Rukous Pojan yli
| Secondary Keywords | Aviomies dasal debosyon kahilingan kama kumartaa Kunnioitus Lapsilapsen lapsi lapsi magdasal magsisi makipag-usap makiusap matulog nöyrä oras ng pagtulog pagsamba pagsisisi pagsisisi pagtatalamitam panalangin Perhe perheen perhe petisyon Poika poika Poika poika Rauha rauha rauhan rauhan rauhan rauhan rauhan rauhan rauhan Toivottavasti toivomme Vaimo vaimo Vanhemmat vanhemmat yumuko |
|---|---|
| Mga Banal na Kasulatan | 1 John 1 1 Thessalonians 5 1 Timothy 2 Gawa 6 Lucas 11 Lucas 6 Marcos 11 Marcos 13 Marcos 14 Matthew 5 Matthew 6 Psalms 5 Psalms 54 Psalms 55 Psalms 6 Romans 8 |
1 John 11 Siya na buhat sa simula, na aming narinig, na nakita ng aming mga mata, na aming namasdan at nahawakan ng aming mga kamay, siya ang Salita ng buhay.2 Ang buhay ay nahayag at nakita na namin at pinatotohanan namin at isinasalaysay namin sa inyo ang buhay na walang hanggan na iyon na kasama ng Ama at nahayag sa amin.3 Siya na aming nakita at aming narinig ay isinasalaysay namin sa inyo upang kayo rin ay magkaroon ng pakikipag-isa sa amin. Tunay na ang aming pakikipag-isa ay sa Ama at sa kaniyang Anak na si Jesu-Cristo.4 Isinusulat namin ang mga bagay na ito sa inyo upang malubos na ang inyong kagalakan.5 Ito ang pahayag na narinig namin sa kaniya at ipinahahayag namin sa inyo, na ang Diyos ay liwanag at sa kaniya ay walang anumang kadiliman.6 Kapag sinabi natin na may pakikipag-isa tayo sa kaniya ngunit tayo ay naglalakad sa kadiliman, tayo ay nagsisinungaling at hindi natin ginagawa ang katotohanan.7 Ngunit kung naglalakad tayo sa liwanag, katulad niya na nasa liwanag, may pakikipag-isa tayo sa isa't isa at ang dugo ni Jesu-Cristo na kaniyang anak ang naglilinis sa atin mula sa lahat ng kasalanan.8 Kapag sinabi natin na wala tayong kasalanan, dinadaya natin ang ating mga sarili at ang katotohanan ay wala sa atin.9 Kung ipinapahayag natin ang ating mga kasalanan, siya ay matapat at matuwid na magpapatawad sa ating mga kasalanan at maglilinis sa atin sa lahat ng ating kalikuan.10 Kapag sinabi natin na hindi na tayo nagkakasala, ginagawa natin siyang sinungaling at ang salita niya ay wala sa atin. 1 Thessalonians 51 Ngunit, mga kapatid, hindi na kinakailangang sumulat ako sa inyo patungkol sa mga panahon at mga kapanahunan2 sapagkat kayo mismo ang lubos na nakaalam na ang Araw ng Panginoon ay dumarating katulad ng pagdating ng magnanakaw sa gabi.3 Dahil kapag sinasabi nila, “Kapayapaan at katiwasayan!” pagkatapos nito ay biglang darating sa kanila ang pagkawasak katulad ng pagkakaroon ng matinding paghihirap sa sinapupunan, at sila ay hindi makakatakas kailanman.4 Ngunit kayo, mga kapatid, ay wala sa kadiliman upang ang Araw na iyon ay biglang dumating sa inyo katulad ng pagdating ng magnanakaw.5 Kayong lahat ay mga anak ng liwanag at mga anak ng araw. Tayo ay hindi mga anak ng gabi o ng kadiliman.6 Kaya nga, huwag tayong matulog katulad ng iba, subalit tayo ay maging mapagbantay at maging maayos ang pag-iisip,7 sapagkat sila na mga natutulog ay natutulog sa gabi at sila na mga manginginom ng alak ay naglalasing sa gabi.8 Dahil tayo ay sa araw, dapat maging maayos ang ating pag-iisip habang nakasuot sa atin ang pandibdib na baluti ng pananampalataya at ang pag-ibig at ang helmet ng pag-asa ng kaligtasan,9 sapagkat tayo ay hindi itinalaga ng Diyos para sa poot kundi para magtamo ng kaligtasan sa pamamagitan ng ating Panginoong Jesu-Cristo10 na siyang namatay para sa atin upang tayo rin ay mabuhay na kasama niya, kahit tayo man ay gising o tayo man ay tulog.11 Dahil dito, palakasin ninyo ang loob ng bawat isa at patatagin ninyo ang isa't isa katulad din ng inyong ginagawa.12 Ngunit kami ay humihiling sa inyo, mga kapatid, na inyong kilalanin yaong mga nagpapagal sa inyo at nangunguna sa inyo sa Panginoon at nagbibigay ng babala sa inyo,13 at sila ay labis ninyong pahalagahan sa pag-ibig dahil sa kanilang gawa, at magkaroon kayo ng kapayapaan sa kalagitnaan ninyo.14 Ngunit kami ay sumasamo sa inyo, mga kapatid, bigyan ninyo ng babala ang mga suwail, palakasin ninyo ang loob ng mga nanglulupaypay, tulungan ninyo ang mahihina at magtiyaga kayo sa lahat.15 Ingatan ninyo na walang sinumang gaganti ng masama sa masama, sa halip ay palagi ninyong pagsikapan ang mabuti para sa isa't isa at para sa lahat.16 Magalak kayong palagi.17 Manalangin kayong walang patid.18 Magpasalamat kayo sa lahat ng bagay sapagkat ito ang kalooban ng Diyos kay Cristo Jesus para sa inyo.19 Huwag ninyong patayin ang ningas ng Espiritu.20 Huwag ninyong hamakin ang mga paghahayag.21 Suriin ninyo ang lahat ng mga bagay. Hawakan ninyo ang mabuti.22 Layuan ninyo ang lahat ng anyo ng kasamaan.23 Ngayon, ang Diyos mismo ng kapayapaan ang ganap na magpaging-banal nawa sa inyo, at ang inyong espiritu at kaluluwa at katawan ay maingatan nawang buo na walang kapintasan sa pagdating ng ating Panginoong Jesu-Cristo.24 Siya na tumatawag sa inyo ay matapat at siya rin ang gagawa nito.25 Mga kapatid, ipanalangin ninyo kami.26 Batiin ninyo ang lahat ng mga kapatid sa pamamagitan ng banal na halik.27 Iniuutos ko sa inyo sa pamamagitan ng Panginoon na basahin ang sulat na ito sa lahat ng banal na mga kapatid.28 Ang biyaya ng ating Panginoong Jesu-Cristo ay sumainyo. Siya nawa. 1 Timothy 21 Kaya, una sa lahat ay aking isinasamo na gawin ang mga panalanging-paghiling, ang mga panalangin, ang mga panalanging-pamamagitan at pasasalamat para sa lahat ng mga tao,2 para sa mga hari at para sa kanilang lahat na mga nasa pamamahala upang tayo ay makapamuhay ng mapayapa at matahimik sa lahat ng gawaing pagiging makadiyos at karangalan,3 sapagkat ito ay mabuti at katanggap-tanggap sa harapan ng Diyos na ating Tagapagligtas4 na siyang nagnanais na iligtas ang lahat ng mga tao at dalhin sa pagkakilala ng katotohanan.5 Dahil isa ang Diyos at isa ang Tagapamagitan sa Diyos at sa mga tao, ang taong si Cristo Jesus6 na siyang nagbigay ng kaniyang sarili na pantubos para sa lahat, ang patotoo sa takdang panahon.7 Dahil dito, ako ay itinalaga na isang mangangaral at apostol, (ako ay nagsasabi ng katotohanan patungkol kay Cristo at ako ay hindi nagsisinungaling) isang guro ng mga Gentil sa pananampalataya at sa katotohanan.8 Kaya ninanais ko na ang mga lalaki ay manalangin sa lahat ng dako na itinataas ang kanilang mga banal na kamay na walang poot at pag-aalinlangan.9 Gayundin, ang mga babae naman ay magsigayak sa kanilang mga sarili ng maayos na kasuotan na may kahinhinan at maayos na pag-iisip: hindi nang nakatirintas ang buhok, ni nang ginto, ni nang perlas, ni nang mamahaling kasuotan,10 kundi kung ano ang nararapat sa mga babae na nagsasabing sila ay sumasamba sa Diyos sa pamamagitan ng mabubuting gawa.11 Hayaan na ang babae ay matuto ng pananahimik sa pagpapasakop sa lahat.12 Ngunit sa babae ay hindi ko ipinapahintulot na magturo o pangunahan ang lalaki kundi upang manatiling tahimik,13 sapagkat si Adan ang unang ginawa at pagkatapos ay si Eva.14 At si Adan ay hindi nadaya, ngunit ang babae na totoong nadaya ang nasa pagsalangsang.15 Gayunpaman, siya ay maililigtas sa pamamagitan ng panganganak kapag sila ay mananatili sa pananampalataya at sa pag-ibig at sa kabanalan na may maayos na pag-iisip. Acts 61 Sa mga araw na iyon, nang dumarami ang mga alagad, ay nagkaroon ng bulung-bulungan ang mga Helenista laban sa mga Hebreo sapagkat ang kanilang mga babaing balo ay nakakaligtaan sa araw-araw na paglilingkod.2 Kaya tinawag ng labindalawa ang maraming alagad at sinabi, “Hindi nararapat na iwanan namin ang salita ng Diyos upang maglingkod sa mga hapag.3 Dahil dito, mga kapatid, humanap kayo ng pitong lalaking mula sa inyo na may mabuting patotoo, puspos ng Banal na Espiritu at karunungan, na siyang itatalaga natin sa gawaing ito.4 Ngunit kami ay matatag na magpapatuloy sa pananalangin at sa paglilingkod para sa salita.”5 Ang salitang ito ay nagbigay-lugod sa harap ng buong karamihan. Kaya pinili nila si Esteban na lalaking puspos ng pananampalataya at ng Banal na Espiritu, at sina Felipe, Procoro, Nicanor, Timon, Parmenas at Nicolas na taga-Antioquia na nagbago ng paniniwala.6 Sila ay kanilang pinatayo sa harap ng mga apostol, at nang sila ay nanalangin, ipinatong ng mga apostol ang kanilang mga kamay sa kanila.7 At lumaganap ang salita ng Diyos kaya ang bilang ng mga alagad sa Jerusalem ay lubhang dumami, at lubhang marami sa mga saserdote ang sumunod sa pananampalataya.8 At si Esteban na puspos ng pananampalataya at kapangyarihan ay gumawa ng mga kamangha-manghang gawa at ng mga dakilang tanda sa kalagitnaan ng mga tao.9 Ngunit may mga tumayo mula sa tinatawag na Sinagoga ng mga Pinalaya (ng mga taga-Cerene, ng mga taga-Alexandria at ng mga mula sa Silicia at sa Asya) na nakikipagtalo kay Esteban.10 Subalit wala silang kakayahan upang labanan ang karunungan at ang Espiritu na sa pamamagitan nito ay nagsasalita siya.11 Kaya nagsuhol sila sa mga lalaki na nagsasabi, “Narinig namin siya na nagsasalita ng mga mapaglapastangang pananalita laban kay Moises at laban sa Diyos.”12 At kanilang ginulo ang mga tao, ang matatanda