24 Kaya nang sila ay lumapit sa kaniya, siya ay ginising nila na sinasabi, “Guro! Guro! Napapahamak tayo!” Ngunit nang gumising siya, sinaway niya ang hangin at ang malakas na hampas ng tubig, kaya tumigil ang mga ito at nagkaroon ng kapanatagan.
Mark 4
38 Siya ay natutulog na may unan sa hulihang bahagi ng bangka. At siya ay ginising nila at sinabi sa kaniya, “Guro, bale wala ba sa iyo na tayo ay napapahamak?”
Mark 6
45 At inutusan kaagad ni Jesus ang kaniyang mga alagad na sumakay sa bangka at upang mauna sa kabilang ibayo patungong Betsaida hanggang sa mapauwi niya ang napakaraming tao.46 At nang sila ay napaluwas niya, siya ay umahon sa bundok upang manalangin.47 At pagsapit ng gabi, ang bangka ay nasa gitna ng dagat, ngunit si Jesus ay nag-iisa sa lupa.48 At nakita niyang nahihirapan sila sa pagsagwan sapagkat pasalungat ang hangin sa kanila. Nang malapit na ang ikaapat na pagbabantay sa gabi, pumunta sa kanila si Jesus na naglalakad sa ibabaw ng dagat at ibig niyang lagpasan sila.49 Subalit pagkakita nila sa kaniya na naglalakad sa ibabaw ng dagat ay inakala nilang ito ay multo at sila ay sumigaw50 sapagkat siya ay nakita nilang lahat at sila ay nabalisa. Subalit kaagad siyang nagsalita sa kanila at sinabi sa kanila, “Lakasan ninyo ang inyong loob. Ako ito, huwag kayong matakot.”51 Siya ay sumakay sa kanilang bangka kaya humupa ang hangin at labis-labis silang nanggilalas at namangha52 sapagkat hindi nila naunawaan ang patungkol sa mga tinapay dahil tumigas na ang kanilang puso.