1 Sa unang araw ng sanlinggo, habang madilim pa, maagang dumating sa libingan si Maria na taga-Magdala. Nakita niya na ang bato ay naialis na mula sa libingan.2 Kaya matulin siyang tumatakbo papunta kay Simon Pedro at sa isang alagad na iniibig ni Jesus. Sinabi niya sa kanila, “Kinuha nila ang Panginoon mula sa libingan at hindi namin alam kung saan nila siya inilagay.”3 Lumabas nga si Pedro at ang alagad na iyon at pumunta sila sa libingan.4 Magkasama ngang tumatakbo nang matulin ang dalawa, ngunit ang alagad na iyon ay higit na mabilis tumakbo kaya nauna siyang dumating kay Pedro sa libingan.