11 At nangyari, na habang si Jesus ay umaahon patungong Jerusalem, siya ay dumaan din sa gitna ng Samaria at Galilea,12 at habang siya ay pumapasok sa isang nayon, siya ay sinalubong ng sampung lalaking ketongin na nakatayo sa malayo.13 At sila ay sumigaw na sinasabi, “Jesus, Guro, kahabagan mo kami.”14 At nang ito ay nakita ni Jesus, sinabi niya sa kanila, “Humayo kayo at ipakita ninyo ang inyong sarili sa mga saserdote.” At nangyari na habang sila ay humahayo, sila ay nalinis.
Mark 1
40 May ketonging lumapit kay Jesus na namamanhik at naninikluhod, at sinabi sa kaniya, “Kung nais mo, malilinis mo ako!”41 Nahabag si Jesus, iniabot ang kaniyang kamay at hinawakan ang ketongin na sinasabi, “Ibig ko, maging malinis ka.”42 Pagkasabi nito sa kaniya ni Jesus, nawala kaagad ang ketong at luminis siya.