20 At sinabi niya sa kanila, “Kaninong anyo at sulat ang nakatatak dito?”21 Sinabi nila sa kaniya, “Kay Cesar.” Pagkatapos ay sinabi niya sa kanila, “Kaya ibigay ninyo kay Cesar ang ukol kay Cesar at ibigay ninyo sa Diyos ang ukol sa Diyos.”22 At sila ay namangha nang ito ay kanilang narinig at iniwan nila si Jesus at sila ay umalis.