64 Kaya iutos mo na bantayang maigi ang puntod hanggang sa ikatlong araw baka dumating ang kaniyang mga alagad sa gabi at siya ay nakawin at sabihin nila sa mga tao, ‘Siya ay nagbangon mula sa mga patay.’ At mangyayari na ang huling pandaraya ay higit na malala kaysa sa una.”65 Ngunit si Pilato ay sumagot sa kanila, “Kayo ay mayroong tagapagbantay. Humayo kayo. Bantayan ninyo ito nang maigi ayon sa inyong kaalaman.”66 Kaya sila ay umalis at kanilang ipinabantayan nang maigi ang puntod, nilagyan ng selyo ang bato at nagtalaga ng tagapagbantay.
Matthew 28
1 At sa pagtatapos ng araw ng Sabat, nang mag-uumaga na sa unang araw ng linggo, si Maria na taga-Magdala at ang isa pang Maria ay pumunta upang tingnan ang puntod.2 At narito, nagkaroon ng malakas na lindol sapagkat ang isang anghel ng Panginoon ay bumaba mula sa langit at siya ay dumating at iginulong ang bato mula sa pintuan ng libingan at siya ay umupo sa ibabaw nito.3 Ang kaniyang anyo ay katulad ng kidlat at ang kaniyang damit ay maputi na parang niyebe.4 At sa takot ng mga nagbabantay, sila ay nanginig at naging parang mga patay.5 At ang anghel ay sumagot at sinabi sa mga babae, “Huwag kayong matakot sapagkat alam ko na ang hinahanap ninyo ay si Jesus na siyang ipinako sa krus.