2 At pagkaraan ng anim na araw, isinama ni Jesus sina Pedro, Santiago at Juan. Sila ay dinala niyang bukod sa mataas na bundok, na sila lang ang naroroon, at siya ay nagbagong-anyo sa harap nila.3 At ang kaniyang kasuotan ay naging makinang, napakaputing kagaya ng niyebe, na walang tagapagpaputi ng damit sa lupa ang makakapagpaputi ng gayon.4 Nagpakita sa kanila roon si Elias kasama si Moises at sila ay nakikipag-usap kay Jesus.5 At si Pedro ay sumagot na sinabi kay Jesus, “Rabbi, mabuti na kami ay naparito at makakagawa kami ng tatlong kubol: isa sa iyo, isa kay Moises at isa kay Elias.”6 Sapagkat hindi niya alam ang kaniyang sasabihin dahil sila ay takot na takot.7 At nagkaroon ng ulap upang liliman sila at mayroong tinig mula sa ulap na nagsasabi, “Ito ang pinakamamahal kong Anak. Pakinggan ninyo siya!”8 At kaagad, nang tumingin sila sa paligid, wala na silang nakitang sinuman kundi si Jesus na lamang na kasama nila.
Matthew 17
5 Habang siya ay nagsasalita pa, narito, lumilim sa kanila ang isang maningning na ulap, at narito ang isang tinig buhat sa ulap, na nagsasabi, “Ito ang pinakamamahal kong Anak na lubos kong kinalulugdan. Pakinggan ninyo siya.”6 At nang narinig ito ng mga alagad, sila ay nagpatirapa sa kanilang mukha at sila ay lubhang natakot.7 Lumapit si Jesus at hinawakan sila at sinabi, “Tumindig kayo at huwag kayong matakot.”8 Subalit sa pag-angat ng kanilang mga paningin, sila ay walang nakitang sinuman maliban lamang kay Jesus.