Rukous, älä huoli
| Secondary Keywords | lumuhod sa kama lumuluhod magdasal Tyttö tyttö |
|---|---|
| Mga Banal na Kasulatan | Matthew 6:25-34 |
Matthew 625 “Dahil dito, sinasabi ko sa inyo, huwag kayong mabalisa sa inyong buhay kung ano ang inyong kakainin, o kung ano ang inyong iinumin, o kung ano ang inyong isusuot sa inyong katawan. Hindi ba ang buhay ay higit pa sa pagkain at ang katawan sa damit?26 Masdan ninyo ang mga ibon sa himpapawid, hindi sila naghahasik, ni gumagapas, ni nag-iipon sa mga kamalig ngunit sila ay pinapakain ng inyong Ama na nasa langit. Hindi ba higit pa kayong mahalaga kaysa sa kanila?27 Sino sa inyo na sa pamamagitan ng pagkabalisa ay nakakayanang magdagdag ng isang siko° sa kaniyang tangkad?28 “At bakit kayo nababalisa patungkol sa pananamit? Pagmasdan ninyong mabuti ang mga liryo sa parang kung paano sila lumalaki. Hindi sila gumagawa, ni nagsisinulid.29 Ngunit sinasabi ko sa inyo na kahit si Solomon mismo ay hindi nakapagdamit nang katulad ng isa sa mga ito sa kaniyang buong kaluwalhatian.30 Ngunit kung ganito dinaramtan ng Diyos ang damo sa parang na ngayon ay nabubuhay at bukas ay itatapon sa pugon, hindi ba lalong higit kayo, kayong maliit ang pananampalataya?31 “Kaya huwag kayong mabalisa na nagsasabi, ‘Ano ang aming kakainin?’ o, ‘Ano ang aming iinumin?’ o, ‘Ano ang aming daramtin?’32 (sapagkat ang lahat ng mga bagay na ito ang hinahanap ng mga Gentil) dahil alam na ng inyong Ama na nasa langit na kinakailangan ninyo ang lahat ng mga bagay na ito.33 Subalit hanapin muna ninyo ang paghahari ng Diyos at ang kaniyang katuwiran, at ang lahat ng mga bagay na ito ay idadagdag sa inyo.34 Kaya huwag kayong mabalisa para sa kinabukasan sapagkat ang kinabukasan ang mababalisa sa mga bagay para sa kaniyang sarili. Sapat na para sa araw na ito ang kasamaan nito. | |








