Monet opetuslapset olivat menettäneet Jeesuksen, koska he eivät uskoneet, mitä hän opetti. Jeesus kysyi kahdeltatoista apostolilta: "Me uskomme, ja me tiedämme, että sinä olet Jumalan Pyhä."
60 Kaya nang narinig nila ang mga ito, marami sa kaniyang mga alagad ang nagsabi, “Mahirap ang pananalitang ito. Sino ang makakaunawa nito?”61 Ngunit dahil alam ni Jesus sa kaniyang sarili na nagbubulung-bulungan ang kaniyang mga alagad patungkol dito, sinabi niya sa kanila, “Nakakatisod ba ito sa inyo?62 Ano pa kaya kung mamamasdan ninyo ang Anak ng Tao na pumapaitaas sa dati niyang kinaroroonan?63 Ang Espiritu ang nagbibigay buhay, ang laman ay walang napapakinabangang anuman. Ang mga salitang sinasabi ko sa inyo ay espiritu at ito ay buhay.64 Subalit mayroong ilan sa inyo na hindi sumasampalataya.” Sapagkat alam na ni Jesus mula sa simula kung sino ang mga hindi sumasampalataya at kung sino ang magkakanulo sa kaniya.65 At sinabi niya, “Dahil dito, sinabi ko na sa inyo na walang sinumang makakalapit sa akin maliban na ito ay naipagkaloob na sa kaniya mula sa aking Ama.”66 Mula noon marami sa kaniyang mga alagad ang tumalikod at hindi na lumakad kasama niya.67 Kaya sinabi ni Jesus sa labindalawa, “Hindi ba nais din ninyong umalis?”68 Sumagot sa kaniya si Simon Pedro, “Panginoon, kanino kami sasama? Nasa iyo ang mga salita ng buhay na walang hanggan.69 Kami ay sumampalataya at alam na namin na ikaw ang Cristo, ang Anak ng Diyos na buhay.”