19 Subalit si Pilato ay sumulat din ng isang pamagat at inilagay ito sa krus. Ang nakasulat ay, SI JESUS NA TAGA-NAZARET, ANG HARI NG MGA JUDIO.
John 19
30 Kaya nang natanggap na ni Jesus ang maasim na alak, sinabi niya, “Naganap na!” Iniyuko niya ang kaniyang ulo at ipinagtagubilin niya ang kaniyang espiritu.
John 19
34 Ngunit isa sa mga kawal na may sibat ang tumusok sa kaniyang tagiliran at lumabas kaagad ang dugo at tubig.
Luke 23
33 At nang sila ay dumating sa dakong tinatawag na Bungo, doon siya ay kanilang ipinako sa krus at ang mga salarin, ang isa nga ay sa bahaging kanan at ang isa ay sa bahaging kaliwa.
Mark 15
24 At pagkatapos nila siyang ipako sa krus, pinaghati‑hatian nila ang kaniyang mga damit sa palabunutan, kung alin ang makukuha ng bawat isa.
Matthew 27
46 At nang bandang ikasiyam na ang oras si Jesus ay sumigaw sa malakas na tinig na sinasabi, “Eli, Eli, lama sabachthani?” na ang ibig sabihin ay “Diyos ko, Diyos ko, bakit mo ako pinabayaan?” Awi 22:1