11 Kaya nang nakapaglayag kami mula sa Troas, kami ay tuwirang naglayag sa Samotracia at sa Neapolis nang sumunod na araw.12 At mula roon ay naglayag kami patungo sa Filipos, na siyang pangunahing lungsod na bahagi ng Macedonia, na sakop ng Roma. At kami ay nanatili ng ilang araw sa lungsod na iyon.13 At sa araw ng Sabat, kami ay pumunta sa labas ng lungsod sa tabi ng ilog kung saan ang pananalangin ay kinaugaliang gawin. At habang kami ay nakaupo, kami ay nakipag-usap sa mga babaing nagtipun-tipon doon.14 At may isang babae roon na ang pangalan ay Lydia, isang mangangalakal ng telang kulay ube mula sa lungsod ng Tiyatira, na sumasamba sa Diyos, ang nakikinig sa amin. Ang Panginoon ang nagbukas ng kaniyang puso upang pakinggan ang mga bagay na sinasabi ni Pablo.15 At nang siya at ang kaniyang sambahayan ay nabawtismuhan, nagsumamo siya sa amin na sinasabi, “Kung ibinilang na ninyo akong matapat sa Panginoon, tumuloy kayo sa aking bahay at kayo ay manatili roon.” At siya ay nakiusap sa amin.