Jeesus tuli Jerusalemiin
| Secondary Keywords | asno Jeesus Jeesus Jerusalem karamihan ng tao Pasko ng Pagkabuhay |
|---|---|
| Mga Banal na Kasulatan | John 1212 Kinabukasan, nang narinig nila na si Jesus ay paparating sa Jerusalem, maraming mga tao na nanggaling sa kapistahan 13 ang kumuha ng mga tangkay ng punong palma at lumabas upang salubungin siya at sumigaw, “Hosana! ‘Pinagpala siya na dumarating sa pangalan ng Panginoon,’ Awi 118:25-26 ang Hari ng Israel!” 14 Nang natagpuan ni Jesus ang isang batang asno, sumakay siya rito kagaya ng nasusulat, 15 “Huwag kang matakot, anak na babae ng Zion! Narito, ang iyong hari ay dumarating na nakasakay sa bisiro.” Zak 9:9 Luke 1928 At pagkasabi niya ng mga bagay na ito, siya ay naunang umahon sa Jerusalem. 29 At nangyari, na habang siya ay papalapit sa Betfage at Betania, patungo sa bundok na tinatawag na Bundok ng mga Olibo, sinugo niya ang dalawa sa kaniyang mga alagad, 30 na sinasabi, “Pumunta kayo sa nayon na nasa unahan ninyo. At pagpasok ninyo roon ay matatagpuan ninyo ang isang bisiro na nakatali na hindi pa nasasakyan ng sinumang tao. Kalagan ninyo iyon at dalhin dito. 31 At kapag may magtatanong sa inyo, ‘Bakit ninyo siya kinalagan?’ Ganito ang sasabihin ninyo sa kaniya, ‘Dahil kailangan ito ng Panginoon.’ ” 32 Kaya nang nakaalis ang mga sinugo, natagpuan nila ang ayon sa kaniyang sinabi sa kanila. 33 At habang kinakalagan nila ang bisiro, ang mga may-ari nito ay nagsabi sa kanila, “Bakit ninyo kinakalagan ang bisiro?” 34 At sinabi nila, “Kailangan ito ng Panginoon.” 35 At inakay nila ang bisiro patungo kay Jesus at ipinatong nila ng kanilang mga damit sa batang asno at pinasakay nila si Jesus. 36 At habang siya ay humahayo, inilalatag nila ang kanilang mga damit sa daan. 37 Ngunit nang siya ay papalapit na sa paanan ng bundok ng mga Olibo, ang lahat ng napakaraming alagad ay nagsimulang magalak na nagpupuri sa Diyos sa pamamagitan ng malakas na tinig dahil sa lahat ng mga makapangyarihang gawa na nakita nila, 38 na sinasabi, “ ‘Papuri sa hari na dumarating sa pangalan ng Panginoon!’ Awi 118:26 Kapayapaan sa langit at kaluwalhatian sa kataas-taasan!” 39 At ang ilan sa mga Fariseong mula sa napakaraming tao ay nagsabi sa kaniya, “Guro, sawayin mo ang iyong mga alagad.” 40 At siya ay sumagot na sinasabi sa kanila, “Sinasabi ko sa inyo na kapag ang mga ito ay mapapatahimik, ang mga bato ay sisigaw.” 41 Nang siya ay nakalapit at nakita ang lungsod, ito ay tinangisan niya 42 na sinasabi, “At ikaw Jerusalem, kung nalaman mo, ikaw mismo, kahit man lang sa araw mong ito ang mga bagay na para sa iyong kapayapaan. Ngunit ngayon sila ay itinago sa iyong mga paningin 43 sapagkat darating sa iyo ang mga araw na ang mga kaaway mo ay maglalagay ng pangharang na lupa sa palibot mo. Papalibutan ka nila at kukubkubin ka nila sa bawat panig. 44 At ikaw ay papataging kapantay ng lupa kasama ng iyong mga anak, at wala silang iiwanang bato na nakapatong sa isang bato sapagkat hindi mo kinilala ang panahon ng pagdalaw sa iyo.” Mark 710 sapagkat sinabi ni Moises, ‘Igalang mo ang iyong ama at ang iyong ina’ Exo 20:12; Deu 5:16 at ‘ang lumalapastangan sa kaniyang ama o ina, dapat siyang tapusin sa kamatayan.’ Exo 21:17; Lev 20:9 Matthew 611 Ibigay mo sa amin sa araw na ito ang pang-araw-araw naming pagkain. |