Sa hardin
| Avainsanat | Getsemani Jeesus Jeesus puutarha puutarha puutarha |
|---|---|
| Secondary Keywords | dasal gabi growb Joulu kamay na itinaas nagsusumamo oliba Pasko ng Pagkabuhay puno silakbo ng damdamin |
| Mga Banal na Kasulatan | Lucas 22:39-46 Marcos 14:32-52 Matthew 26:36-56 |
Luke 2239 At nang si Jesus ay lumabas, siya ay pumunta sa bundok ng mga Olibo ayon sa kinaugalian at ang kaniyang mga alagad ay sumunod din sa kaniya.40 At pagdating niya sa dakong iyon, sinabi niya sa kanila, “Manalangin kayo upang hindi kayo pumasok sa tukso.”41 At siya ay napahiwalay sa kanila na kasing-layo ng isang pukol ng bato at pagkaluhod niya, siya ay nanalangin42 na sinasabi, “Ama, kung gugustuhin mo, alisin mo ang sarong ito sa akin. Gayunpaman, hindi ang kalooban ko kundi ang kalooban mo ang mangyari.”43 At nagpakita kay Jesus ang isang anghel mula sa langit na nagpapalakas sa kaniya.44 At sa kaniyang matinding pakikipagbaka, lalo siyang nanalangin nang mataimtim at ang pawis niya ay naging katulad ng namuong dugo na pumapatak sa lupa.45 At nang siya ay tumindig pagkatapos manalangin at pumunta sa kaniyang mga alagad, sila ay natagpuan niyang natutulog dahil sa kalungkutan.46 Sinabi niya sa kanila, “Bakit kayo natutulog? Bumangon kayo. Manalangin kayo upang hindi kayo pumasok sa tukso.” Mark 1432 Sila ay dumating sa lugar na ang pangalan ay Getsemane at sinabi ni Jesus sa kaniyang mga alagad, “Umupo kayo rito habang ako ay nananalangin.”33 At isinama niya sina Pedro, Santiago at Juan, at nagsimula siyang labis na mangamba at labis na mabagabag.34 At sinabi ni Jesus sa kanila, “Ang kaluluwa ko ay lubhang nagdadalamhati hanggang sa kamatayan. Manatili kayo rito at magbantay kayo.”35 Nang siya ay nakalayo nang kaunti, siya ay nagpatirapa sa lupa at nanalangin na kung maaari ay lumagpas sa kaniya ang oras na ito.36 Sinabi niya, “Abba, Ama, ang lahat ng mga bagay ay magagawa mo, ilayo mo sa akin ang sarong ito, gayunpaman, hindi kung ano ang ninanais ko kundi kung ano ang kalooban mo.”37 At pinuntahan niya ang mga alagad at natagpuan silang natutulog, at sinabi niya kay Pedro, “Simon, natutulog ka? Hindi mo ba kayang magbantay nang isang oras?38 Magbantay kayo at manalangin upang hindi kayo pumasok sa tukso. Ang espiritu nga ay nagnanais ngunit ang laman ay mahina.”39 At nang siya ay muling umalis, siya ay nanalangin na sinasabi ang gayunding salita.40 At sa kaniyang pagbalik, sila ay muli niyang natagpuang natutulog sapagkat mabigat na ang kanilang mga mata, at hindi nila alam kung ano ang kanilang isasagot sa kaniya.41 At siya ay pumunta sa ikatlong pagkakataon at sinabi sa kanila, “Natutulog pa ba kayo at nagpapahinga? Sapat na iyan. Ang oras ay dumating na. Narito, ang Anak ng Tao ay ipinagkakanulo sa mga kamay ng mga makasalanan.42 Bumangon na kayo, aalis na tayo. Narito, siya na nagkakanulo sa akin ay malapit na.”43 At habang nagsasalita pa lamang siya, si Judas na isa sa labindalawa ay dumating kaagad kasama ang lubhang napakaraming tao, na may dala-dalang mga tabak at mga pamalong kahoy, mula sa mga punong saserdote, sa mga eskriba at sa matatanda.44 Siya na nagkakanulo sa kaniya ay nagbigay ng hudyat sa kanila na sinasabi, “Siya na aking hahalikan, siya iyon. Dakpin ninyo siya at dalhing maingat.”45 Pagdating ni Judas, kaagad siyang lumapit kay Jesus na sinasabi, “Rabbi, Rabbi,” at magiliw niyang hinalikan si Jesus.46 Kaya hinawakan nila si Jesus at dinakip siya.47 Ngunit ang isa sa mga nakatayo roon ay bumunot ng tabak at tinaga niya ang alipin ng pinakapunong saserdote at pinutol ang kaniyang tainga.48 At nang sumagot si Jesus, sinabi niya sa kanila, “Pumunta ba kayo rito na may mga tabak at mga pamalong kahoy upang dakpin ako na katulad ng isang tulisan?49 Nagtuturo