Sermon
| Avainsanat | john bakal pangaralan Sermon sinagog templo |
|---|---|
| Secondary Keywords | Pacific press publishing pari |
| Mga Banal na Kasulatan | Gawa 13:14-16 Gawa 13:42 Gawa 14:1 Gawa 17:1-2 Gawa 18:19 Gawa 18:4 Gawa 19:8 Juan 6:59 Marcos 1:21 Marcos 6:2 Matthew 13:54 |
Acts 1314 At nang sila ay dumaan sa Perga, dumating sila sa Antioquia ng Pisidia at sa pagpasok nila sa sinagoga sa araw ng Sabat, sila ay umupo.15 Pagkatapos ng pagbasa ng aklat ng Kautusan at ng mga aklat ng mga Propeta, ang mga pinuno sa sinagoga ay nagsugo sa kanila, na sinabi, “Mga ginoo at mga kapatid, kung mayroon kayong salita na makakapagpalakas ng loob sa mga tao, magsalita kayo.”16 Kaya tumayo si Pablo at naghudyat ng kamay at sinabi, “Mga ginoong taga-Israel at kayong mga may takot sa Diyos, makinig kayo. Acts 1342 At pagkaalis nila mula sa sinagoga ng mga Judio, ang mga Gentil ay nagsumamo na ipangaral sa kanila ang mga salitang ito sa susunod na araw ng Sabat. Acts 141 At nangyari sa Iconio, na sina Paulo at Bernabe ay magkasamang pumasok sa sinagoga ng mga Judio at sa gayong paraan ay nagsalita upang ang lubhang napakaraming tao, kapwa sa mga Judio at sa mga Griyego, ay sumampalataya. Acts 171 At nang sila ay nakadaan sa Amfipolis at Apolonia, dumating sila sa Tesalonica kung saan ay may sinagoga ng mga Judio.2 At si Pablo ay pumasok doon ayon sa kaniyang kinaugalian at sa loob ng tatlong araw ng Sabat, siya ay nakipagpaliwanagan sa kanila mula sa mga Kasulatan Acts 1819 Siya ay dumating sa Efeso at sila ay iniwan niya roon, ngunit siya mismo ay pumasok sa sinagoga at nakipagpaliwanagan sa mga Judio. Acts 184 At siya ay nakikipagpaliwanagan sa sinagoga tuwing Sabat at hinihimok ang mga Judio at ang mga Griyego. Acts 198 At siya ay pumasok sa sinagoga at nagsalita ng may katapangan sa loob ng tatlong buwan na ipinapaliwanag at nanghihikayat patungkol sa mga bagay ng paghahari ng Diyos. John 659 Sinabi niya ang mga bagay na ito nang siya ay nagtuturo sa sinagoga sa Capernaum. Mark 121 Pagdating nila sa Capernaum, kaagad pumasok si Jesus sa sinagoga sa araw ng Sabat at siya ay nagturo. Mark 62 At nang sumapit ang Sabat, nagsimula siyang magturo sa sinagoga at ang karamihan sa mga nakikinig ay nanggilalas na sinasabi, “Saan kinuha ng taong ito ang ganitong mga bagay? At ano itong karunungan na ibinigay sa kaniya, na kahit ang ganitong mga makapangyarihang gawa ay nagagawa ng mga kamay niya? Matthew 1354 At nang siya ay dumating sa kaniyang sariling bayan, sila ay tinuruan niya sa kanilang sinagoga kaya sila ay nanggilalas at nagsabi, “Saan nanggaling ang karunungang ito at ang mga makapangyarihang gawa ng taong ito? | |








