37 Nang ito ay kanilang marinig, nabagbag ang kanilang mga puso kaya sinabi nila kay Pedro at sa ibang mga apostol, “Mga ginoo at mga kapatid, ano ang aming gagawin?”38 Sinabi nga ni Pedro sa kanila, “Magsisi kayo at hayaang mabawtismuhan ang bawat isa sa inyo sa pangalan ni Jesu-Cristo patungkol sa kapatawaran ng mga kasalanan at tatanggapin ninyo ang kaloob ng Banal na Espiritu.
Acts 4
12 At wala ng ibang kaligtasan sa kanino man sapagkat wala ng ibang pangalan sa ilalim ng langit na ibinigay sa mga tao na dapat nating ikaligtas.”
Mark 10
35 At lumapit kay Jesus sina Santiago at Juan na mga anak ni Zebedeo, na nagsasabi, “Guro, ninanais namin na anuman ang aming hihilingin sa iyo ay iyong gagawin sa amin.”
Matthew 28
19 Kaya sa inyong paghayo, gawin ninyong alagad ang lahat ng mga bansa, na binabawtismuhan sila sa pangalan ng Ama at ng Anak at ng Banal na Espiritu,20 na tinuturuan silang ganapin ang lahat ng mga bagay, anuman ang aking iniutos sa inyo. At narito, ako ay kasama ninyo sa lahat ng mga araw hanggang sa katapusan ng kapanahunang ito.” Siya nawa!