33 Pumasok ngang muli si Pilato sa Pretorio, tinawag si Jesus at sinabi sa kaniya, “Ikaw ba ang Hari ng mga Judio?”34 Sumagot sa kaniya si Jesus, “Sinasabi mo ba ito mula sa iyong sarili? O may ibang nagsabi sa iyo patungkol sa akin?”35 Sumagot si Pilato, “Ako ba ay isang Judio? Dinala ka sa akin ng iyong sariling bansa at ng mga punong saserdote. Ano ba ang ginawa mo?”36 Sumagot si Jesus, “Ang aking paghahari ay hindi mula sa sanlibutang ito. Kung ang aking paghahari ay mula sa sanlibutang ito, makikipaglaban sana ang aking mga lingkod upang hindi ako maibigay sa mga pinuno ng mga Judio. Ngunit ngayon ang aking paghahari ay hindi rito nagmula.”37 Kaya nga sinabi ni Pilato sa kaniya, “Kung gayon, ikaw ba ay isang hari?” Sumagot si Jesus, “Ikaw ang nagsasabi na ako ay isang hari. Ito ang dahilan kung bakit ako ipinanganak at sa dahilang ito ay pumarito ako sa sanlibutan upang magpatotoo sa katotohanan. Ang bawat isang nasa katotohanan ay dumirinig ng aking tinig.”38 Sinabi ni Pilato sa kaniya, “Ano ang katotohanan?” Pagkasabi niya nito, muli siyang pumunta sa mga pinuno ng mga Judio at sinabi sa kanila, “Wala akong nakikita ni isang kasalanan sa kaniya.
Luke 23
3 At tinanong ni Pilato si Jesus na sinasabi, “Ikaw ba ang Hari ng mga Judio?” At si Jesus ay sumagot sa kaniya na sinasabi, “Ikaw ang nagsabi nito.”
Mark 15
2 At si Pilato ay nagtanong sa kaniya, “Ikaw ba ang Hari ng mga Judio?” Ngunit nang sumagot si Jesus, sinabi niya sa kaniya, “Ikaw ang nagsasabi.”
Mark 15
4 Kaya si Pilato ay muling nagtanong sa kaniya na sinasabi, “Wala ka bang isinasagot na anuman? Tingnan mo kung gaano karami ang ipinaparatang nila laban sa iyo”5 Ngunit si Jesus ay wala pa ring anumang isinagot upang mamangha si Pilato.
Matthew 27
11 Si Jesus ay tumayo sa harap ng gobernador at siya ay tinanong ng gobernador na sinasabi, “Ikaw ba ang Hari ng mga Judio?” At si Jesus ay sumagot sa kaniya, “Ikaw ang nagsasabi.”