4 Ngunit nang dumating ang kaganapan ng panahon, isinugo ng Diyos ang kaniyang Anak na ipinanganak ng isang babae at ipinanganak sa ilalim ng kautusan5 upang matubos yaong mga nasa ilalim ng kautusan, nang sa gayon ay matanggap natin ang pagkaampon.
Philippians 2
6 na bagaman siya ay nasa anyong Diyos, hindi niya itinuring na dapat angkinin ang pagiging kapantay ng Diyos.7 Sa halip ay ibinaba ang kaniyang sarili sa pamamagitan ng pagkuha ng anyo ng alipin sa pagiging kawangis ng tao.8 At yamang siya ay natagpuan sa anyong katulad ng tao, ipinakumbaba niya ang kaniyang sarili at naging masunurin hanggang sa kamatayan, kahit sa kamatayan sa krus.