at ang mga eskriba. At sa kanilang pagtayo, sinunggaban nila si Esteban at dinala sa Sanhedrin.13 Gayundin, nagharap sila ng mga bulaang saksi na nagsasabi, “Ang taong ito ay hindi tumitigil sa pagsasalita ng mga mapaglapastangang pananalita laban sa banal na dakong ito at sa Kautusan14 sapagkat narinig namin siyang nagsasabi na itong si Jesus na taga-Nazaret ang wawasak ng dakong ito at babaguhin ang mga kaugalian na ibinigay ni Moises sa atin.”15 At nang siya ay tinitigan ng lahat ng mga nakaupo sa Sanhedrin, nakita nila na ang kaniyang mukha ay katulad ng mukha ng anghel. Luke 111 Nangyari habang si Jesus ay nasa isang dako at nananalangin, nang siya ay tumigil, isa sa kaniyang mga alagad ang nagsabi sa kaniya, “Panginoon, turuan mo kami na manalangin katulad din ng pagturo ni Juan sa kaniyang mga alagad.”2 At sinabi ni Jesus sa kanila, “Kapag kayo ay mananalangin, sabihin ninyo: Aming Ama na nasa kalangitan, pakabanalin ang iyong pangalan. Dumating ang iyong paghahari. Mangyari ang iyong kalooban, kung paano sa langit ay maging gayundin sa lupa.3 Ibigay mo sa amin sa araw na ito, ang pang-araw-araw naming pagkain.4 Patawarin mo kami sa aming mga kasalanan sapagkat pinapatawad din namin ang bawat isang nagkakautang sa amin. Huwag mo kaming dalhin sa tukso, sa halip ay iligtas mo kami mula sa masama.”5 At sinabi niya sa kanila, “Sino sa inyo ang may kaibigan at kayo ay pupunta sa kaniya sa hatinggabi, at sasabihin sa kaniya, ‘Kaibigan, pahiramin mo ako ng tatlong tinapay6 sapagkat ang aking kaibigan ay dumating mula sa paglalakbay at wala akong maihahain sa kaniya’?7 At siya na nasa loob ay sasagot na magsasabi, ‘Huwag mo akong gambalain. Nakasara na ang pinto at kami ng aking mga anak ay nasa higaan na at hindi ko na kayang bumangon upang magbigay sa iyo.’8 Sinasabi ko sa inyo, bagaman hindi siya magbibigay sa kaniya, siya ay babangon sapagkat siya ay kaniyang kaibigan, at dahil sa kaniyang pagpupumilit, siya ay tatayo at ibibigay sa kaniya ang anumang kaniyang kailangan.9 “Kaya ako ay nagsasabi sa inyo, humiling kayo at ito ay ibibigay sa inyo. Maghanap kayo at kayo ay makakasumpong. Kumatok kayo at ito ay bubuksan sa inyo,10 sapagkat ang bawat isang humihiling ay tumatanggap, at siya na naghahanap ay nakakasumpong, at siya na kumakatok ay pagbubuksan.11 Ngunit sino sa inyo na ama, ang mag-aabot ng bato sa anak na hihiling ng tinapay? At kung siya ay hihiling ng isda, ang iaabot ba niya sa kaniya ay ahas sa halip na isda?12 O kapag siya ay hihiling ng itlog, ang iaabot ba niya sa kaniya ay alakdan?13 Kung kayo nga bilang masasama ay marunong magbigay ng mga mabuting kaloob sa inyong mga anak, gaano pa kaya ang Ama na nasa langit na magbibigay ng Banal na Espiritu sa kanila na humihiling sa kaniya?”14 At si Jesus ay nagpapalayas ng demonyo at ito ay pipi. At nangyari, nang nakalabas ang demonyo, ang taong napipi ay nagsalita at namangha ang napakaraming tao.15 Subalit ang ilan sa kanila ay nagsabi, “Siya ay nagpapalayas ng mga demonyo sa pamamagitan ni Beelzebub na pinuno ng mga demonyo.”16 Ngunit ang iba na sumusubok sa kaniya ay naghahanap sa kaniya ng tanda mula sa langit.17 Ngunit yamang siya ang nakakaalam ng kanilang mga pag-iisip ay sinabi niya sa kanila, “Ang bawat paghaharing nahahati laban sa kaniyang sarili ay nawawasak, at ang sambahayang nahahati laban sa sambahayan ay bumabagsak.18 At kung si Satanas din ay nahahati laban sa kaniyang sarili, paano makakatayo ang kaniyang paghahari? Sinabi ko ito sapagkat sinasabi ninyo na ang pagpapalayas ko ng mga demonyo ay sa pamamagitan ni Beelzebub.19 At kung ako ay nagpapalayas ng mga demonyo sa pamamagitan ni Beelzebub, sa pamamagitan nino naman nagpapalayas ang inyong mga anak? Dahil dito, sila ang magiging tagapaghatol ninyo.20 Ngunit kung nagpapalayas ako ng mga demonyo sa pamamagitan ng daliri ng Diyos, walang pag-aalinlangan na ang paghahari ng Diyos ay dumating na sa inyo.21 Kapag ang isang lalaking malakas na nasandatahang lubos ang magbabantay sa kaniyang sariling bulwagan, ang kaniyang ari-arian ay ligtas.22 Subalit kung ang higit na malakas kaysa sa kaniya ay dumating at malulupig siya, kukunin sa kaniya ang buong sandata na pinagtitiwalaan niya at ang kaniyang mga samsam ay ipamimigay.23 Siya na hindi sumasama sa akin ay laban sa akin, at siya na hindi nakikipagtipong kasama ko ay nangangalat.24 “Kapag ang karumal-dumal na espiritu ay makalabas mula sa isang tao, ito ay gumagala sa mga tuyong dako, na naghahanap ng pahingahan. Ngunit kapag wala itong matagpuan, sasabihin nito, ‘Babalik ako sa bahay na aking pinanggalingan.’25 At sa pagbabalik nito ay matatagpuan itong nawalisan na at napalamutian na,26 kaya paroroon ito at isasama ang pitong ibang espiritu na higit pang masasama kaysa sa kaniya. At sa pagpasok ng mga ito, sila ay maninirahan doon. Kaya ang magiging huli ng lalaking iyon ay lalong malubha kaysa noong una.”27 At nangyari, na habang sinasabi ni Jesus ang mga bagay na ito, isang babaing mula sa napakaraming tao ang sumigaw na nagsabi sa kaniya, “Pinagpala ang sinapupunan na nagdala sa iyo at ang mga suso na sinusuhan mo.”28 Sinabi ni Jesus, “Oo, subalit ang totoong pinagpala ay ang mga nakikinig ng salita ng Diyos at sinusunod ito.”29 At nang dumagsa ang napakaraming tao, siya ay nagsimulang magsalita. “Ang masamang lahing ito ay mahigpit na naghahanap ng tanda, subalit walang tanda na ibibigay sa kanila maliban sa tanda ni Jonas na propeta30 sapagkat kung paanong naging tanda si Jonas sa mga taga-Nineve, gayundin ang Anak ng Tao sa lahing ito.31 Ang reyna ng timog ay titindig sa paghuhukom kasama ang mga lalaki ng lahing ito at hahatulan sila, sapagkat siya ay dumating mula sa kadulu-duluhan ng daigdig upang pakinggan ang karunungan ni Solomon. Ngunit narito, ang isang higit kaysa kay Solomon ay nandito.32 Ang mga lalaki sa Nineve ay tatayo sa paghuhukom kasama ng lahing ito at kanilang hahatulan ang lahing ito sapagkat sila ay nagsisi dahil sa pangangaral ni Jonas. Ngunit narito, ang isang higit kaysa kay Jonas ay nandito.33 “Walang sinuman na pagkasindi ng ilawan ay inilalagay ito sa lihim na dako, o sa ilalim ng takalan kundi sa lalagyan ng ilawan upang makita ng mga pumapasok ang liwanag.34 Ang ilawan ng katawan ay ang mata. Kaya kapag malinaw ang iyong mata, ang iyong buong katawan ay puno rin ng liwanag, subalit kapag ito ay masama, ang iyong katawan ay puno rin ng kadiliman.35 Kaya tingnan mong mabuti na ang liwanag na nasa iyo ay hindi maging kadiliman.36 Kaya kung ang buong katawan mo ay puno ng liwanag na walang anumang bahaging madilim, ang buong katawan ay magiging puno ng liwanag katulad sa ningning ng ilawan kapag magliliwanag sa iyo.”37 Ngunit habang si Jesus ay nagsasalita, siya ay inanyayahan ng isang Fariseo upang kumaing kasalo niya. Kaya siya ay pumasok at dumulog sa hapag.38 At ang Fariseo ay nagtaka nang nakitang si Jesus ay hindi muna naghugas bago kumain.39 Ngunit sinabi ng Panginoon sa kaniya, “Ngayon, kayong mga Fariseo ay naglilinis ng labas ng tasa at ng pinggan subalit ang loob ninyo ay puno ng kasakiman at kasamaan.40 Mga hangal! Hindi ba siya na gumawa ng labas ay siya ring gumawa ng loob?41 Gayunpaman, ibahagi ninyo sa mga nangangailangan ang mga bagay na nasa inyo, at narito, ang lahat ng mga bagay ay magiging malinis para sa inyo.42 “Ngunit sa inyong aba, mga Fariseo! Sapagkat nagbibigay kayo ng ikapu ng menta, ng ruda at ng bawat halaman subalit nilalagpasan ninyo ang hatol at pag-ibig ng Diyos. Ang mga ito ang kailangang gawin at huwag kaligtaan ang iba.43 Sa inyong aba, mga Fariseo! Sapagkat iniibig ninyo ang mga pangunahing upuan sa mga sinagoga at ang mga pagbati sa mga pamilihan.44 Sa inyong aba, mga eskriba at mga Fariseo, mga mapagpaimbabaw! Sapagkat kayo ay katulad ng mga libingan na hindi napapansin at hindi alam ng mga tao na sila ay lumalakad sa ibabaw ng mga ito.”45 Kaya ang isa sa mga dalubhasa sa kautusan ay sumagot sa kaniya na sinasabi, “Guro, sa pagsasabi mo ng mga bagay na ito ay inaalipusta mo rin kami.”46 At sinabi niya, “Sa inyong aba, mga dalubhasa sa kautusan! Sapagkat ipinapapasan ninyo sa mga tao ang mga pasaning mahirap dalhin at kayo mismo ay hindi ninyo idinadaiti ang isa man lang sa inyong mga daliri sa mga pasaning ito.47 Sa inyong aba! Sapagkat nagtatayo kayo ng mga libingan ng mga propeta, ngunit ang mga ninuno ninyo ang pumapatay sa kanila.48 Kaya kayo nga ang nagpapatotoo at sumasang-ayon sa mga gawa ng inyong mga ninuno sapagkat sila nga ang pumatay sa kanila at kayo ang nagtatayo ng kanilang mga libingan.49 Dahil dito, ang karunungan din ng Diyos ay nagsabi, ‘Magsusugo ako sa kanila ng mga propeta at ng mga apostol. At ang ilan sa kanila ay kanilang papatayin at palalayasin’50 upang masingil sa lahing ito ang dugo ng lahat ng mga propeta na nabuhos mula pa sa pagkatatag ng sanlibutang ito,51 simula sa dugo ni Abel hanggang sa dugo ni Zacarias na pinatay sa pagitan ng dambana at dakong banal. Oo, sinasabi ko sa inyo, ito ay sisingilin sa lahing ito.52 “Sa inyong aba, mga dalubhasa sa kautusan sapagkat inilayo ninyo