ay magpapatong ng mga kamay sa may mga karamdaman at sila ay gagaling.”19 Kaya nga, pagkatapos magsalita ang Panginoon sa kanila, siya ay dinalang paitaas sa langit at umupo sa bahaging kanan ng Diyos.20 Kaya sa kanilang pag-alis, sila ay nangaral sa lahat ng dako, ang Panginoon ay gumagawang kasama nila at pinagtitibay niya ang salita sa pamamagitan ng mga tanda na sumusunod. Siya nawa. | |








