27 Ngunit nang dumating ang ikalabing-apat na gabi, habang kami ay ipinapadpad ng hangin paroo't parito sa Adriatico, nang maghahatinggabi na, inakala ng mga mandaragat na papalapit na sila sa isang lupain.28 Kaya kanilang sinukat at nalaman nilang kulang ng kaunti sa dalawampung dipa° ang lalim. Ngunit nang nakalayo sila ng kaunti at muli nilang sinukat, nalaman nilang may labinlimang dipa na ang lalim.29 At dahil sa takot na baka kami ay masadsad sa mabatong lugar, inihulog nila ang apat na angkla mula sa hulihan ng barko at sila ay naghangad na mag-umaga na.30 Ngunit nang ang mga mandaragat ay nagsumikap na tumakas sa barko, at nang naibaba nila sa dagat ang bangkang-pangkagipitan, sa pagkukunwaring malapit na nilang maihulog ang angkla sa unahan,31 sinabi ni Pablo sa senturion at sa mga kawal, “Maliban na ang mga ito ay mananatili sa barko, kayo ay hindi makakaligtas.”32 Kaya pinutol ng mga kawal ang mga lubid ng bangkang-pangkagipitan at ito ay kanilang hinayaang mahulog.33 Ngunit nang mag-uumaga na, isinamo ni Pablo na tumanggap ng pagkain ang lahat na sinasabi, “Ikalabing-apat na araw na ngayon ng inyong paghihintay na hindi kumakain at patuloy kayong walang tinatanggap na anuman.34 Dahil dito, isinasamo ko sa inyo na kayo ay tumanggap ng pagkain dahil ito ay para sa inyong sariling kaligtasan sapagkat walang malalaglag kahit isang buhok mula sa ulo ng sinuman sa inyo.”35 At pagkasabi niya ng mga bagay na ito ay kumuha siya ng tinapay at nagpasalamat sa Diyos sa harapan ng lahat. Pagkatapos niya itong pagputol-putulin, siya ay nagsimulang kumain.36 At ang lahat ay nagalak at sila ay kumuha ng pagkain.37 Kaming lahat na nasa barko ay dalawandaan at pitumpu't anim na kaluluwa.38 At nang sila ay nabusog, pinagaan nila ang barko sa pamamagitan ng pagtatapon ng trigo sa dagat.