Paavalin kääntymys
Paavali käveli Damaskokseen yhtäkkiä maan päälle. Hän on täynnä valoa taivaasta ja kuulee Jeesuksen äänen.
| Mga Banal na Kasulatan | 2 Corinthians 5:17 2 Timothy 1:8 Acts 22:1-30 Acts 9:1-43 Galatians 1:1-24 |
|---|---|
2 Corinthians 517 Kaya kung ang sinuman ay na kay Cristo, siya ay bagong nilalang, ang mga dating bagay ay lumipas, narito, ang lahat ng mga bagay ay naging bago. 2 Timothy 18 Kaya huwag mong ikahiya ang patotoo ng ating Panginoon, ni ang aking patotoo na kaniyang bilanggo kundi makibahagi ka sa paghihirap dahil sa ebanghelyo ayon sa kapangyarihan ng Diyos Acts 221 “Mga ginoo, mga kapatid at mga ama, pakinggan ninyo ang pagtatanggol na ginagawa ko sa inyo ngayon.”2 At nang narinig nilang siya ay nagsasalita sa kanila sa wikang Hebreo, sila ay lalong tumahik. Sinabi niya,3 “Ako nga ay isang lalaking Judio na ipinanganak sa Tarso ng Cilicia ngunit pinalaki sa lungsod na ito sa paanan ni Gamaliel, na naturuan ayon sa mahigpit na kautusan ng ating mga ninuno, at may kasigasigan sa Diyos katulad din ninyong lahat ngayon.4 At pinagmalupitan ko ang Daan na ito hanggang sa kamatayan, sa pamamagitan ng panggagapos at pagdadala ng mga lalaki at ng mga babae sa mga bilangguan5 katulad din ng pagpapatotoo sa akin ng pinakapunong saserdote at ng lahat ng matatanda kung kanino ko tinanggap ang mga sulat patungkol sa mga kapatid. Ako ay naglakbay patungong Damasco upang ang mga iginapos doon ay maidala ko sa Jerusalem upang sila ay maparusahan.6 “Subalit nangyari, na habang ako ay naglalakbay at papalapit sa Damasco nang magtatanghaling-tapat, biglang nagningning sa paligid ko ang isang napakaningning na liwanag na nagmula sa langit.7 Bumagsak ako sa lupa at narinig ko ang tinig na nagsasabi sa akin, ‘Saulo, Saulo, bakit mo ako pinagmamalupitan?’8 At ako ay sumagot, ‘Sino ka, Panginoon?’ At sinabi niya sa akin, ‘Ako ay si Jesus na taga-Nazaret na iyong pinagmamalupitan.’9 “At nakita nga ng mga kasama ko ang liwanag at sila ay natakot ngunit hindi nila narinig ang tinig niyaong nagsasalita sa akin.10 Kaya sinabi ko, ‘Ano ang dapat kong gawin, Panginoon?’ At sinabi ng Panginoon sa akin, ‘Tumindig at pumunta ka sa Damasco at doon ay sasabihin sa iyo ang patungkol sa lahat ng mga bagay na itinalagang gawin mo.’11 Nang hindi ako makakita dahil sa kaningningan ng liwanag na iyon, habang ako ay inaakay ng mga kasama ko, ako ay nakarating sa Damasco.12 “Ngunit si Ananias, na isang taong tapat ayon sa Kautusan, na mayroong mabuting patotoo sa lahat ng mga Judiong naninirahan doon,13 ay lumapit at tumayo sa tabi ko at kaniyang sinabi sa akin, ‘Kapatid na Saulo, tanggapin mo ang iyong paningin.’ At ako ay tumingin sa kaniya sa oras ding iyon.14 At sinabi niya, ‘Ang Diyos ng ating mga ninuno ang nagtalaga sa iyo nang una pa, upang malaman mo ang kaniyang kalooban at upang makita mo yaong Matuwid, at upang marinig mo ang tinig mula sa kaniyang bibig15 sapagkat ikaw ay magiging saksi niya sa lahat ng mga tao patungkol sa mga bagay na iyong nakita at narinig.16 At ngayon, bakit ka pa naghihintay? Yamang tumawag ka sa pangalan ng Panginoon, tumindig at magpabawtismo ka at