ang susi ng kaalaman. Kayo mismo ay hindi pumasok at hinadlangan ninyo ang mga pumapasok.”53 Ngunit habang sinasabi niya ang mga bagay na ito sa kanila, ang mga eskriba at mga Fariseo ay nagsimula upang siya ay labis na tuligsain at siya ay piliting tanungin patungkol sa maraming bagay.54 At sila ay nagbabantay sa kaniya at naghahanap ng pagkakataon upang makahuli ng ilang mga bagay mula sa kaniyang bibig nang sa gayon siya ay kanilang maparatangan. Luke 61 At nangyari, na sa ikalawang araw ng Sabat pagkaraan ng una, si Jesus ay dumaan sa triguhan, at ang kaniyang mga alagad ay pumigtal ng mga uhay at nililigis nila sa kanilang mga kamay at kinakain.2 Ngunit sinabi ng ilang Fariseo sa kanila, “Bakit ginagawa ninyo ang hindi ipinapahintulot na gawin sa mga araw ng Sabat?”3 At sumagot si Jesus na sinabi sa kanila, “Hindi ba ninyo ito nabasa na ginawa ni David nang nagutom siya at ang mga kasama niya,4 kung paanong siya ay pumasok sa bahay ng Diyos at kinuha at kinain ang mga tinapay na handog, at ang kaniya ring mga kasama ay binigyan ng hindi ipinahihintulot kainin maliban lang sa mga saserdote?”5 Kaya sinabi niya sa kanila, “Ang Anak ng Tao ay Panginoon din ng araw ng Sabat.”6 At nangyari rin sa ibang araw ng Sabat, na siya ay pumasok sa sinagoga upang magturo, at may isang lalaki roon na ang kanang kamay ay natuyot.7 Ngunit siya ay minamatyagan ng mga eskriba at ng mga Fariseo kung siya ay magpapagaling sa araw ng Sabat upang sila ay makakita ng maipaparatang laban sa kaniya.8 Subalit alam ni Jesus ang kanilang mga iniisip kaya sinabi niya sa lalaking natuyot ang kamay, “Bumangon ka at tumayo ka sa kalagitnaan.” Kaya siya ay bumangon at tumayo.9 Pagkatapos, sinabi ni Jesus sa kanila, “Magtatanong ako sa inyo ng isang bagay, Ipinahihintulot ba sa mga araw ng Sabat ang gumawa ng mabuti o ang gumawa ng masama? Ang magligtas ng buhay o ang pumatay?”10 At siya ay tumingin sa kanilang lahat sa palibot at sinabi niya sa lalaki, “Iunat mo ang iyong kamay.” At ginawa niya ang gayon at ang kaniyang kamay ay nanumbalik na magaling katulad ng isa.11 Ngunit sila ay napuno ng kahangalan kaya nag-usap-usap sila kung ano ang maaari nilang gawin kay Jesus.12 At nangyari sa mga araw na iyon, na siya ay pumunta sa bundok upang manalangin. At siya ay buong magdamag na nagpatuloy sa pananalangin sa Diyos.13 Kinaumagahan, tinawag niya ang kaniyang mga alagad at mula sa kanila ay pumili siya ng labindalawa na tinawag din niyang mga apostol:14 si Simon na pinangalanan din niyang Pedro, at si Andres na kaniyang kapatid, at sina Santiago at Juan, sina Felipe at Bartolome,15 si Mateo at si Tomas, si Santiago na anak ni Alfeo, at si Simon na tinatawag na Zelotes,16 si Judas na kapatid ni Santiago, at si Judas na taga-Keriot, na naging taksil.17 At si Jesus ay bumabang kasama nila at tumayo sa isang patag na dako. At ang napakarami sa kaniyang mga alagad at ang lubhang maraming tao na nanggaling sa buong Judea, sa Jerusalem at sa baybayin ng Tiro at Sidon, na pumunta roon upang makinig sa kaniya at upang mapagaling mula sa kanilang mga sakit18 at ang mga ginugulo ng mga karumal-dumal na espiritu ay pinagaling.19 At sinikap ng lahat ng napakaraming tao na siya ay mahawakan sapagkat may kapangyarihang lumalabas sa kaniya at pinapagaling ang lahat.20 At nang tiningnan ni Jesus ang kaniyang mga alagad ay sinabi niya, “Pinagpala kayo na mga dukha sapagkat sa inyo ang paghahari ng Diyos.21 Pinagpala kayo na mga nagugutom ngayon sapagkat kayo ay bubusugin. Pinagpala kayo na mga tumatangis ngayon sapagkat kayo ay tatawa na may galak.22 Pinagpala kayo kapag kayo ay kinasusuklaman ng mga tao at kapag itatakwil nila kayo at aalipustain nila kayo, at ituturing nilang masama ang inyong pangalan alang-alang sa Anak ng Tao.23 Magalak kayo sa araw na iyon at lumundag kayo sa kagalakan. Sapagkat narito, malaki ang inyong gantimpala sa langit, sapagkat ganito rin ang ginawa ng kanilang mga ninuno sa mga propeta.24 Subalit sa inyong aba, mga mayayaman sapagkat tinanggap na ninyo ang inyong kaaliwan.25 Sa inyong aba, mga nabusog na sapagkat kayo ay magugutom. Sa kaabahan ninyo na mga tumatawa ngayon sapagkat kayo ay magluluksa at tatangis.26 Sa inyong aba, kapag ang lahat ng mga tao ay magsasabi ng mabuti patungkol sa inyo sapagkat gayundin ang ginawa ng kanilang mga ninuno sa mga bulaang propeta.27 “Sinasabi ko sa inyo na mga nakikinig: Ibigin ninyo ang inyong mga kaaway. Gumawa kayo ng mabuti sa mga namumuhi sa inyo.28 Pagpalain ninyo ang mga nanunungayaw sa inyo at ipanalangin ninyo sila na umaalipusta sa inyo.29 Iharap mo rin ang kabila mong pisngi sa kaniya na humampas ng iyong pisngi at huwag mong ipagkait ang iyong tunika sa kaniya na kumukuha ng iyong damit.30 At magbigay ka sa bawat isa na humihiling sa iyo. Huwag mo nang bawiin ang iyong mga pag-aari mula sa kaniya na kumuha sa iyo.31 At ayon sa ninanais ninyong gawin ng mga tao sa inyo, gayundin ang gawin ninyo sa kanila.32 “Ano ang pakinabang ninyo kung iniibig ninyo ang mga umiibig sa inyo? Sapagkat iniibig din ng mga makasalanan ang mga umiibig sa kanila.33 Ano ang pakinabang ninyo kapag gumagawa kayo ng mabuti sa kanila na gumagawa ng mabuti sa inyo? Sapagkat gayundin ang ginagawa ng mga makasalanan.34 Ano ang pakinabang ninyo kapag magpapahiram kayo sa kanila na inaasahan ninyong makakatanggap kayo? Sapagkat ang mga makasalanan ay nagpapahiram din sa mga makasalanan upang sila ay makatanggap ng gayundin.35 Higit pa rito, ibigin ninyo ang inyong mga kaaway at gumawa kayo ng mabuti. Magpahiram kayo na hindi umaasa ng kapalit at magiging malaki ang inyong gantimpala. At kayo ay magiging mga Anak ng Kataas-taasan sapagkat siya ay mabuti sa mga hindi mapagpasalamat at sa mga masama.36 Kaya kayo ay maging maawain katulad din ng inyong Ama na maawain.”37 “Huwag kayong humatol at hindi kayo mahatulan. Huwag kayong humusga at hindi kayo mahusgahan. Magpatawad kayo at kayo ay patatawarin.38 Magbigay kayo at ito ay ibibigay sa inyo, tamang sukat, siniksik, niliglig at umaapaw ang ibibigay para sa inyong piling sapagkat sa gayunding sukat na inyong ipinangsusukat ay siya ring ipangsusukat sa inyo.”39 At isang talinghaga ang sinabi niya sa kanila. “Maaakay ba ng isang bulag ang isang bulag? Hindi ba sila ay kapwa mahuhulog sa hukay?40 Ang isang alagad ay hindi nakahihigit sa kaniyang guro. Ngunit ang bawat isa na naging ganap na alagad ay magiging katulad ng kaniyang guro.41 “At bakit mo tinitingnan ang puwing sa mata ng iyong kapatid ngunit hindi mo pinupuna ang troso na nasa sarili mong mata?42 At paano mo makakayang sabihin sa iyong kapatid, ‘Kapatid, hayaan mong maalis ko ang puwing sa iyong mata’ kung hindi mo nakikita ang troso na nasa iyong mata? Mapagpaimbabaw ka! Alisin mo muna ang troso mula sa iyong sariling mata at pagkatapos ay makakakita kang malinaw upang maalis mo ang puwing sa mata ng iyong kapatid.43 “Ang mabuting punongkahoy ay hindi nagbubunga ng masama o kaya ang masamang punongkahoy ay nagbubunga ng mabuti,44 sapagkat ang bawat punongkahoy ay nakikilala sa kaniyang sariling bunga. Sapagkat ang mga tao ay hindi nag-iipon ng igos mula sa mga tinik, ni hindi sila namimitas ng ubas mula sa mababang puno.45 Ang mabuting tao ay nagbubunga ng mabuti mula sa mabuting yaman ng kaniyang puso. Ngunit ang masamang tao ay nagbubunga ng masama mula sa masamang yaman ng kaniyang puso sapagkat ang kaniyang bibig ay nagsasalita mula sa kasaganaan ng puso.46 “Ngunit bakit ninyo ako tinatawag, ‘Panginoon, Panginoon,’ subalit hindi ninyo ginagawa ang aking sinasabi?47 Ang bawat isang lumalapit sa akin at nakikinig ng aking mga salita at kaniyang ginagawa ang mga ito ay ipapakita ko sa inyo kung sino ang katulad niya.48 Siya ay katulad ng isang lalaking nagtatayo ng bahay, na naghukay ng malalim at naglagay ng saligan sa bato. Ngunit nang nagkaroon ng baha, ang agos ng ilog ay humampas nang malakas sa bahay na iyon, subalit hindi nito natinag ang bahay sapagkat ito ay naitayo sa bato.49 At siya na nakarinig at hindi gumawa ay katulad ng isang tao na nagtayo ng bahay sa lupa na walang saligan at ang agos ng ilog ay humampas nang malakas sa bahay, at iyon ay bumagsak kaagad. Kaya ang pagkasira ng bahay na iyon ay naging malaki.” Mark 111 At nang papalapit na sila sa Jerusalem, sa Betfage at Betania, patungo sa bundok ng mga Olibo, isinugo ni Jesus ang dalawa sa kaniyang mga alagad,2 at sinabi niya sa kanila, “Humayo kayo sa nayong nasa unahan ninyo, at sa inyong pagpasok doon ay matatagpuan ninyo kaagad ang nakataling bisiro na hindi pa nasasakyan ng sinumang tao. Kalagan ninyo iyon at dalhin dito.3 At kapag ang sinuman ay magsabi sa inyo, ‘Bakit ninyo ginagawa ito?’ Sabihin ninyo, ‘Kailangan ito ng Panginoon’ at iyon ay kaagad niyang ipapadala rito.”4 At sila ay pumaroon at natagpuan ang nakataling bisiro sa labas ng pintuan sa magkasalubong na daan, at kinalagan nila ito.5 Ang ilan sa mga nakatayo roon ay nagsabi sa kanila, “Ano ang ginagawa ninyo na kinakalagan ang bisiro?”6 Kaya ang sinabi ng mga alagad sa kanila ay ang ayon sa iniutos ni Jesus at sila ay pinayagan nila.7 At dinala nila ang bisiro kay Jesus, at isinapin nila sa ibabaw nito ang kanilang mga damit at sinakyan ito ni Jesus.8 Kaya marami ang naglatag ng kanilang mga damit sa daan, at ang iba ay pumutol ng mga sanga ng mga punongkahoy at inilatag ang mga ito sa daan.9 Ang mga nauuna at ang mga sumusunod ay sumisigaw na sinasabi, “Hosana! ‘Pinagpala siya na dumarating sa pangalan ng Panginoon!’ Awi 118:25-2610 Papuri sa dumarating na paghahari ng ating amang si David na pumaparito sa pangalan ng Panginoon! Hosana sa kataas-taasan!”11 At pumasok si Jesus sa Jerusalem at sa loob ng templo. Pagkatingin niya sa palibot sa lahat ng mga bagay, siya ay lumabas patungo sa Betania kasama ang labindalawa yamang sumasapit na ang gabi.12 At kinabukasan, pagkagaling nila sa Betania, siya ay nagutom.13 At nang natanaw niya sa di-kalayuan ang puno ng igos na may mga dahon, siya ay lumapit baka sakaling siya ay makakakita ng anuman doon. Ngunit nang ito ay nilapitan niya, wala siyang natagpuan maliban sa mga dahon sapagkat hindi pa panahon noon ng mga igos.14 At nang nagsalita si Jesus, sinabi niya sa puno, “Mula ngayon, walang sinuman nawa ang makakain ng iyong bunga magpakailanman.” At narinig ito ng kaniyang mga alagad.15 At sila ay dumating sa Jerusalem at pagpasok ni Jesus sa templo, sinimulan niyang itaboy ang mga nagtitinda at ang mga namimili sa templo, at itinaob niya ang mga mesa ng mga mamamalit-salapi at ang mga upuan ng mga nagtitinda ng mga kalapati.16 At hindi niya pinapayagang dumaan sa loob ng templo ang sinumang magdadala ng sisidlan.17 At siya ay nangaral na sinasabi sa kanila, “Hindi ba nasusulat, ‘Ang aking bahay ay tatawaging bahay-dalanginan para sa lahat ng mga bansa’ Isa 56:7 ngunit ginawa ninyo itong ‘yungib ng mga tulisan.’ ” Jer 7:1118 At ang mga eskriba at ang mga punong saserdote ay nakinig, kaya naghanap sila ng paraan kung paano nila siya papatayin sapagkat sila ay natakot kay Jesus dahil ang lahat ng mga tao ay namangha sa kaniyang katuruan.19 At nang gumabi na, siya ay lumabas sa lungsod.20 At kinaumagahan, sa pagdaan nila, nakita nila na ang puno ng igos ay natuyo na simula sa mga ugat.21 At nang ito ay naalala ni Pedro, sinabi niya sa kaniya, “Rabbi, tingnan mo, ang puno ng igos na iyong isinumpa ay natuyo na.”22 At nang sumagot si Jesus, sinabi niya sa kanila, “Magkaroon kayo ng pananampalataya sa Diyos.23 Sapagkat katotohanang sinasabi ko sa inyo, na ang sinumang magsabi sa bundok na ito, ‘Maalis ka at maihagis sa dagat,’ at hindi mag-alinlangan sa kaniyang puso, sa halip ay manampalataya na magaganap ang kaniyang sinabi, mangyayari sa kaniya ang anumang kaniyang sasabihin.24 Dahil dito, sinasabi ko sa inyo, anumang mga bagay ang hilingin ninyo sa inyong pananalangin, manampalataya kayo na ito ay inyong nakakamtan, at ito ay mapapasainyo.25 “At kapag kayo ay nananalangin na nakatayo, magpatawad kayo kung mayroon kayong anumang laban sa kaninuman upang ang inyo namang Ama na nasa langit ay mapatawad kayo sa inyong mga pagsalangsang.26 Ngunit kung hindi kayo magpapatawad, kahit ang inyong Ama na nasa langit ay hindi magpapatawad sa inyong mga pagsalangsang.”27 At sila ay pumuntang muli sa Jerusalem. At habang naglalakad si Jesus sa templo, lumapit sa kaniya ang mga punong saserdote at ang mga eskriba at ang matatanda.28 At sinasabi nila sa kaniya, “Sa anong kapamahalaan ginagawa mo ang mga bagay ito? At sino ang nagbigay sa iyo ng kapamahalaang ito upang magawa mo ang mga bagay na ito?”29 Ngunit nang si Jesus ay sumagot, sinabi niya sa kanila, “Ako rin ay magtatanong sa inyo ng isang katanungan, at sagutin ninyo ako, at sasabihin ko sa inyo kung sa anong kapamahalaan ginagawa ko ang mga bagay na ito.30 Ang bawtismo ni Juan, ito ba ay mula sa langit o mula sa mga tao? Sagutin ninyo ako.”31 At sila ay nangatwiran sa isa't isa na sinasabi, “Kapag ating sasabihin, ‘Mula sa langit,’ sasabihin niya, ‘Kung gayon, bakit hindi ninyo siya pinaniwalaan?’32 Ngunit kapag sasabihin natin, ‘Mula sa tao,’ ” sila ay natatakot sa mga tao sapagkat tinanggap ng lahat si Juan na siya ay tunay na propeta.33 At nang sila ay sumagot, kanilang sinasabi kay Jesus, “Hindi namin alam.” Kaya nang sumagot si Jesus, sinasabi niya sa kanila, “Ako ay hindi rin magsasabi sa inyo kung sa anong kapamahalaan ginagawa ko ang mga bagay na ito.” Mark 131 At habang si Jesus ay papalabas mula sa templo, isa sa kaniyang mga alagad ay nagsasabi sa kaniya, “Guro, narito, anong ganda ng mga bato at anong ganda ng mga gusali.”2 At sumagot si Jesus na sinasabi sa kaniya, “Nakikita mo ba ang malalaking gusaling ito? Wala ni isang bato ang matitira sa ibabaw ng isang bato na hinding-hindi mabubuwag.”3 At habang si Jesus ay nakaupo sa bundok ng mga Olibo sa tapat ng templo, palihim siyang tinanong nina Pedro, Santiago, Juan at Andres,4 “Sabihin mo sa amin, kailan mangyayari ang mga bagay na ito, at ano ang tanda na ang lahat ng mga bagay na ito ay malapit nang maganap?”5 At nang sumagot si Jesus sa kanila, nagsimula siyang magsabi, “Mag-ingat kayo na hindi kayo mailigaw ng sinuman6 sapagkat marami ang darating sa aking pangalan na nagsasabi, ‘Ako ang Cristo’ at ililigaw nila ang marami.7 At kapag makarinig kayo ng mga digmaan at mga bali-balita ng mga digmaan, huwag kayong mangamba sapagkat kailangang mangyari ang mga bagay na ito, ngunit hindi pa ito ang wakas8 dahil babangon ang bansa laban sa bansa at kaharian laban sa kaharian. Magkakaroon ng mga lindol sa iba't ibang dako at magkakaroon ng mga taggutom at mga kaguluhan. Ito ang mga simula ng mga paghihirap.9 “Ngunit ingatan ninyo ang inyong mga sarili sapagkat ibibigay nila kayo sa mga Sanhedrin at sa mga sinagoga. Kayo ay kanilang hahagupitin at dadalhin sa mga gobernador at sa mga hari dahil sa akin, bilang patotoo sa kanila.10 At ang ebanghelyo ay kailangang unang ipangaral sa lahat ng mga bansa.11 Ngunit kapag kayo ay mahuhuli at dadalhin sa hukuman, huwag kayong mabalisa, ni mag-isip kung ano ang inyong sasabihin. Ngunit kung ano man ang maipagkaloob sa inyo sa sandaling iyon, iyon ang inyong sabihin sapagkat hindi kayo ang siyang magsasalita kundi ang Banal na Espiritu.12 At ang kapatid ay ipagkakanulo ng kapatid patungo sa kamatayan, ang ama sa anak. At ang mga anak ay maghihimagsik sa mga magulang at ipapapatay sila.13 At kayo ay kamumuhian ng lahat dahil sa aking pangalan. Ngunit siya na nagtiis hanggang sa wakas, siya ay maliligtas.14 “At kapag inyong makita ang ‘kasuklam-suklam na kapanglawan’ Dan 9:27; 11:31; 12:11 na nakatayo kung saan ito ay hindi dapat, sa panahong iyon, sila na nasa Judea ay hayaang tumakas patungo sa mga bundok. Ito ang nabanggit ni propeta Daniel,” (unawain ito ng bumabasa).15 Ngunit siya na nasa bubungan ay huwag nang bumaba sa bahay, ni huwag nang pumasok upang kumuha ng anuman mula sa kaniyang bahay.16 At siya na nasa bukid ay huwag nang balikan ang mga bagay na naiwan upang kumuha ng kaniyang kasuotan.17 Ngunit sa aba nila na mga nagdadalang-tao at sa mga nagpapasuso sa mga araw na iyon.18 Kaya manalangin kayo na huwag mangyari sa taglamig ang inyong pagtakas19 sapagkat sa mga araw na iyon ay magkakaroon ng kahirapan. Ang ganito ay hindi pa nangyari mula sa simula ng paglikha ng Diyos hanggang sa ngayon, at ito ay hindi na mangyayari kailanman.20 At maliban na ang Panginoon ang magpaikli ng mga araw, walang sinumang taong maliligtas. Ngunit dahil sa mga pinili na kaniyang pinili, pinaikli niya ang mga araw.21 “At sa panahong iyon, kapag ang sinuman ay magsabi sa inyo, ‘Narito, ang Cristo ay nandito!’ o, ‘Narito, siya ay nandoon!’ huwag kayong maniwala22 sapagkat ang mga bulaang cristo at ang mga bulaang propeta ay lilitaw, at sila ay magbibigay ng mga tanda at kamangha-manghang mga gawa upang iligaw kung maaari kahit ang mga pinili.23 Ngunit mag-ingat kayo. Narito, sinabi ko na sa inyo noong una pa ang lahat ng mga bagay.24 “Ngunit sa mga araw na iyon, pagkatapos ng paghihirap na iyon, ang araw ay magdidilim at ang buwan ay hindi magbibigay ng kaniyang liwanag,25 at ang mga bituin ng langit ay magbabagsakan, at ang mga kapangyarihan na nasa kalangitan ay mayayanig.26 At kapag magkagayon, makikita nila ang Anak ng Tao na dumarating sa mga ulap, na may dakilang kapangyarihan at kaluwalhatian.27 At kapag magkagayon, susuguin niya ang kaniyang mga anghel at titipunin niya ang kaniyang mga pinili mula sa apat na hangin hanggang sa kadulu-duluhan ng langit.28 “Kaya matuto kayo mula sa talinghaga ng puno ng igos. Kapag ang sanga nito ay magiging sariwa at umuusbong na ang mga dahon, nalalaman ninyo na malapit na ang tag-init.29 Gayundin naman kayo, kapag makita ninyong nangyayari ang mga bagay na ito, alamin ninyo na siya ay malapit na, nasa mga pintuan na.30 Katotohanang sinasabi ko sa inyo, kailanman ay hindi lilipas ang lahing ito hanggang sa maganap ang lahat ng mga bagay na ito.31 Ang langit at ang lupa ay lilipas, subalit ang aking mga salita ay hindi lilipas kailanman.32 “Ngunit patungkol sa araw o sa oras na iyon, walang sinuman ang nakaalam, kahit ang mga anghel sa langit, kahit ang