Mukava kirje
| Secondary Keywords | Antioquia ipinadala Jerusalem kasaysayan konseho misyonero paglalakbay pahimakas Paul sulat titik una Uusi uusi uusi |
|---|---|
| Mga Banal na Kasulatan | Acts 151 At lumusong mula sa Judea ang ilang mga kalalakihan at tinuruan nila ang mga kapatid, na sinasabi, “Maliban na kayo ay makapagpatuli ayon sa kaugalian ni Moises, hindi kayo maaaring maligtas.” 2 Kaya, nang nagkaroon ng kaguluhan at ng hindi kakaunting pakikipagtatalo sina Pablo at Bernabe laban sa kanila, kanilang itinalaga sina Pablo at Bernabe at ang iba pang mula sa kanila upang papuntahin sa mga apostol at sa matatanda sa Jerusalem patungkol sa katanungang ito. 3 Kaya nga, nang sila ay napahayo ng iglesiya, sila ay dumaan sa Fenicia at Samaria, isinasalaysay nila ang pagbabagong loob ng mga Gentil at sila ay nagdulot ng malaking kagalakan sa lahat ng kapatid. 4 At nang sila ay dumating sa Jerusalem, sila ay tinanggap ng iglesiya, ng mga apostol at ng matatanda, at ibinalita nila ang lahat ng mga bagay na ginawa ng Diyos sa kanila. 5 Ngunit ang ilang mula sa pangkat ng Fariseo na mga nanampalataya na ay tumindig na nagsasabi, “Kinakailangang sila ay tuliin at utusan na kanilang ganapin ang Kautusan ni Moises.” 6 At nagtipon ang mga apostol at ang matatanda upang alamin ang bagay na ito. 7 Ngunit pagkatapos ng labis na pagtatalo, tumindig si Pedro at sinabi sa kanila, “Mga ginoo at mga kapatid, nalalaman ninyo na nang unang mga araw, mula sa atin ay humirang ang Diyos, na sa pamamagitan ng aking bibig ay mapakinggan ng mga Gentil ang salita ng ebanghelyo at upang sila ay sumampalataya. 8 At ang Diyos na nakakaalam ng puso ay nagpatotoo sa kanila sa pamamagitan ng pagbigay sa kanila ng Banal na Espiritu, kagaya rin ng ginawa niya sa atin, 9 at walang anumang pagkakaiba sa pagitan natin at sa kanila na sa pamamagitan ng pananampalataya ay nilinis ang kanilang mga puso. 10 Kaya ngayon, bakit ninyo sinusubok ang Diyos sa paglagay ng pamatok sa leeg ng mga alagad na kahit ang ating mga ninuno, ni tayo man ay walang kakayahang magdala? 11 Ngunit sa pamamagitan ng biyaya ng Panginoong Jesu-Cristo tayo ay sumasampalataya upang maligtas, gaya rin naman nila.” 12 Kaya tumahimik ang lahat ng napakaraming tao at kanilang pinakikinggan sina Bernabe at Pablo sa pagsasalaysay ng lahat ng mga tanda at ng mga kamangha-manghang gawa na ginawa ng Diyos sa mga Gentil sa pamamagitan nila. 13 At pagkatapos nilang manahimik, sumagot si Santiago na sinasabi, “Mga ginoo at mga kapatid, pakinggan ninyo ako. 14 Inihayag ni Simon kung paanong unang dumalaw ang Diyos upang pumili mula sa mga Gentil ng mga tao para sa kaniyang pangalan, 15 at ang mga salita ng mga Propeta ay naaayon dito, ayon sa nasusulat, 16 ‘Pagkatapos ng mga ito, ako ay babalik at itatayo kong muli ang tabernakulo ni David na bumagsak at nawasak na. Ito ay itatayo kong muli at aayusin, 17 upang hanapin ng mga nalalabing mga tao ang Panginoon, at ng lahat ng mga Gentil, na tinawag sa aking pangalan, sinasabi ng Panginoon na siyang gumagawa ng lahat ng mga bagay. 18 Alam ng Diyos ang lahat ng kaniyang mga gawa mula sa walang hanggan.’ Amo 9:11-12 19 “Dahil dito, ang aking pasya ay huwag nang gambalain yaong mga nagmula sa mga Gentil na bumabaling patungo sa Diyos, 20 sa halip ay sulatan natin sila na lumayo mula sa mga karumihan ng mga diyos-diyosan, sa pakikiapid, sa bagay na binigti at sa dugo, 21 sapagkat si Moises, mula pa noong unang panahon, ay mayroong mga nangangaral patungkol sa kaniya, na binabasa sa mga sinagoga bawat araw ng Sabat.” 22 Nang magkagayon, minabuti ng mga apostol at ng matatanda, kasama ang buong iglesiya na pumili ng mga lalaking mula sa kanila upang suguin sa Antioquia na kasama nina Pablo at Bernabe. Sila ay si Judas na tinatawag na Barsabas at si Silas na mga tagapanguna sa mga kapatid. 23 Sila ay sumulat sa pamamagitan ng kanilang kamay ng ganito: “Ang mga apostol, ang matatanda, at ang mga kapatid ay bumabati sa inyo na mga kapatid na mga Gentil na nasa sa Antioquia, sa Siria at sa Cilicia. 24 Dahil narinig namin na ang ilan sa mga umalis mula sa amin ay ginugulo kayo sa pamamagitan ng mga salita upang sirain ang inyong mga kaluluwa, na sinasabi, ‘Kinakailangan kayong magpatuli at ganapin ang kautusan,’ na hindi naman namin ipinag-utos. 25 Kaya minabuti naming magtipon nang may pagkakaisa upang suguin sa inyo ang mga lalaking pinili, kasama ng aming minamahal na Bernabe at Pablo, 26 mga lalaking nagsuko ng kanilang buhay alang-alang sa pangalan ng ating Panginoong Jesu-Cristo. 27 Dahil dito, isinugo na namin sina Judas at Silas at sila yaong nagbabalita sa inyo ng gayunding mga bagay sa pamamagitan ng salita. 28 Sapagkat minabuti ng Banal na Espiritu, at namin, na huwag kayong dagdagan ng lalong mabigat na pasanin maliban sa mga bagay na ito na kinakailangan: 29 na lumayo kayo sa mga bagay na inihandog sa mga diyos-diyosan, sa dugo, sa bagay na binigti at sa pakikiapid. Kung iniingatan ninyo ang inyong mga sarili sa mga bagay na ito, makakabuti ito sa inyo. Magpakatatag kayo.” 30 Kaya nga nang sila ay nakaalis, sila ay pumunta sa Antioquia at nang natipon nila ang napakaraming tao, kanilang ibinigay ang sulat. 31 At pagkatapos nilang basahin ito, sila ay nagalak dahil sa kaginhawaan. 32 Si Judas at si Silas, bilang mga propeta rin, ang nagpalakas ng loob at nagpatatag sa mga kapatid sa pamamagitan ng maraming salita. 33 At nang sila ay nakagugol ng ilang panahon doon, sila ay may kapayapaang pinahayo ng mga kapatid pabalik sa mga apostol. 34 Ngunit minabuti ni Silas na manatili roon 35 at sina Pablo at Bernabe naman kasama ang marami pang iba ay nanatili sa Antioquia na itinuturo at ipinapangaral ang salita ng Panginoon. 36 Pagkaraan ng ilang araw, sinabi ni Pablo kay Bernabe, “Sa ating pagbabalik ay dapat nating dalawin ang ating mga kapatid sa bawat lungsod kung saan natin ipinangaral ang salita ng Panginoon at alamin kung ano ang kanilang kalalagayan.” 37 At ipinasiya ni Bernabe na isama nila si Juan, na tinatawag na Marcos. 38 Subalit minarapat ni Pablo na hindi isama ang taong humiwalay sa kanila sa Pamfilia at hindi sumama sa kanila sa gawain. 39 At nagkaroon sila ng matinding pagtatalo na nagpahiwalay sa kanila sa isa't isa. Kaya isinama ni Bernabe si Marcos at naglayag patungo sa Cyprus. 40 Ngunit pinili ni Pablo si Silas, at sila ay umalis na ipinagtagubilin ng mga kapatid sa biyaya ng Diyos. 41 At siya ay patuloy na naglakbay sa Siria at Cilicia na pinapatatag ang mga iglesiya. |








