8 At ang lubhang napakaraming tao ay naglatag ng kanilang mga damit sa daan. Ang iba naman ay pumutol ng mga sanga mula sa mga punongkahoy at inilatag sa daan.9 At ang napakaraming tao na nauuna sa kaniya at ang mga sumusunod sa kaniya ay sumigaw na sinasabi, “Hosana sa Anak ni David! ‘Pinagpala siya na dumarating sa pangalan ng Panginoon!’ Awi 118:25-26 Hosana sa kataas-taasan!”