Anak, maliban sa Ama.33 Mag-ingat kayo, magmasid kayo at manalangin kayo, sapagkat hindi ninyo alam kung kailan ang panahon.34 Ito ay katulad ng isang taong manlalakbay na iniwan niya ang kaniyang bahay, at binigyan niya ng kapamahalaan ang kaniyang mga alipin, at binigyan ang bawat isa ng sariling gawain, at inutusan din niya ang bantay-pintuan na siya ay magbantay.35 Kaya magbantay kayo sapagkat hindi ninyo alam kung kailan darating ang panginoon ng bahay, sa gabi, o sa hatinggabi, o sa pagtilaok ng manok, o sa umaga,36 upang sa bigla niyang pagdating ay hindi niya kayo matagpuang natutulog.37 Kaya ang sinasabi ko sa inyo ay sinasabi ko sa lahat. Magbantay kayo!” Mark 141 Pagkaraan ng dalawang araw ay ang Kapistahan ng Paglagpas at Kapistahan ng Tinapay na Walang Pampaalsa. Ang mga punong saserdote at ang mga eskriba ay humahanap ng paraan upang palinlang nilang madakip si Jesus at maipapatay.2 Ngunit ang sabi nila, “Huwag sa kapistahan baka magkagulo ang mga tao.”3 At samantalang siya ay nasa Betania, habang dumudulog siya sa hapag-kainan sa bahay ni Simon na ketongin, may dumating na babaing may dala-dalang sisidlang alabastro na puno ng mamahaling pabango na purong nardo. At pagkabasag niya sa sisidlang alabastro ay ibinuhos niya ang pabango sa ulo ni Jesus.4 Ngunit ang ilan na nagngingitngit ay nag-usap-usap, “Bakit ginawa ang pagsasayang ng pabangong ito?5 Sapagkat maaring maipagbili ito nang higit sa tatlong daang denaryo° at maipamahagi sa mga dukha.” Kaya nagalit sila sa kaniya.6 Ngunit sinabi ni Jesus, “Hayaan ninyo siya. Bakit ninyo siya binibigyan ng kabalisahan? Mabuti ang gawain na kaniyang ginawa para sa akin,7 sapagkat ang mga dukha ay palagi ninyong kasama, at sa tuwing nanaisin ninyo ay makakagawa kayo ng mabuti sa kanila, ngunit ako ay hindi ninyo palaging kasama.8 Ginawa ng babaing ito ang kaniyang magagawa. Siya ay naghanda upang pahiran ang aking katawan para sa aking libing.9 Katotohanang sinasabi ko sa inyo, saan man ipapangaral ang ebanghelyong ito sa buong sanlibutan, ang ginawa rin niyang ito ay isasalaysay bilang pag-alaala sa kaniya.”10 At si Judas na taga-Keriot, na isa sa labindalawa, ay pumunta sa mga punong saserdote upang ipagkanulo niya si Jesus sa kanila.11 At nang narinig nila ito, sila ay natuwa at nangakong magbigay sa kaniya ng salaping pilak. Kaya naghanap siya ng pagkakataon kung paano niya ipagkakanulo si Jesus.12 Sa unang araw ng Pista ng Tinapay na Walang Pampaalsa, nang kanilang inihahandog ang kordero ng Paglagpas, sinabi ng kaniyang mga alagad sa kaniya, “Saan mo ibig na kami ay pumunta at kami ay makapaghanda upang makakain ka ng hapunan ng Paglagpas?”13 Kaya isinugo niya ang dalawa sa kaniyang mga alagad at sinabi niya sa kanila, “Pumunta kayo sa lungsod at may masasalubong kayong lalaki na may dalang isang banga ng tubig, sundan ninyo siya.14 Kung saan man siya papasok, sabihin ninyo sa may-ari ng bahay, ‘Sinasabi ng Guro, “Saan ang silid-pampanauhin kung saan ako ay maaring kumain ng hapunan ng Paglagpas kasama ng aking mga alagad?” ’15 At ipapakita niya sa inyo ang malaking silid sa itaas na may nakaayos na kagamitan. Maghanda kayo roon para sa atin.”16 Umalis ang mga alagad at pumasok sa lungsod, at natagpuan nila ang ayon sa sinabi ni Jesus sa kanila at inihanda nila ang hapunan ng Paglagpas.17 At pagsapit ng gabi, si Jesus ay dumating kasama ng labindalawa.18 At habang sila ay nakadulog at kumakain, sinabi ni Jesus, “Katotohanang sinasabi ko sa inyo na ang isa sa inyo na kumakaing kasalo ko ay ipagkakanulo ako.”19 At sila ay nagsimulang malungkot kaya isa-isa silang nagsabi sa kaniya, “Ako ba?” at ang iba ay nagsabi, “Ako ba?”20 Ngunit nang sumagot si Jesus, sinabi niya sa kanila, “Ang isa sa labindalawa, siya na kasabay kong magsawsaw sa mangkok.21 Ang Anak ng Tao nga ay papanaw ayon sa nasusulat patungkol sa kaniya subalit sa aba ng taong iyon na sa pamamagitan niya ay maipagkakanulo ang Anak ng Tao. Mabuti pa sa taong iyon kung hindi siya naipanganak.”22 Habang sila ay kumakain, si Jesus ay kumuha ng tinapay, at nang siya ay nakapagpasalamat, pinagputul-putol niya ito at ibinigay sa kanila at sinabi, “Kunin ninyo. Kainin ninyo. Ito ay aking katawan.”23 At pagkatapos ay kinuha niya ang saro, at nang siya ay nakapagpasalamat, ibinigay niya ito sa kanila at lahat sila ay uminom mula sa saro.24 At sinabi niya sa kanila, “Ito ang aking dugo ng bagong tipan na ibinuhos para sa marami.25 Katotohanang sinasabi ko sa inyo, kailanman ay hindi na ako iinom mula sa bunga ng ubas hanggang sa araw na iyon na kung kailan ay maiinom ko ang bago nito sa kaharian ng Diyos.”26 Pagkaawit nila ng isang himno, sila ay pumunta sa bundok ng mga Olibo.27 At sinabi ni Jesus sa kanila, “Lahat kayo ay matitisod sa akin sa gabing ito sapagkat nasusulat, ‘Sasaktan ko ang pastol at ang mga tupa ay mangangalat.’ Zak 13:728 “Ngunit pagkatapos na ako ay ibangon, ako ay mauuna sa inyo sa Galilea.”29 Subalit sumagot si Pedro sa kaniya, “Kahit na matitisod ang lahat, gayunpaman, ako ay hindi.”30 Kaya sinabi ni Jesus sa kaniya, “Katotohanang sinasabi ko sa iyo na sa araw na ito, sa gabing ito, bago tumilaok nang dalawang ulit ang tandang ay tatlong ulit mo akong ipagkakaila.”31 Ngunit lalong mariing sinabi ni Pedro, “Kung kailangang ako ay mamatay na kasama mo, hinding-hindi kita ipagkakaila.” Gayundin ang sinabi ng lahat.32 Sila ay dumating sa lugar na ang pangalan ay Getsemane at sinabi ni Jesus sa kaniyang mga alagad, “Umupo kayo rito habang ako ay nananalangin.”33 At isinama niya sina Pedro, Santiago at Juan, at nagsimula siyang labis na mangamba at labis na mabagabag.34 At sinabi ni Jesus sa kanila, “Ang kaluluwa ko ay lubhang nagdadalamhati hanggang sa kamatayan. Manatili kayo rito at magbantay kayo.”35 Nang siya ay nakalayo nang kaunti, siya ay nagpatirapa sa lupa at nanalangin na kung maaari ay lumagpas sa kaniya ang oras na ito.36 Sinabi niya, “Abba, Ama, ang lahat ng mga bagay ay magagawa mo, ilayo mo sa akin ang sarong ito, gayunpaman, hindi kung ano ang ninanais ko kundi kung ano ang kalooban mo.”37 At pinuntahan niya ang mga alagad at natagpuan silang natutulog, at sinabi niya kay Pedro, “Simon, natutulog ka? Hindi mo ba kayang magbantay nang isang oras?38 Magbantay kayo at manalangin upang hindi kayo pumasok sa tukso. Ang espiritu nga ay nagnanais ngunit ang laman ay mahina.”39 At nang siya ay muling umalis, siya ay nanalangin na sinasabi ang gayunding salita.40 At sa kaniyang pagbalik, sila ay muli niyang natagpuang natutulog sapagkat mabigat na ang kanilang mga mata, at hindi nila alam kung ano ang kanilang isasagot sa kaniya.41 At siya ay pumunta sa ikatlong pagkakataon at sinabi sa kanila, “Natutulog pa ba kayo at nagpapahinga? Sapat na iyan. Ang oras ay dumating na. Narito, ang Anak ng Tao ay ipinagkakanulo sa mga kamay ng mga makasalanan.42 Bumangon na kayo, aalis na tayo. Narito, siya na nagkakanulo sa akin ay malapit na.”43 At habang nagsasalita pa lamang siya, si Judas na isa sa labindalawa ay dumating kaagad kasama ang lubhang napakaraming tao, na may dala-dalang mga tabak at mga pamalong kahoy, mula sa mga punong saserdote, sa mga eskriba at sa matatanda.44 Siya na nagkakanulo sa kaniya ay nagbigay ng hudyat sa kanila na sinasabi, “Siya na aking hahalikan, siya iyon. Dakpin ninyo siya at dalhing maingat.”45 Pagdating ni Judas, kaagad siyang lumapit kay Jesus na sinasabi, “Rabbi, Rabbi,” at magiliw niyang hinalikan si Jesus.46 Kaya hinawakan nila si Jesus at dinakip siya.47 Ngunit ang isa sa mga nakatayo roon ay bumunot ng tabak at tinaga niya ang alipin ng pinakapunong saserdote at pinutol ang kaniyang tainga.48 At nang sumagot si Jesus, sinabi niya sa kanila, “Pumunta ba kayo rito na may mga tabak at mga pamalong kahoy upang dakpin ako na katulad ng isang tulisan?49 Nagtuturo ako sa templo araw-araw kasama ninyo ngunit hindi ninyo ako dinakip. Subalit ito ay nangyari upang ang mga Kasulatan ay maganap.”50 Nang iniwan ng lahat si Jesus, sila ay tumakbo.51 Ngunit may sumusunod kay Jesus na isang binata na nasusuotan ng telang lino ang hubad niyang katawan at siya ay sinunggaban ng mga binata.52 At pagkaiwan niya ng telang lino, tumakbo siyang hubad palayo sa kanila.53 Dinala nila si Jesus sa pinakapunong saserdote, at ang lahat ng mga punong saserdote at ang matatanda at ang mga eskriba ay nagtipon sa kaniya.54 Si Pedro ay sumunod sa kaniya mula sa malayo hanggang sa loob ng bulwagan ng pinakapunong saserdote. At siya ay umupong kasama ng mga opisyal at nagpapainit ng sarili malapit sa apoy.55 Ang mga punong saserdote at ang buong Sanhedrin ay naghanap ng saksi laban kay Jesus upang maipapatay nila si Jesus ngunit wala silang natagpuan56 sapagkat marami ang nagpatotoo ng kasinungalingan laban sa kaniya, ngunit ang kanilang mga patotoo ay hindi magkakatugma.57 At nang tumayo ang ilan, sila ay nagpatotoo ng kasinungalingan laban sa kaniya na sinasabi,58 “Narinig namin siyang nagsasabi, ‘Gigibain ko ang banal na dako ng templong ito na gawa ng mga kamay, at sa loob ng tatlong araw ay magtatayo ako ng iba na hindi gawa ng mga kamay.’ ”59 Gayunpaman, kahit ang patotoo nilang ito ay hindi magkakatugma.60 At nang tumayo ang pinakapunong saserdote sa kalagitnaan, tinanong niya si Jesus, na sinasabi, “Wala kang isinasagot na anuman. Ano itong mga ipinaparatang laban sa iyo?”61 Ngunit siya ay nanahimik at walang isinagot. Muli siyang tinanong ng pinakapunong saserdote at sinabi sa kaniya, “Ikaw ba ang Cristo, ang Anak ng Pinagpala?”62 At sinabi ni Jesus, “Ako nga. At makikita ninyo ang Anak ng Tao na nakaupo mula sa bahaging kanan ng Makapangyarihan at dumarating sa mga ulap ng langit.”63 Kaya pinunit ng pinakapunong saserdote ang kaniyang mga tunika at sinasabi, “Ano pa ang pangangailangan natin ng mga saksi?64 Narinig ninyo ang kaniyang paglapastangan! Ano ito sa palagay ninyo?” Kaya ang lahat ay humatol sa kaniya na siya ay nararapat sa kamatayan.65 At sinimulan ng ilan na siya ay duraan, takpan ang kaniyang mukha, suntukin siya at sinabi sa kaniya, “Hulaan mo!” At siya ay pinagsasampal ng mga opisyal.66 Nang si Pedro ay nasa bulwagan sa ibaba, dumating ang isa sa mga aliping babae ng pinakapunong saserdote.67 At nang nakita niya si Pedro na nagpapainit ng kaniyang sarili, siya ay tinitigan niya at sinabi, “Ikaw rin ay kasama ni Jesus na taga-Nazaret.”68 Ngunit siya ay nagkaila na nagsasabi, “Hindi ko alam, ni nauunawaan kung ano ang sinasabi mo.” At siya ay lumabas patungo sa portiko at tumilaok ang tandang.69 At nang nakita siyang muli, ang alipin ay nagsimulang magsabi sa mga nakatayo roon, “Ang isang ito ay kasama nila.”70 Ngunit ito ay muli niyang ipinagkaila. At pagkatapos ng ilang sandali, ang mga nakatayo roon ay muling nagsabi kay Pedro, “Totoo, ikaw ay isa sa kanila sapagkat ikaw rin ay taga-Galilea at ang pagsasalita mo ay katulad sa isang taga-Galilea.”71 Ngunit siya ay nagsimulang mag-alimura at manumpa na sinasabi, “Hindi ko kilala ang taong ito na inyong sinasabi.”72 At sa ikalawang pagkakataon, ang tandang ay tumilaok at naalaala ni Pedro ang salitang sinabi ni Jesus sa kaniya, “Bago tumilaok ang dalawang ulit ang tandang, tatlong ulit mo akong ipagkakaila.” Nang naalaala niya ito, siya ay tumangis. Matthew 51 Nang nakita ni Jesus ang mga napakarami, siya ay umahon sa bundok at nang siya ay umupo, lumapit sa kaniya ang kaniyang mga alagad.2 At ibinuka niya ang kaniyang bibig at sila ay tinuruan niya na sinasabi,3 “Pinagpala ang mga dukha sa espiritu sapagkat sa kanila ang kaharian ng langit.4 Pinagpala ang mga nagdadalamhati sapagkat sila ay aaliwin.5 Pinagpala ang mga mapagpakumbaba sapagkat mamanahin nila ang lupa.6 Pinagpala ang mga nagugutom at mga nauuhaw sa katuwiran sapagkat sila ay bubusugin.7 Pinagpala ang mga mahabagin sapagkat sila ay kahahabagan.8 Pinagpala ang mga may pusong dalisay sapagkat makikita nila ang Diyos.9 Pinagpala ang mga mapagpayapa sapagkat sila ay tatawaging mga anak ng Diyos.10 Pinagpala sila na mga pinagmamalupitan dahil sa katuwiran sapagkat sa kanila ang paghahari ng langit.11 Pinagpala kayo kapag kayo ay hamakin, pagmamalupitan at pagwiwikaan nila ng lahat ng uri ng masamang pananalita na mga kasinungalingan laban sa inyo dahil sa akin.12 Magalak kayo at magsaya nang lubos sapagkat malaki ang inyong gantimpala sa kalangitan dahil sa gayunding paraan ay pinagmalupitan nila ang mga propetang nauna sa inyo.13 “Kayo ang asin ng lupa. Ngunit kapag ang asin ay mawalan ng alat, papaano ito mapapaalat? Wala na nga itong kabuluhan kundi itapon sa labas at tapakan ng mga tao.14 “Kayo ang ilaw ng sanlibutan. Ang isang lungsod na nakatayo sa ibabaw ng isang burol ay hindi makakayang itago.15 Ang mga tao ay hindi nagsisindi ng ilawan at inilalagay ito sa ilalim ng takalan°, kundi sa lalagyan ng ilawan at ito ay nagliliwanag sa kanilang lahat na nasa bahay.16 Pagliwanagin ninyo sa ganitong paraan ang inyong ilaw sa harapan ng mga tao upang makita nila ang inyong mabubuting gawa at luluwalhatiin nila ang inyong Ama na nasa langit.17 “Huwag ninyong isipin na ako ay pumarito upang sirain ang Kautusan o ang mga Propeta, ako ay pumarito hindi upang sirain kundi upang tuparin.18 Katotohanang sinasabi ko sa inyo, hanggang sa ang langit at ang lupa ay lilipas, ang isang tuldok o ang isang kudlit ay hinding-hindi lilipas mula sa Kautusan hanggang sa ang lahat ay maganap.19 Kaya kapag ang sinuman ay lalabag sa isa sa pinakamaliit na mga utos na ito at magtuturo ng gayon sa mga tao, siya ay tatawaging pinakamababa sa kaharian ng langit. Ngunit kapag ang sinuman ay gaganap at magtuturo nito, siya ay tatawaging dakila sa kaharian ng langit.20 Sapagkat sinasabi ko sa inyo na kapag ang inyong katuwiran ay hindi hihigit sa katuwiran ng mga eskriba at ng mga Fariseo, hinding-hindi kayo makakapasok sa kaharian ng langit.21 “Narinig ninyo na ito ay sinabi sa kanila noong unang panahon, ‘Huwag kang papatay. Ngunit ang sinumang makapatay ay mananagot sa paghuhukom.’ Exo 20:13; Deu 5:1722 Subalit sinasabi ko sa inyo na ang bawat isang napopoot sa kaniyang kapatid nang walang dahilan ay mananagot sa paghuhukom. At kapag ang sinuman ay magsabi sa kaniyang kapatid, ‘Raca!’ siya ay mananagot sa Sanhedrin, at kapag ang sinuman ay magsasabi, ‘Hangal ka!’ Siya ay malalagay sa panganib sa apoy ng impiyerno.23 Kaya kapag ikaw ay maghahandog ng iyong kaloob sa dambana at doon ay maalala mo na ang iyong kapatid ay may anumang laban sa iyo,24 iwanan mo ang iyong kaloob doon sa harap ng dambana, unahin mong pumunta sa iyong kapatid upang makipagkasundo at pagkatapos ay bumalik ka at ihandog ang iyong kaloob.25 Makipagkasundo ka kaagad sa nagsasakdal sa iyo habang ikaw ay kasama niya sa daan. Kung hindi, ikaw ay ibibigay ng nagsasakdal sa iyo sa hukom at ikaw ay ibibigay ng hukom sa kawal at ikaw ay ipapasok sa bilangguan.26 Katotohanang sinasabi ko sa iyo, hinding-hindi ka makakalabas doon hanggang sa hindi mo mabayaran ang huling sentimo°.27 “Narinig ninyo na ito ay sinabi sa kanila noong unang panahon, ‘Huwag kang mangangalunya.’ Exo 20:14; Deu 5:1828 Ngunit sinasabi ko sa inyo na ang sinumang tumitingin sa babae na nagnanasa sa kaniya, sa puso niya siya ay nagkasala na ng pangangalunya sa kaniya.29 At kung ang iyong kanang mata ay nagpapatisod sa iyo, dukutin mo ito at itapon sapagkat makakabuti sa iyo na mawala ang isa sa iyong mga bahagi at hindi ang iyong buong katawan ang maitapon sa impiyerno.30 At kung ang iyong kanang kamay ay nagpapatisod sa iyo, putulin mo ito at itapon mula sa iyo sapagkat makakabuti sa iyo na mawala ang isa sa iyong mga bahagi at hindi ang iyong buong katawan ang maitapon sa impiyerno.31 “At ito ay sinabi na, ‘Sinuman ang magpaalis sa kaniyang asawang babae, siya ay magbigay ng kasulatan ng paghihiwalay sa kaniya.’ Deu 24:132 Ngunit sinasabi ko sa inyo na ang sinumang magpaalis sa kaniyang asawang babae, maliban sa usapin ng pakikiapid, ay nagiging sanhi ng kaniyang pangangalunya. At kapag ang sinuman ay magpakasal sa babaing pinaalis na ay nagkakasala ng pangangalunya.33 “Muli, narinig ninyo na ito ay sinabi noong unang panahon, ‘Huwag kang susumpa nang may kasinungalingan, kundi tutuparin mo ang mga sinumpaan mo sa Panginoon.’ Lev 19:12; Bil 30:2; Deu 23:21, 2334 Ngunit sinasabi ko sa inyo, huwag kang manumpa kailanman, ni sa pamamagitan ng langit sapagkat ito ang trono ng Diyos,35 ni sa pamamagitan ng lupa sapagkat ito ang tuntungan ng kaniyang mga paa, ni sa pamamagitan ng Jerusalem sapagkat ito ang lungsod ng dakilang Hari,36 ni huwag kang sumumpa sa pamamagitan ng iyong ulo sapagkat hindi mo kayang gawing maputi o maitim ang isang buhok.37 Subalit hayaan mong ang inyong pananalita ay dapat maging ‘Oo’ kung ‘oo,’ at ‘Hindi’ kung ‘hindi,’ ngunit ang higit pa rito ay mula sa masama.38 “Narinig ninyo na ito ay sinabi, ‘Mata sa mata at ngipin sa ngipin.’ Exo 21:24; Lev 24:20; Deu 19:2139 Ngunit sinasabi ko sa inyo na huwag kayong lumaban sa masamang tao. Subalit ang sinumang sasampal sa iyong kanang pisngi iharap mo rin sa kaniya ang kabila.40 At ang sinumang nagnanais na magsakdal sa iyo at kukuha ng iyong tunika, hayaan mong kunin din niya ang iyong balabal.41 At ang sinuman pipilit sa iyo na magdala ng daladalahin ng isang milya°, sumama ka sa kaniya sa dalawa.42 Magbigay ka sa kaniya na humihingi sa iyo at siya na nagnanais na humiram sa iyo ay huwag mong tatalikuran.43 “Narinig ninyo na ito ay sinabi, ‘Iibigin mo ang iyong kapwa at kamumuhian mo ang iyong kaaway.’ Lev 19:1844 Ngunit sinasabi ko sa inyo na ibigin ninyo ang inyong mga kaaway, sabihan ninyo ng mabuti sila na nag-aalimura sa inyo, gawan ninyo ng mabuti ang mga namumuhi sa inyo, manalangin kayo para sa kapakanan ng mga umaalipusta sa inyo at ng mga nagmamalupit sa inyo45 upang kayo ay maging mga anak ng inyong Ama na nasa langit sapagkat siya ang nagpapasikat ng kaniyang araw sa mga masama at sa mga mabuti, at nagpapaulan sa mga matuwid at sa mga hindi matuwid.46 Dahil kapag iibigin ninyo ang mga umiibig sa inyo, anong gantimpala ang nakakamtan ninyo? Hindi ba ganiyan din ang ginagawa ng mga maniningil ng buwis?47 At kapag ang inyong mga kapatid lamang ang inyong babatiin, ano ang ginagawa ninyong higit? Hindi ba ganiyan din ang ginagawa ng mga maniningil ng buwis?48 Kaya kayo ay magpakasakdal kung paanong ang inyong Ama na nasa langit ay sakdal. Matthew 61 “Mag-ingat kayo, huwag isagawa ang inyong kawanggawa sa harapan ng mga tao upang makita nila. Sapagkat kung magkagayon, hindi kayo magkakaroon ng gantimpala mula sa inyong Ama na nasa langit.2 Kaya kapag ikaw ay gumagawa ng kawanggawa, huwag mong patunugin ang trumpeta sa iyong unahan katulad ng ginagawa ng mga mapagpaimbabaw sa mga sinagoga at sa mga daan upang sila ay maluwalhati ng mga tao. Katotohanang sinasabi ko sa inyo, tinatanggap na nila ang kanilang gantimpala.3 Ngunit kapag ikaw ay gumagawa ng kawanggawa, hindi dapat malaman ng iyong kaliwang kamay ang anumang ginagawa ng iyong kanang kamay4 upang ang iyong kawanggawa ay maililihim at ang iyong Ama na siyang nakakakita ng lihim ang siyang magbibigay-gantimpala sa iyo nang hayagan.5 “At kapag ikaw ay nananalangin, huwag kang maging katulad ng mga mapagkunwari sapagkat gustung-gusto nilang tumayo sa mga sinagoga at sa mga panulukan ng mga daan upang manalangin, nang sa gayon sila ay makita ng mga tao. Katotohanang sinasabi ko sa inyo, tinatanggap na nila ang kanilang gantimpala.6 Ngunit kapag ikaw ay nananalangin, pumasok ka sa iyong silid at pagkatapos mong isara ang pinto, manalangin ka sa iyong Ama ng palihim at ang iyong Ama na nagmamasid ng palihim ang magbibigay-gantimpala sa iyo nang hayagan.7 At kapag kayo ay nananalangin, huwag ninyong gamitin ang mga paulit-ulit na mga walang kabuluhan katulad ng mga Gentil sapagkat inaakala nila na sa kanilang maraming salita, sila ay pakikinggan.8 “Kaya huwag kayong tumulad sa kanila sapagkat alam na ng inyong Ama kung anu-ano ang inyong mga pangangailangan bago kayo humiling sa kaniya.9 Kaya manalangin kayo sa ganitong paraan: Ama namin na nasa langit, pakabanalin ang pangalan mo.10 Hayaang dumating ang iyong paghahari. Hayaang mangyari ang iyong kalooban kung paano sa langit ay gayundin sa lupa.11 Ibigay mo sa amin sa araw na ito ang pang-araw-araw naming pagkain.12 Patawarin mo kami sa aming mga pagkakautang, kung paano rin kami nagpapatawad sa mga nagkakautang sa amin.13 At huwag mo kaming dalhin sa tukso sa halip ay iligtas mo kami mula sa masama sapagkat sa iyo ang kaharian at ang kapangyarihan at ang kaluwalhatian magpakailanman. Siya nawa.14 “Dahil kapag nagpatawad kayo sa mga tao sa kanilang mga pagsalangsang, papatawarin din kayo ng inyong Ama na nasa langit.15 Ngunit kapag hindi kayo nagpatawad sa mga tao sa kanilang mga pagsalangsang, hindi rin kayo papatawarin ng inyong Ama sa inyong mga pagsalangsang.16 “At kapag kayo ay nag-aayuno, huwag kayong maging katulad ng mga mapagpaimbabaw na malungkot ang mga mukha sapagkat pinapalungkot nila ang kanilang mga mukha upang sila ay magpakitang nag-aayuno sa mga tao. Katotohanang sinasabi ko sa inyo, tinatanggap na nila ang kanilang gantimpala.17 Ngunit ikaw, sa iyong pag-aayuno, langisan mo ang iyong ulo at hugasan mo ang iyong mukha18 nang sa gayon ay hindi ka magpakitang nag-aayuno sa mga tao kundi sa iyong Ama na nasa lihim, at ang iyong Ama na siyang nakakakita sa lihim ang maggagantimpala sa iyo nang hayagan.19 “Huwag kayong mag-ipon para sa inyong sarili ng kayamanan sa lupa kung saan ang tanga at ang kalawang ay nakakapanira at kung saan ang mga magnanakaw ay nakakapanloob at nakakapagnakaw.20 Sa halip mag-ipon kayo para sa inyong sarili ng kayamanan sa langit kung saan kahit ang tanga ni ang kalawang ay hindi nakakapanira at kung saan ang mga magnanakaw ay hindi nakakapanloob, ni nakakapagnakaw.21 Ito ay sapagkat kung saan naroroon ang inyong kayamanan ay magiging doon din ang inyong puso.22 “Ang ilawan ng katawan ay ang mata. Kaya kapag malinaw ang iyong mata, ang iyong buong katawan ay magiging maliwanag.23 Subalit kapag ang iyong mata ay masama, mapupuno ng kadiliman ang iyong buong katawan. Kaya kung ang liwanag na nasa iyo ay kadiliman, gaano katindi ang kadilimang iyan!24 “Walang sinuman ang makakayanang maglingkod sa dalawang panginoon sapagkat maaaring kamumuhian niya ang isa at iibigin ang iba, o kakapitan niya ang isa at hahamakin ang iba. Hindi ninyo makakayanang maglingkod sa Diyos at sa kayamanan.25 “Dahil dito, sinasabi ko sa inyo, huwag kayong mabalisa sa inyong buhay kung ano ang inyong kakainin, o kung ano ang inyong iinumin, o kung ano ang inyong isusuot sa inyong katawan. Hindi ba ang buhay ay higit pa sa pagkain at ang katawan sa damit?26 Masdan ninyo ang mga ibon sa himpapawid, hindi sila naghahasik, ni gumagapas, ni nag-iipon sa mga kamalig ngunit sila ay pinapakain ng inyong Ama na nasa langit. Hindi ba higit pa kayong mahalaga kaysa sa kanila?27 Sino sa inyo na sa pamamagitan ng pagkabalisa ay nakakayanang magdagdag ng isang siko° sa kaniyang tangkad?28 “At bakit kayo nababalisa patungkol sa pananamit? Pagmasdan ninyong mabuti ang mga liryo sa parang kung paano sila lumalaki. Hindi sila gumagawa, ni nagsisinulid.29 Ngunit sinasabi ko sa inyo na kahit si Solomon mismo ay hindi nakapagdamit nang katulad ng isa sa mga ito sa kaniyang buong kaluwalhatian.30 Ngunit kung ganito dinaramtan ng Diyos ang damo sa parang na ngayon ay nabubuhay at bukas ay itatapon sa pugon, hindi ba lalong higit kayo, kayong maliit ang pananampalataya?31 “Kaya huwag kayong mabalisa na nagsasabi, ‘Ano ang aming kakainin?’ o, ‘Ano ang aming iinumin?’ o, ‘Ano ang aming daramtin?’32 (sapagkat ang lahat ng mga bagay na ito ang hinahanap ng mga Gentil) dahil alam na ng inyong Ama na nasa langit na kinakailangan ninyo ang lahat ng mga bagay na ito.33 Subalit hanapin muna ninyo ang paghahari ng Diyos at ang kaniyang katuwiran, at ang lahat ng mga bagay na ito ay idadagdag sa inyo.34 Kaya huwag kayong mabalisa para sa kinabukasan sapagkat ang kinabukasan ang mababalisa sa mga bagay para sa kaniyang sarili. Sapat na para sa araw na ito ang kasamaan nito. Psalm 51 Pakinggan mo ang aking mga salita, Oh Panginoon, pakundanganan mo ang aking pagbubulaybulay.2 Dinggin mo ang tinig ng aking daing, Hari ko, at Dios ko; sapagka't sa iyo'y dumadalangin ako.3 Oh Panginoon, sa kinaumagaha'y didinggin mo ang aking tinig; sa kinaumagahan ay aayusin ko ang aking dalangin sa iyo, at magbabantay ako.4 Sapagka't ikaw ay di isang Dios na may kaluguran sa kasamaan: ang masama ay hindi tatahang kasama mo.5 Ang hambog ay hindi tatayo sa iyong paningin: iyong kinapopootan ang lahat na mga manggagawa ng kalikuan.6 Iyong lilipulin sila na nangagsasalita ng mga kabulaanan: kinayayamutan ng Panginoon ang taong mabangis at magdaraya,7 Nguni't sa ganang akin, sa kasaganaan ng iyong kagandahang-loob ay papasok ako sa iyong bahay; sa takot sa iyo ay sasamba ako sa dako ng iyong banal na templo.8 Patnubayan mo ako, Oh Panginoon, sa iyong katuwiran dahil sa aking mga kaaway; patagin mo ang iyong daan sa harapan ko.9 Sapagka't walang pagtatapat sa kanilang bibig; ang kanilang kalooban ay tunay na kasamaan; ang kanilang lalamunan ay bukas na libingan; sila'y nanganunuya ng kanilang dila.10 Bigyan mong sala sila, Oh Dios; ibuwal mo sila sa kanilang sariling mga payo: palayasin mo sila sa karamihan ng kanilang mga pagsalangsang; Sapagka't sila'y nanganghimagsik laban sa iyo,11 Nguni't iyong pagalakin ang lahat na nagsisipagkanlong sa iyo, pahiyawin mo nawa sila sa kagalakan magpakailan man, sapagka't iyong ipinagsasanggalang sila: mangagalak nawa rin sa iyo ang nagsisiibig ng iyong pangalan.12 Sapagka't iyong pagpapalain ang matuwid; Oh Panginoon, lilibirin mo siya ng paglingap na gaya ng isang kalasag. Psalm 541 Iligtas mo ako, Oh Dios, sa pamamagitan ng iyong pangalan. At hatulan mo ako sa iyong kapangyarihan.2 Dinggin mo ang aking dalangin, Oh Dios; pakinggan mo ang mga salita ng aking bibig.3 Sapagka't ang mga tagaibang lupa ay nagsibangon laban sa akin, at ang mga mangdadahas na tao ay nagsisiusig ng aking kaluluwa: hindi nila inilagay ang Dios sa harap nila. (Selah)4 Narito, ang Dios ay aking katulong: ang Panginoon ay sa kanila na nagsisialalay ng aking kaluluwa.5 Kaniyang ibabalik ang kasamaan sa aking mga kaaway: gibain mo sila sa iyong katotohanan.6 Ako'y maghahain sa iyo ng kusang handog: ako'y magpapasalamat sa iyong pangalan, Oh Panginoon, sapagka't mabuti.7 Sapagka't iniligtas niya ako sa lahat ng kabagabagan; at nakita ng aking mata ang aking nasa sa aking mga kaaway. Psalm 551 Dinggin mo ang aking dalangin, Oh Dios; at huwag kang magkubli sa aking pananaing.2 Pakinggan mo ako, at iyong sagutin ako: ako'y walang katiwasayan sa aking pagdaramdam, at ako'y dumadaing;3 Dahil sa tinig ng kaaway, dahil sa pagpighati ng masama; sapagka't sila'y naghagis ng kasamaan sa akin, at sa galit ay inuusig nila ako.4 Ang aking puso ay nagdaramdam na mainam sa loob ko: at ang mga kakilabutan ng kamatayan ay nahulog sa akin.5 Katakutan at panginginig ay dumating sa akin, at tinakpan ako ng kakilabutan.6 At aking sinabi, Oh kung ako'y nagkaroon ng mga pakpak na gaya ng kalapati! Lilipad nga ako, at magpapahinga.7 Narito, kung magkagayo'y gagala ako sa malayo, ako'y titigil sa ilang. (Selah)8 