1 Nangyari habang si Jesus ay nasa isang dako at nananalangin, nang siya ay tumigil, isa sa kaniyang mga alagad ang nagsabi sa kaniya, “Panginoon, turuan mo kami na manalangin katulad din ng pagturo ni Juan sa kaniyang mga alagad.”2 At sinabi ni Jesus sa kanila, “Kapag kayo ay mananalangin, sabihin ninyo: Aming Ama na nasa kalangitan, pakabanalin ang iyong pangalan. Dumating ang iyong paghahari. Mangyari ang iyong kalooban, kung paano sa langit ay maging gayundin sa lupa.3 Ibigay mo sa amin sa araw na ito, ang pang-araw-araw naming pagkain.4 Patawarin mo kami sa aming mga kasalanan sapagkat pinapatawad din namin ang bawat isang nagkakautang sa amin. Huwag mo kaming dalhin sa tukso, sa halip ay iligtas mo kami mula sa masama.”5 At sinabi niya sa kanila, “Sino sa inyo ang may kaibigan at kayo ay pupunta sa kaniya sa hatinggabi, at sasabihin sa kaniya, ‘Kaibigan, pahiramin mo ako ng tatlong tinapay6 sapagkat ang aking kaibigan ay dumating mula sa paglalakbay at wala akong maihahain sa kaniya’?7 At siya na nasa loob ay sasagot na magsasabi, ‘Huwag mo akong gambalain. Nakasara na ang pinto at kami ng aking mga anak ay nasa higaan na at hindi ko na kayang bumangon upang magbigay sa iyo.’8 Sinasabi ko sa inyo, bagaman hindi siya magbibigay sa kaniya, siya ay babangon sapagkat siya ay kaniyang kaibigan, at dahil sa kaniyang pagpupumilit, siya ay tatayo at ibibigay sa kaniya ang anumang kaniyang kailangan.9 “Kaya ako ay nagsasabi sa inyo, humiling kayo at ito ay ibibigay sa inyo. Maghanap kayo at kayo ay makakasumpong. Kumatok kayo at ito ay bubuksan sa inyo,10 sapagkat ang bawat isang humihiling ay tumatanggap, at siya na naghahanap ay nakakasumpong, at siya na kumakatok ay pagbubuksan.11 Ngunit sino sa inyo na ama, ang mag-aabot ng bato sa anak na hihiling ng tinapay? At kung siya ay hihiling ng isda, ang iaabot ba niya sa kaniya ay ahas sa halip na isda?12 O kapag siya ay hihiling ng itlog, ang iaabot ba niya sa kaniya ay alakdan?13 Kung kayo nga bilang masasama ay marunong magbigay ng mga mabuting kaloob sa inyong mga anak, gaano pa kaya ang Ama na nasa langit na magbibigay ng Banal na Espiritu sa kanila na humihiling sa kaniya?”