hugasan ang iyong mga kasalanan.’17 “At nangyari nang ako ay bumalik sa Jerusalem, habang ako ay nanalangin sa templo, ako ay nagkaroon ng pangitain18 at nakita ko ang Panginoon na nagsasabi sa akin, ‘Magmadali ka at umalis ka kaagad sa Jerusalem sapagkat hindi nila tatanggapin ang iyong patotoo patungkol sa akin.’19 Ngunit sinabi ko, ‘Panginoon, nalalaman nila na sa bawat sinagoga ay aking ibinibilanggo at hinahampas ang mga sumampalataya sa iyo.20 At nang nabuhos ang dugo ni Esteban na iyong saksi, ako mismo ang nakatayo sa malapit at sumasang-ayon sa pagpatay sa kaniya at ako ang nagbabantay sa mga damit ng mga pumapatay sa kaniya.’21 At sinabi niya sa akin, ‘Humayo ka sapagkat isusugo kita sa mga Gentil na nasa malayo.’ ”22 At siya ay pinakinggan nila hanggang sa mga pananalitang ito at pagkatapos sila ay sumigaw na sinasabi, “Alisin mula sa lupa ang ganiyang tao sapagkat hindi siya karapat-dapat mabuhay.”23 At habang sila ay sumisigaw at ihinahagis ang kanilang mga damit at nagsasabog ng mga alabok sa hangin,24 ang pinunong kapitan ay nag-utos na ipasok si Pablo sa himpilan at sinabing siya ay siyasatin sa pamamagitan ng paghagupit upang malaman niya kung ano ang dahilan na sumisigaw nang ganito ang mga tao laban sa kaniya.25 Ngunit nang siya ay naigapos nila ng panaling balat, sinabi ni Pablo sa senturion na nakatayo sa malapit, “Ipinapahintulot ba sa inyo na hagupitin ang isang taong mamamayan ng Roma kahit hindi nahatulan?”26 Nang ito ay narinig ng senturion, siya ay pumunta at nagbalita sa pinunong kapitan na sinasabi, “Mag-ingat ka sa binabalak mong gawin sapagkat ang taong ito ay mamamayan ng Roma.”27 Kaya lumapit ang pinunong kapitan at sinabi sa kaniya, “Sabihin mo sa akin, ikaw ba ay mamamayan ng Roma?” Sinabi niya, “Oo.”28 Sumagot din ang pinunong kapitan, “Nakamtan ko ang pagkamamamayang ito sa malaking halaga.” At sinabi ni Pablo, “Ngunit ako naman ay ipinanganak na gayon.”29 Kaya lumayo kaagad sa kaniya ang mga nagbabalak na magsiyasat sa kaniya at ang pinunong kapitan ay natakot din nang nalaman niya na si Pablo ay mamamayan ng Roma, at dahil siya ang nagpagapos sa kaniya.30 At kinabukasan, sa pagnanais niyang malaman ang katotohanan kung bakit isinakdal si Pablo ng mga Judio, siya ay kaniyang pinakawalan sa pagkagapos at ipinag-utos na magtipon ang mga punong saserdote at ang kanilang buong Sanhedrin. At nang naipababa na si Pablo, siya ay kaniyang iniharap sa kanila. Acts 91 Ngunit si Saulo, na nag-aalab sa pagbabanta at pagpatay sa mga alagad ng Panginoon, ay pumaroon sa pinakapunong saserdote.2 Humiling siya ng mga sulat para sa mga sinagoga sa Damasco upang kung matagpuan niya ang sinumang mga lalaki at mga babaing kaanib sa Daan, sila ay madala niyang nakagapos patungo sa Jerusalem.3 At sa kaniyang paglalakbay, nang papalapit na siya sa Damasco, biglang nagliwanag sa palibot niya ang isang ilaw mula sa langit.4 Bumagsak siya sa lupa at narinig ang tinig na nagsasabi sa kaniya, “Saulo, Saulo, bakit mo ako pinagmamalupitan?”5 At sinabi niya, “Sino ka Panginoon?” At sinabi ng Panginoon, “Ako si Jesus na iyong pinagmamalupitan. Mahirap para sa iyo ang