ako sa templo araw-araw kasama ninyo ngunit hindi ninyo ako dinakip. Subalit ito ay nangyari upang ang mga Kasulatan ay maganap.”50 Nang iniwan ng lahat si Jesus, sila ay tumakbo.51 Ngunit may sumusunod kay Jesus na isang binata na nasusuotan ng telang lino ang hubad niyang katawan at siya ay sinunggaban ng mga binata.52 At pagkaiwan niya ng telang lino, tumakbo siyang hubad palayo sa kanila. Matthew 2636 Pagkatapos ay pumunta si Jesus kasama sila sa isang lupaing tinatawag na Getsemane at sinabi niya sa mga alagad, “Umupo kayo rito habang ako ay pupunta sa dako roon upang manalangin.”37 At kaniyang isinama si Pedro at ang dalawang anak ni Zebedeo at nagsimula siyang malungkot nang labis at malumbay nang lubos.38 Kaya sinabi niya sa kanila, “Ang aking kaluluwa ay lubhang nagdadalamhati hanggang sa kamatayan. Manatili kayo rito at magbantay na kasama ko.”39 At siya ay pumunta sa di-kalayuan at siya ay nagpatirapa sa kaniyang mukha at nanalangin na sinasabi, “Aking Ama, kung maaari ay hayaan mong lumampas sa akin ang sarong ito, gayunpaman, hindi ang ayon sa aking ninanais kundi ang sa iyo.”40 At siya ay pumunta sa mga alagad at sila ay natagpuan niyang natutulog at sinabi niya kay Pedro, “Hindi ba ninyo kayang magbantay ng isang oras na kasama ko?41 Magbantay kayo at manalangin upang hindi kayo pumasok sa tukso. Ang espiritu nga ay nagnanais ngunit ang laman ay mahina.”42 Sa pangalawang pagkakataon ay muli siyang umalis at nanalangin na sinasabi, “Aking Ama, kung hindi maaaring lumampas sa akin ang sarong ito maliban na ito ay aking inumin, mangyari ang iyong kalooban.”43 At sa kaniyang pagbalik ay natagpuan niya sila na muling natutulog sapagkat ang kanilang mga mata ay bumigat na.44 At sila ay kaniyang iniwan at muling umalis at nanalangin sa ikatlong pagkakataon na sinabi ang gayunding pananalita.45 Pagkatapos ay pumunta siya sa kaniyang mga alagad at sinabi sa kanila, “Magsitulog kayo at saka magpahinga, narito, malapit na ang oras at ang Anak ng Tao ay ipinagkakanulo na sa mga kamay ng mga makasalanan.46 Bumangon na kayo, aalis na tayo. Narito, siya na nagkakanulo sa akin ay malapit na.”47 At habang siya ay nagsasalita pa, narito, si Judas na isa sa labindalawa ay dumating at kasama niya ang lubhang napakaraming tao mula sa mga punong saserdote at matatanda ng bayan na may mga tabak at mga pamalo.48 Ngunit siya na nagkakanulo kay Jesus ay nagbigay sa kanila ng isang tanda, na sinasabi, “Ang sinumang hahalikan ko, siya iyon. Dakpin ninyo siya.”49 At siya ay lumapit kaagad kay Jesus at sinabi, “Pagbati, Rabbi!” At magiliw niyang hinalikan si Jesus.50 Ngunit sinabi ni Jesus sa kaniya, “Kaibigan, ano ang dahilan ng iyong pagparito?” Sa oras na iyon, sila ay lumapit at hinawakan si Jesus at dinakip siya.51 At narito, iniunat ang kamay ng isa sa mga kasama ni Jesus at binunot ang kaniyang tabak at tinaga ang alipin ng pinakapunong saserdote at pinutol ang kaniyang tainga.52 Sinabi nga ni Jesus sa kaniya, “Ibalik mo ang iyong tabak sa lalagyan nito sapagkat ang lahat ng sinumang gumagamit ng tabak ay mamamatay sa pamamagitan ng tabak.53 Ipinapalagay mo bang hindi ko magagawa na manalangin ngayon sa aking Ama at siya ay magpapadala sa akin ng higit pa sa labindalawang lehiyon ng mga anghel?54 Ngunit paano matutupad ang mga Kasulatan na dapat mangyari sa ganitong paraan?”55 Sa oras ding iyon ay sinabi ni Jesus sa napakaraming tao, “Kayo ba ay pumarito na may mga tabak at mga pamalo upang hulihin ako na parang laban sa isang tulisan? Araw-araw akong umuupo at nagtuturo sa harap ninyo sa templo ngunit hindi ninyo ako dinakip.56 Ngunit ang lahat ng ito ay nangyari upang matupad ang mga Kasulatan ng mga propeta.” Iniwan nga siya ng lahat ng mga alagad at tumakas. | |








