Jeesus ennen sanhedrinia
| Avainsanat | Anas Caifas Cristo gabi Jesus mga saserdote paglilitis Semana Santa |
|---|---|
| Secondary Keywords | bantay humihingi john bakal kawal magtanong makipag-usap mga lalaki pag-uusig pagdakip Pasko ng Pagkabuhay Puhuminen puhuu Roman |
| Mga Banal na Kasulatan | John 1812 Hinuli nga si Jesus ng batalyon ng mga kawal, ng pinunong kapitan at ng mga opisyal ng mga pinuno ng mga Judio at siya ay kanilang ginapos. 13 Siya ay dinala muna nila kay Anas na biyenang lalaki ni Caifas na pinakapunong saserdote ng taon ding iyon. 14 Si Caifas ang nagbigay ng payo sa mga pinuno ng mga Judio na makabubuti na isang tao ang mamatay para sa mga tao. 15 Si Simon Pedro at ang isa pang alagad ay sumunod kay Jesus. Ang alagad na iyon ay kilala ng pinakapunong saserdote kaya siya ay pumasok na kasama ni Jesus sa bulwagan ng pinakapunong saserdote. 16 Subalit si Pedro ay nakatayo sa labas ng pintuan. Kaya, ang alagad na kilala ng pinakapunong saserdote ay lumabas at kinausap ang babaing tagapagbantay sa pintuan at pinapasok si Pedro. 17 Sinabi nga kay Pedro ng aliping babae na tagapagbantay sa pintuan, “Hindi ba ikaw ay isa sa mga alagad ng taong ito?” Sinabi niya, “Hindi ako.” 18 Ang mga alipin at mga opisyal ay nakatayo roon na nagpabaga ng uling sapagkat malamig noon at pinapainitan nila ang kanilang mga sarili. Si Pedro rin ay nakatayo kasama nila at pinapainitan ang kaniyang sarili. 19 Tinanong si Jesus ng pinakapunong saserdote patungkol sa kaniyang mga alagad at sa kaniyang katuruan. 20 Sumagot si Jesus sa kaniya, “Ako ay hayagang nagsalita sa sangkatauhan. Ako ay palaging nagtuturo sa sinagoga at sa templo na palaging pinagtitipunan ng mga Judio at wala akong sinabing lihim. 21 Bakit mo ako tinatanong? Tanungin mo ang mga nakarinig sa akin kung ano ang sinabi ko sa kanila. Narito, alam nila ang sinabi ko.” 22 Pagkasabi niya ng mga bagay na ito, isa sa mga opisyal na nakatayo ang sumampal kay Jesus. Sinabi niya, “Sa ganiyang paraan ka ba sumagot sa pinakapunong saserdote?” 23 Sumagot sa kaniya si Jesus, “Kung masama ang aking sinabi, patunayan mo kung ito ay masama, subalit kung mabuti, bakit mo ako hinahampas?” 24 Kaya iniutos ni Anas na nakagapos siyang dalhin kay Caifas na pinakapunong saserdote. 25 Si Simon Pedro ay nakatayo at pinapainitan ang kaniyang sarili. Sinabi nga nila sa kaniya, “Hindi ba ikaw rin ay isa sa kaniyang mga alagad?” Ipinagkaila niya ito at sinabi, “Hindi ako!” Luke 2266 At nang umaga na, nagkatipon ang matatanda ng bayan, ang mga punong saserdote, gayundin ang mga eskriba, at si Jesus ay dinala nila sa kanilang Sanhedrin, na sinasabi, 67 “Kung ikaw ang Cristo, sabihin mo sa amin.” Ngunit sinabi niya sa kanila, “Kapag sasabihin ko sa inyo, kailanman ay hindi kayo maniniwala. 68 At kapag ako rin ay magtatanong sa inyo, hindi ninyo ako sasagutin, ni palalayain. 69 Simula ngayon, ang Anak ng Tao ay uupo sa kanan ng kapangyarihan ng Diyos.” 70 At ang lahat ay nagsabi, “Ikaw nga ba ang Anak ng Diyos?” Ngunit sinabi niya sa kanila, “Kayo ang nagsasabi na ako nga.” 71 Kaya sinabi nila, “Ano pang patotoo ang kailangan natin, sapagkat tayo na mismo ang nakarinig mula sa kaniyang bibig?” Mark 1453 Dinala nila si Jesus sa pinakapunong saserdote, at ang lahat ng mga punong saserdote at ang matatanda at ang mga eskriba ay nagtipon sa kaniya. 54 Si Pedro ay sumunod sa kaniya mula sa malayo hanggang sa loob ng bulwagan ng pinakapunong saserdote. At siya ay umupong kasama ng mga opisyal at nagpapainit ng sarili malapit sa apoy. 55 Ang mga punong saserdote at ang buong Sanhedrin ay naghanap ng saksi laban kay Jesus upang maipapatay nila si Jesus ngunit wala silang natagpuan 56 sapagkat marami ang nagpatotoo ng kasinungalingan laban sa kaniya, ngunit ang kanilang mga patotoo ay hindi magkakatugma. 57 At nang tumayo ang ilan, sila ay nagpatotoo ng kasinungalingan laban sa kaniya na sinasabi, 58 “Narinig namin siyang nagsasabi, ‘Gigibain ko ang banal na dako ng templong ito na gawa ng mga kamay, at sa loob ng tatlong araw ay magtatayo ako ng iba na hindi gawa ng mga kamay.’ ” 59 Gayunpaman, kahit ang patotoo nilang ito ay hindi magkakatugma. 60 At nang tumayo ang pinakapunong saserdote sa kalagitnaan, tinanong niya si Jesus, na sinasabi, “Wala kang isinasagot na anuman. Ano itong mga ipinaparatang laban sa iyo?” 61 Ngunit siya ay nanahimik at walang isinagot. Muli siyang tinanong ng pinakapunong saserdote at sinabi sa kaniya, “Ikaw ba ang Cristo, ang Anak ng Pinagpala?” 62 At sinabi ni Jesus, “Ako nga. At makikita ninyo ang Anak ng Tao na nakaupo mula sa bahaging kanan ng Makapangyarihan at dumarating sa mga ulap ng langit.” 63 Kaya pinunit ng pinakapunong saserdote ang kaniyang mga tunika at sinasabi, “Ano pa ang pangangailangan natin ng mga saksi? 64 Narinig ninyo ang kaniyang paglapastangan! Ano ito sa palagay ninyo?” Kaya ang lahat ay humatol sa kaniya na siya ay nararapat sa kamatayan. 65 At sinimulan ng ilan na siya ay duraan, takpan ang kaniyang mukha, suntukin siya at sinabi sa kaniya, “Hulaan mo!” At siya ay pinagsasampal ng mga opisyal. |