3 nang sa gayon ay hindi matinag ang sinuman sa pamamagitan ng mga paghihirap na ito sapagkat kayo mismo ang nakaalam na kami ay itinalaga sa bagay na ito.4 Dahil nang kami ay kasama ninyo, ipinapaunang-sabi namin sa inyo na kami ay malapit nang magbata ng kahirapan at alam din ninyo kung paano ito nangyari.
2 Timothy 3
11 sa mga pagmamalupit at sa mga paghihirap na naranasan ko sa Antioquia, sa Iconio at sa Listra. Ang ganitong mga pagmamalupit ay aking binata ngunit mula sa lahat ng mga ito ay iniligtas ako ng Panginoon.12 Kaya ang lahat din na nagnanais mamuhay nang makadiyos para kay Cristo Jesus ay pagmamalupitan.
Matthew 10
16 “Narito, isinusugo ko kayo bilang mga tupa sa gitna ng mga lobo. Kaya maging matalino kayo gaya ng mga ahas at maamo katulad ng mga kalapati.17 Ngunit mag-ingat kayo sa mga tao sapagkat ibibigay nila kayo sa Sanhedrin at hahagupitin nila kayo sa kanilang mga sinagoga18 at dadalhin kayo sa harap ng mga gobernador at mga hari dahil sa akin bilang patotoo sa kanila at sa mga Gentil.
Matthew 5
10 Pinagpala sila na mga pinagmamalupitan dahil sa katuwiran sapagkat sa kanila ang paghahari ng langit.11 Pinagpala kayo kapag kayo ay hamakin, pagmamalupitan at pagwiwikaan nila ng lahat ng uri ng masamang pananalita na mga kasinungalingan laban sa inyo dahil sa akin.12 Magalak kayo at magsaya nang lubos sapagkat malaki ang inyong gantimpala sa kalangitan dahil sa gayunding paraan ay pinagmalupitan nila ang mga propetang nauna sa inyo.