Rukous yhdessä
| Secondary Keywords | beses dasal panalangin Raamattu |
|---|---|
| Mga Banal na Kasulatan | Gawa 12 |
Acts 121 Nang panahon ding iyon, dinakip ni Haring Herodes ang ilan sa kanila na mula sa iglesiya upang pagmalupitan,2 at pinatay niya sa pamamagitan ng tabak si Santiago na kapatid ni Juan.3 At nang nakita niya na ikinatuwa ito ng mga Judio, itinuloy rin niyang dakpin si Pedro. Noon ay ang mga Araw ng Tinapay na walang Pampaalsa.4 Nang nahuli rin niya si Pedro, siya ay kaniyang ibinilanggo at ibinigay sa apat na pangkat na may tig-aapat na kawal upang siya ay bantayan, dahil binabalak niyang iharap siya sa mga tao pagkatapos ng Araw ng Paglagpas.5 Kaya si Pedro ay ipinabantayan sa bilangguan, ngunit nagkaroon ng maningas na panalangin sa Diyos ang iglesiya alang-alang sa kaniya.6 Nang malapit na siyang ilabas ni Herodes, sa gabing iyon, si Pedro ay natutulog sa pagitan ng dalawang kawal, iginapos sa dalawang tanikala at sa harap ng pintuan ay may mga kawal na nagbabantay ng kulungan.7 At narito, ang isang anghel ng Panginoon ay tumayo sa tabi niya at ang ilaw ay nagliwanag sa kulungan. At tinapik niya si Pedro sa tagiliran at kaniyang ginising na sinasabi, “Bumangon kang madali.” At nalaglag ang mga tanikala mula sa kaniyang mga kamay.8 At sinabi sa kaniya ng anghel, “Magbihis ka at isuot mo ang iyong mga panyapak.” At gayon ang ginawa niya. At sinabi ng anghel sa kaniya, “Isuot mo ang iyong balabal at sumunod ka sa akin.”9 At siya ay lumabas at sumunod sa anghel at hindi niya alam na totoo ang nangyayaring ito sa pamamagitan ng anghel, gayunpaman, inakala niyang nakakita siya ng pangitain.10 Pagkalagpas nila sa una at ikalawang kulungan, dumating sila sa tarangkahang bakal na patungo sa lungsod at ito ay kusang nabuksan para sa kanila. At pagkalabas nila, sila ay dumaan sa isang lansangan at kaagad siyang iniwan ng anghel.11 Nang natauhan si Pedro ay kaniyang sinabi, “Ngayon ay alam ko na totoong sinugo ng Panginoon ang kaniyang anghel upang iligtas ako mula sa kamay ni Herodes at mula sa lahat ng inaasam ng mga taong mga Judio.”12 Nang napag-isipan niya ito, siya ay pumunta sa bahay ni Maria, na ina ni Juan na tinatawag na Marcos, kung saan marami ang nagkatipun-tipon at nananalangin.13 Nang si Pedro ay kumatok sa pinto ng tarangkahan, ang isang aliping babae na ang pangalan ay Roda ay lumabas upang tumugon.14 Nang nakilala niya ang tinig ni Pedro, hindi niya binuksan ang tarangkahan dahil sa tuwa. Sa halip, siya ay tumakbo sa loob at kaniyang ipinagbigay-alam na nakatayo na si Pedro sa harap ng tarangkahan.15 Kaya sinabi nila sa kaniya, “Ikaw ay nababaliw.” Ngunit buong katiyakan niyang iginigiit na naroroon na nga si Pedro. Sa gayon, sinabi nila, “Iyon ay ang kaniyang anghel.”16 Subalit si Pedro ay nagpatuloy sa pagkatok at nang sila ay nagbukas, siya ay nakita nila at sila ay namangha.17 Ngunit hinudyatan niya sila sa pamamagitan ng kamay upang tumahimik at isinalaysay niya sa kanila kung paano siya inilabas ng Panginoon mula sa kulungan. At sinabi niya, “Ipagbigay-alam ninyo ang mga bagay na ito kay Santiago at sa mga kapatid.” At pagkaalis niya, siya ay pumunta sa ibang dako.18 Kaya nang mag-umaga na, nagkaroon ng hindi maliit na kaguluhan sa mga kawal kung ano nga ang nangyari kay Pedro.19 Nang siya ay ipinahanap ni Herodes at hindi siya natagpuan, kaniyang ipinasiyasat ang mga bantay at iniutos na sila ay patayin. At bumaba siya mula sa Judea patungo sa Cesarea at nanatili roon.20 Ngunit si Herodes ay galit na galit sa mga taga-Tiro at sa mga taga-Sidon subalit sila ay nagkakaisang pumaroon sa kaniya. Nang nahimok nila si Blasto na katiwala sa silid-tulugan ng hari, humiling sila ng kapayapaan sapagkat ang ipinapakain sa kanila ay mula sa lupain ng hari.21 At sa araw na nakatakda, si Herodes ay nagbihis ng damit-hari at umupo sa kaniyang luklukan at nagtalumpati sa kanila.22 Kaya ang mga tao ay sumigaw, “Ito ay tinig ng isang diyos at hindi ng isang tao!”23 Kaagad nga siyang hinampas ng anghel ng Panginoon dahil hindi niya ibinigay ang kaluwalhatian sa Diyos. Siya ay kinain ng mga uod at namatay.24 Subalit ang salita ng Diyos ay patuloy na lumago at lumaganap.25 At pagkatapos ganapin nina Bernabe at Saulo ang kanilang paglilingkod, bumalik sila mula sa Jerusalem kasama si Juan na tinatawag na Marcos. | |