tumadyak sa mga pantusok.”6 At habang siya ay nanginginig at namamangha, sinabi niya, “Panginoon, ano ang ninanais mong gawin ko?” Sinabi ng Panginoon sa kaniya, “Tumindig ka at pumunta ka sa lungsod at sasabihin sa iyo kung ano ang dapat mong gawin.”7 Ngunit ang mga taong kasama niya sa paglalakbay ay nakatayo na hindi makapagsalita, yamang naririnig nga nila ang tinig ngunit wala silang nakikitang sinuman.8 At pagtayo ni Saulo mula sa lupa, idinilat niya ang kaniyang mga mata ngunit wala siyang makita. Kaya siya ay kanilang inaakay na dinala patungo sa Damasco.9 Tatlong araw siyang hindi nakakakita at hindi siya kumain, ni uminom man.10 Ngunit may isang alagad sa Damasco na ang pangalan ay Ananias. Sinabi ng Panginoon sa kaniya sa isang pangitain, “Ananias.” Sinabi niya, “Narito ako, Panginoon.”11 Sinabi ng Panginoon sa kaniya, “Tumindig ka at pumaroon sa lansangang tinatawag na Tuwid at ipagtanong mo sa bahay ni Judas ang isang lalaki na ang pangalan ay Saulo na taga-Tarso. Sapagkat, narito, siya ay nananalangin.12 At nakita niya sa pangitain ang isang lalaki, na ang pangalan ay Ananias, na dumating at nagpatong ng kamay niya sa kaniya upang siya ay makakita.”13 Ngunit sumagot si Ananias, “Panginoon, nabalitaan ko sa marami ang patungkol sa lalaking ito kung gaano karaming kasamaan ang ginawa niya sa iyong mga banal sa Jerusalem.14 At sa dakong ito, siya ay may kapahintulutan mula sa mga punong saserdote upang igapos ang lahat ng mga tumatawag sa iyong pangalan.”15 Ngunit sinabi ng Panginoon sa kaniya, “Pumaroon ka sapagkat siya ay piniling kasangkapan sa akin upang dalhin ang aking pangalan sa harap ng mga Gentil at ng mga hari at ng mga anak ni Israel,16 sapagkat ipapakita ko sa kaniya kung gaano karaming mga bagay ang dapat niyang batahin dahil sa aking pangalan.”17 Kaya umalis si Ananias at pumasok siya sa bahay. At pagkapatong niya ng kaniyang mga kamay kay Saulo ay kaniyang sinabi, “Kapatid na Saulo, isinugo ako ng Panginoong Jesus na siyang nagpakita sa iyo sa daang iyong pinanggalingan upang matanggap mo ang iyong paningin at mapuspos ng Banal na Espiritu.”18 At kaagad nalaglag mula sa kaniyang mga mata ang parang mga kaliskis at kaagad niyang tinanggap ang kaniyang mga paningin. At nang siya ay tumayo, siya ay binawtismuhan.19 At nang siya ay nakakain, siya ay lumakas. At si Saulo ay naging kasama ng mga alagad sa Damasco ng ilang araw.20 At kaagad niyang ipinangaral sa mga sinagoga ang Cristo, na siya ang Anak ng Diyos.21 Ngunit ang lahat niyaong mga nakarinig sa kaniya ay namangha at nagsabi, “Hindi ba ito ang nagwawasak sa mga taong tumatawag sa pangalan ni Jesus doon sa Jerusalem? At siya ay pumunta sa dakong ito upang sila ay nakagapos niyang madala sa mga punong saserdote.”22 Ngunit lalong pinalakas si Saulo at nalito ang mga Judio na naninirahan sa Damasco dahil sa kaniyang pagpapatunay na ito ang Cristo.23 Nang makalipas ang maraming araw, sumangguni sa isa't isa ang mga Judio upang siya ay ipapatay.24 Ngunit nalaman ni Saulo ang kanilang balak, kaya sa araw at sa gabi ay binabantayan nila ang mga tarangkahan upang siya ay maipapatay.25 Gayunpaman, kinuha siya