Ako'y magmamadaling sisilong mula sa malakas na hangin at bagyo.9 Ipahamak mo, Oh Panginoon, at guluhin mo ang kanilang wika: sapagka't ako'y nakakita ng pangdadahas at pagaaway sa bayan.10 Araw at gabi ay nagsisiligid sila sa mga kuta niyaon: kasamaan man at kahirapan ay nangasa gitna rin niyaon.11 Kasamaan ay nasa gitna niyaon; ang pagpighati at pagdaraya ay hindi humihiwalay sa kaniyang mga lansangan.12 Sapagka't hindi kaaway ang dumuwahagi sa akin; akin nga sanang nabata: ni hindi rin ang nagtatanim sa akin ang nagmamalaki laban sa akin; nagtago nga sana ako sa kaniya:13 Kundi ikaw, lalake na kagaya ko, aking kasama at aking kaibigang matalik.14 Tayo ay maligayang nagpapayuhang magkasama, tayo'y lumalakad na magkaakbay sa bahay ng Dios.15 Dumating nawang bigla sa kanila ang kamatayan, mababa nawa silang buhay sa Sheol: sapagka't kasamaan ay nasa kanilang tahanan, sa gitna nila.16 Tungkol sa akin, ay tatawag ako sa Dios; at ililigtas ako ng Panginoon.17 Sa hapon at sa umaga, at sa katanghaliang tapat, ako'y dadaing at hihibik: at kaniyang didinggin ang aking tinig.18 Kaniyang tinubos ang aking kaluluwa sa kapayapaan mula sa pagbabaka laban sa akin: Sapagka't sila'y marami na nakikipaglaban sa akin.19 Didinggin ng Dios, at paghihigantihan sila, siyang tumatahan ng una. (Selah)20 Kaniyang iniunat ang kaniyang mga kamay laban sa gayon na nasa kapayapaan sa kaniya: kaniyang nilapastangan ang kaniyang tipan.21 Ang kaniyang bibig ay malambot na parang mantekilya: nguni't ang kaniyang puso ay pakikidigma: ang kaniyang mga salita ay lalong mabanayad kay sa langis, gayon ma'y mga bunot na tabak.22 Ilagay mo ang iyong pasan sa Panginoon, at kaniyang aalalayan ka: hindi niya titiising makilos kailan man ang matuwid.23 Nguni't ikaw, Oh Dios, ibababa mo sila sa hukay ng kapahamakan: mga mabagsik at magdarayang tao ay hindi darating sa kalahati ng kanilang mga kaarawan; nguni't titiwala ako sa iyo. Psalm 61 Oh Panginoon, huwag mo akong sawayin sa iyong galit, ni parusahan mo man ako sa iyong mahigpit na sama ng loob.2 Maawa ka sa akin, Oh Panginoon; sapagka't ako'y naluluoy, Oh Panginoon, pagalingin mo ako; sapagka't ang aking mga buto ay nagsisipangalog.3 Ang akin ding kaluluwa ay nababagabag na mainam: at ikaw, Oh Panginoon, hanggang kailan?4 Bumalik ka, Oh Panginoon, palayain mo ang aking kaluluwa: iligtas mo ako alangalang sa iyong kagandahang-loob.5 Sapagka't sa kamatayan ay walang alaala sa iyo; sa Sheol ay sinong mangagpapasalamat sa iyo?6 Ako'y pagal ng aking pagdaing; gabigabi ay aking pinalalangoy ang aking higaan; Aking dinidilig ang aking hiligan ng aking mga luha.7 Ang aking mga mata ay nangamumugto dahil sa kapanglawan; tumatanda ako dahil sa aking lahat na kaaway.8 Magsilayo kayo sa akin, kayong lahat na manggagawa ng kasamaan: sapagka't narinig ng Panginoon ang tinig ng aking pagtangis.9 Narinig ng Panginoon ang aking pananaing; tatanggapin ng Panginoon ang aking dalangin.10 Lahat ng kaaway ko'y mapapahiya, at mababagabag na mainam: sila'y magsisibalik, sila'y mangapapahiyang kagyat. Romans 81 Kaya ngayon ay wala nang kahatulan sa kanila na na kay Cristo Jesus, sa kanila na lumalakad nang hindi ayon sa laman kundi ayon sa Espiritu2 sapagkat ang kautusan ng Espiritu ng buhay, na na kay Cristo Jesus, ang nagpalaya sa akin mula sa kautusan ng kasalanan at ng kamatayan.3 Sapagkat ang hindi magagawa ng kautusan, na pinahihina sa pamamagitan ng laman, ay ginawa ng Diyos sa pamamagitan ng pagsugo ng sarili niyang anak sa anyo ng makasalanang tao. At patungkol sa kasalanan, hinatulan niya ang kasalanan sa laman4 upang ang katuwiran ng kautusan ay matupad sa atin na mga lumalakad hindi ayon sa laman kundi ayon sa Espiritu.5 Sapagkat sila na mga ayon sa laman ay itinutuon ang pag-iisip sa mga bagay ng laman, ngunit sila na mga ayon sa Espiritu ay itinutuon ang pag-iisip sa mga bagay ng Espiritu6 dahil ang kaisipan ng laman ay kamatayan, ngunit ang kaisipan ng Espiritu ay buhay at kapayapaan.7 Dahil ang kaisipan ng laman ay pakikipag-alitan sa Diyos sapagkat ito ay hindi nagpapasakop sa kautusan ng Diyos, ni hindi nga magagawang magpasakop.8 Kaya sila na nasa laman ay hindi nakakapagbigay-lugod sa Diyos.9 Ngunit kayo ay wala sa laman kundi nasa Espiritu kung ang Espiritu ng Diyos ay totoong nananahan sa inyo. Subalit kung ang sinuman ay walang Espiritu ni Cristo, siya ay hindi sa kaniya.10 At yamang si Cristo ay nasa inyo, ang katawan nga ay patay dahil sa kasalanan subalit ang Espiritu ang nagbibigay buhay dahil sa katuwiran.11 Ngunit kung ang Espiritu na siyang nagbangon kay Jesus mula sa mga patay ay nananahan sa inyo, siya na nagbangon kay Cristo mula sa mga patay ay magbibigay rin ng buhay sa inyong mga katawang may kamatayan sa pamamagitan ng kaniyang Espiritu na nananahan sa inyo.12 Kaya nga, mga kapatid, tayo ay may pagkakautang hindi sa laman para mamuhay ayon sa laman13 sapagkat kung kayo ay namumuhay ayon sa laman, kayo ay mamamatay, ngunit kung sa Espiritu ay pinapatay ninyo ang mga gawa ng katawan, kayo ay mabubuhay.14 Sapagkat ang sinumang pinapangunahan ng Espiritu ng Diyos, sila ang mga anak ng Diyos15 dahil hindi kayo tumanggap ng espiritu ng pagkaalipin upang muling matakot kundi tinanggap ninyo ang Espiritu ng pag-ampon na sa pamamagitan niya ay tumatawag tayo ng, “Abba, Ama.”16 Ang Espiritu mismo ang siyang nagpapatotoo kasama ng ating espiritu na tayo ay mga anak ng Diyos.17 At yamang mga anak at mga tagapagmana, mga tagapagmana nga ng Diyos at mga kasamang tagapagmana ni Cristo kung tayo nga ay nagtitiis na kasama niya upang tayo rin ay luluwalhatiing magkasama.18 Sapagkat ang mga paghihirap sa kasalukuyang panahon ay hindi ko ibinibilang na karapat-dapat ihambing sa kaluwalhatiang maihahayag sa atin19 dahil ang mataimtim na pag-asam ng sangnilikha ay naghihintay na may pananabik sa kapahayagan ng mga anak ng Diyos.20 Sapagkat ang sangnilikha ay ipinasakop sa pagkawalang-kabuluhan, hindi nang kusang-loob, kundi dahil sa kaniya na siyang sumakop nito sa pag-asa21 upang ang sangnilikha rin mismo ay mapalaya mula sa pagkaalipin ng kabulukan para sa kalayaan ng kaluwalhatian ng mga anak ng Diyos.22 Sapagkat alam natin na hanggang sa ngayon, ang buong sangnilikha ay sama-samang dumadaing at naghihirap katulad ng babaing nanganganak.23 Ngunit hindi lang sila, kundi kahit tayo mismo na mayroong unang bunga ng Espiritu ay dumadaing din sa ating sarili na matiyagang naghihintay ng pag-ampon, ang katubusan ng ating katawan.24 Sapagkat sa pag-asa tayo ay naligtas, ngunit ang pag-asa na nakikita ay hindi pag-asa sapagkat bakit pa umaasa ang sinuman sa kaniyang nakikita?25 Ngunit kung tayo ay umaasa sa hindi natin nakikita, hinihintay natin ito na may pagtitiis.26 At gayundin naman, ang Espiritu ay kasamang tumutulong sa ating mga kahinaan sapagkat hindi natin alam kung ano ang kinakailangan nating ipanalangin, subalit ang Espiritu mismo ang namamagitan para sa ating mga pagdaing na hindi maipahayag ng salita.27 At siya na sumusuri ng mga puso ang nakakaalam na kung ano ang kaisipan ng Espiritu sapagkat siya ang namamagitan alang-alang sa mga banal ayon sa kalooban ng Diyos.28 At alam natin na ang lahat ng mga bagay ay nagkakalakip-lakip na gumagawa para sa kabutihan ng mga umiibig sa Diyos, sa kanila na mga tinawag ayon sa kaniyang layunin29 sapagkat ang mga kinilala ng Diyos nang una pa ay itinalaga rin niya nang una pa na maging kawangis ng kaniyang Anak, upang siya ay maging panganay sa maraming magkakapatid.30 At sila na kaniyang itinalaga nang una pa ay sila ring kaniyang mga tinawag. At sila na kaniyang tinawag ay sila ring kaniyang pinawalang-sala. At sila na kaniyang pinawalang-sala ay sila ring kaniyang niluwalhati.31 Ano ngayon ang ating sasabihin sa mga bagay na ito? Yamang ang Diyos ay kakampi natin, sino ang laban sa atin?32 Siya na hindi ipinagkait ang kaniyang sariling Anak, kundi ipinagkaloob niya alang-alang sa ating lahat, paanong hindi nga niya ipagkakaloob sa atin ang lahat ng mga bagay?33 Sino ang magsasakdal laban sa mga pinili ng Diyos? Ang Diyos ang siyang nagpapawalang-sala.34 Sino yaong humahatol? Si Cristo na siyang namatay, ngunit higit pa rito, siya rin yaong ibinangon, na sa ngayon ay nasa bahaging kanan ng Diyos na siya namang namamagitan alang-alang sa atin.35 Sino ang magpapahiwalay sa atin mula sa pag-ibig ni Cristo? Ang kahirapan ba, o ang kagipitan, o ang kalupitan, o ang kagutuman, o ang kahubaran, o ang panganib, o ang tabak?36 Ayon sa nasusulat, “Alang-alang sa iyo, kami ay pinapatay buong araw. Ibinibilang kaming mga tupa ng katayan.” Awi 44:2237 Subalit sa lahat ng mga bagay na ito, tayo ay higit pa sa mga mapagtagumpay sa pamamagitan niyaong umibig sa atin,38 sapagkat ako ay nakakatiyak na hindi ang kamatayan, ni ang buhay, ni ang mga anghel, ni ang mga pamunuan, ni ang mga kapangyarihan, ni ang mga bagay sa kasalukuyan, ni ang mga bagay na darating,39 ni ang kataasan, ni ang kalaliman, ni anumang ibang nilikha ang makakapaghiwalay sa atin mula sa pag-ibig ng Diyos na na kay Cristo Jesus na ating Panginoon. | |








