30 At nangyari, na sa kaniyang pagdulog sa hapag-kainan na kasama nila, kinuha niya ang tinapay at pinagpala ito at pagkaputul-putol niya, ito ay ibinigay niya sa kanila.31 At ang kanilang mga mata ay nabuksan at siya ay nakilala nila. Ngunit siya ay naglaho mula sa kanila.32 Kaya sinabi nila sa isa't isa, “Hindi nga ba nag-aalab sa loob natin ang ating mga puso habang tayo ay kinakausap niya sa daan at kung paano niya ipinapaliwanag sa atin ang mga Kasulatan?”
Mark 16
12 Ngunit pagkatapos ng mga bagay na ito, siya ay nagpakita sa ibang anyo sa dalawa mula sa kanila habang sila ay naglalakad patungo sa kanilang bukid.