sa gabi ng mga alagad at siya ay ibinaba nila sa kabilang pader. Ibinaba siya sa pamamagitan ng isang tiklis.26 At nang dumating si Saulo sa Jerusalem, pinagsikapan niyang sumama sa mga alagad subalit silang lahat ay natakot sa kaniya dahil sila ay hindi naniniwalang siya ay isang alagad.27 Ngunit nang nakuha siya ni Bernabe, siya ay dinala sa mga apostol at kaniyang isinalaysay sa kanila kung paano niya nakilala ang Panginoon sa daan at siya ay nagsalita sa kaniya, at kung paanong sa Damasco ay nangaral siya na may katapangan sa pangalan ni Jesus.28 At siya ay kasa-kasama nila sa pagpasok at sa paglabas sa Jerusalem,29 at siya ay nangangaral na may katapangan sa pangalan ng Panginoong Jesus, na nagsasalita at nakikipagtalo sa mga Helenista kaya siya ay pinagsisikapan nilang patayin.30 Ngunit nang ito ay nalaman ng mga kapatid, siya ay dinala nila pababa sa Cesarea at siya ay pinapunta nila sa Tarso.31 Kaya nga sa panahong iyon, ang mga iglesiya sa buong Judea, Galilea at Samaria ay nagkaroon ng kapayapaan, tumitibay at nagpapatuloy na may takot sa Panginoon at sa kaaliwan ng Banal na Espiritu at dumarami.32 At nangyari, na sa paglalakbay ni Pedro sa lahat ng mga dako, lumusong din siya patungo sa mga banal na naninirahan sa Lida.33 Natagpuan niya roon ang isang lalaki na ang pangalan ay Eneas na walong taon nang nakaratay sa banig dahil siya ay paralitiko.34 Sinabi sa kaniya ni Pedro, “Eneas, pinapagaling ka ni Jesu-Cristo. Tumayo ka at iayos mo ang iyong higaan.” Kaya siya ay tumayo kaagad.35 At siya ay nakita ng lahat ng mga naninirahan sa Lida at sa Sarona, at sila ay bumaling patungo sa Panginoon.36 At sa Jopa ay may isang alagad na ang pangalan ay Tabita, na ang kahulugan ay Dorcas. Siya ay puspos ng mabubuting gawa at ng pamamahagi sa mga nangangailangan, iyon ang kaniyang ginagawa.37 Ngunit nangyari nang mga araw na iyon na siya ay nagkasakit at namatay. At siya ay hinugasan nila at inilagay nila sa silid sa itaas.38 Nang nabalitaan ng mga alagad na si Pedro ay naroroon, sila ay nagsugo ng dalawang lalaki sa kaniya, na ipinamamanhik na huwag niyang patagalin ang pagpunta sa kanila yamang ang Lida ay malapit sa Jopa.39 Kaya tumindig si Pedro at sumama sa kanila. At sa kaniyang pagdating, siya ay dinala nila sa silid sa itaas. At tumayong malapit sa kaniya ang lahat ng mga babaing balo na tumatangis at ipinapakita ang mga balabal at mga damit na ginawa ni Dorcas nang siya ay kasama pa nila.40 Ngunit nang silang lahat ay napalabas ni Pedro, siya ay lumuhod at nanalangin. At nang siya ay humarap sa katawan, sinabi niya, “Tabita, bumangon ka.” At iminulat niya ang kaniyang mga mata at nang nakita niya si Pedro, siya ay umupo.41 At iniabot ni Pedro ang kaniyang mga kamay at siya ay kaniyang itinindig. At pagkatapos tawagin ang mga banal at mga babaing balo, siya ay iniharap niyang buhay.42 Kaya ito ay nalaman sa buong Jopa at marami ang sumampalataya sa Panginoon.43 At nangyari, na siya ay nanatili sa Jopa ng maraming araw kasama si Simon na mangungulti ng balat ng hayop. Galatians 11 Si Pablo, ang apostol (hindi nagmula sa mga tao, ni hindi sa pamamagitan ng tao kundi sa pamamagitan ni Jesu‑Cristo at ng Diyos Ama na siyang nagbangon kay Jesu‑Cristo mula sa mga patay),2 at ang lahat ng mga kapatid na kasama ko, sa mga iglesiya sa Galacia,3 sumainyo ang biyaya at ang kapayapaang mula sa Diyos Ama at mula sa ating Panginoong Jesu-Cristo.4 Siya na ibinigay ang kaniyang sarili dahil sa ating mga kasalanan, upang tayo ay kaniyang iligtas mula sa kasalukuyang kapanahunan na masama, ayon sa kalooban ng ating Diyos at Ama.5 Sa kaniya ang kaluwalhatian magpakailan pa man. Siya nawa.6 Ako ay namamangha dahil ganito kayo kadaling lumayo mula sa kaniya na tumawag sa inyo sa biyaya ni Cristo patungo sa kakaibang uri ng ebanghelyo7 na hindi ibang ebanghelyo, maliban sa ilang gumugulo sa inyo at sa kanila na nagnanais na baluktutin ang ebanghelyo ni Cristo.8 Ngunit kahit kami, o isang anghel na nagmula sa langit ay mangaral ng ebanghelyo na salungat sa aming ipinangaral sa inyo, hayaang siya ay sumpain ng Diyos.9 Kagaya ng sinabi na namin noong una at sa ngayon, muli kong sinasabi na kung ang sinuman ay nangangaral ng ebanghelyo sa inyo na salungat sa inyong tinanggap, hayaang siya ay sumpain ng Diyos.10 Sapagkat hinihikayat ko ba ngayon ang mga tao, o ang Diyos? O ako ba ay naghahangad na magbigay-lugod sa mga tao? Sapagkat kung ako ay nagbibigay-lugod pa sa mga tao, hindi ako dapat naging alipin ni Cristo.11 Ngunit mga kapatid, ipinapaunawa ko sa inyo na ang ebanghelyo na ipinangaral sa pamamagitan ko ay hindi ayon sa tao,12 sapagkat ito ay hindi ko tinanggap mula sa tao, ni itinuro ito ng tao sa akin, kundi sa pamamagitan ng kapahayagan ni Jesu-Cristo sa akin.13 Dahil narinig ninyo ang dati kong pamumuhay sa Judaismo kung paanong labis kong pinagmamalupitan ang iglesiya ng Diyos at pinagwawasak ito.14 At ako ay lumago sa pamamagitan ng Judaismo nang higit sa mga kasabay ko sa aking lahi dahil sa aking labis na kasigasigan sa mga kaugalian ng aking mga ninuno.15 Ngunit nang ikinalugod ng Diyos, na siyang nagbukod sa akin mula sa sinapupunan ng aking ina at tumawag sa akin sa pamamagitan ng kaniyang biyaya,16 upang ipahayag ang kaniyang Anak sa akin nang sa gayon ay aking maipangaral ang kaniyang ebanghelyo sa mga Gentil, ako ay hindi kaagad sumangguni sa tao,17 ni hindi ako umahon sa Jerusalem upang makipagkita sa kanila na mga apostol na nauna sa akin, sa halip ay umalis ako patungo sa Arabia at ako ay muling bumalik sa Damasco.18 Kaya pagkalipas ng tatlong taon, ako ay umahon sa Jerusalem upang makipagkilala kay Pedro at manatiling kasama niya sa loob ng labinlimang araw.19 Ngunit wala akong nakitang iba sa mga apostol kundi si Santiago na kapatid ng Panginoon.20 Kaya, narito, ang mga bagay na aking isinusulat sa inyo sapagkat sa paningin ng Diyos ay hindi ako nagsisinungaling.21 Pagkatapos ay pumunta ako sa mga lupain ng Siria at Cilicia.22 Ngunit ako ay hindi pa nakikilala nang mukhaan ng mga iglesiya sa Judea na na kay Cristo.23 Subalit ang tanging naririnig nila ay, “Ang lalaki na dating nagmamalupit sa atin ay nangangaral na ngayon ng ebanghelyo ng pananampalataya na dati niyang winawasak.”24 At kanilang niluwalhati ang Diyos dahil sa akin. | |








