Poika nousee
| Secondary Keywords | bloke buhay buhay Hesus Jeesus Jeesus Joulu kalabitin libingan libingan Linggo malubha maumbok muling pagkabuhay Pasko ng Pagkabuhay puutarha puutarha puutarha umaga walang laman |
|---|---|
| Mga Banal na Kasulatan | 1 Corinthians 15:13 1 Corinthians 15:21 1 Pedro 3:21 Acts 13:35 Acts 2:27 Acts 2:31 Gawa 17:3 Gawa 2:24 Juan 11:25 Juan 20:1-9 Juan 2:22 Lucas 24:1-12 Luke 24:46 Marcos 8:31-33 Mark 16:1-11 Mark 9:9 Mateo 28:1-10 Matthew 16:21-22 Matthew 23:31 Philippians 3:10 Psalms 16:10 1 Corinthians 1513 Ngunit kung walang muling pagkabuhay ng mga patay, kahit si Cristo ay hindi ibinangon. 1 Corinthians 1521 Kaya yamang ang kamatayan ay dumating sa pamamagitan ng isang tao, ang muling pagkabuhay ng mga patay ay dumating sa pamamagitan din ng isang tao, 1 Peter 321 na larawang kahalintulad din sa atin na ang bawtismo ngayon ay nagliligtas (hindi ang pag-alis ng karumihan ng laman kundi ang tugon ng mabuting budhi sa Diyos) sa pamamagitan ng muling pagkabuhay ni Jesu-Cristo. Acts 1335 Kaya sinabi rin niya sa ibang Awit, ‘Hindi mo hahayaan na ang iyong Banal ay makakita ng pagkabulok.’ Awi 16:10 Acts 173 na kaniyang binubuksan at ipinapaliwanag, na kinakailangang ang Cristo ay magbata ng hirap at muling mabuhay mula sa mga patay, at “Ito ang Cristo, ang Jesus na ipinapangaral ko sa inyo.” Acts 224 Ang Diyos ang nagbangon sa kaniya nang makalag ang matinding hirap ng kamatayan yamang hindi siya makakayang pigilin nito. Acts 227 sapagkat hindi mo pababayaan ang aking kaluluwa sa Hades, ni hindi mo pahihintulutang makaranas ng kabulukan ang iyong Banal. Acts 231 Dahil nakita na niya ito nang una pa, siya ay nagsalita patungkol sa muling pagkabuhay ni Cristo, na ang kaniyang kaluluwa ay hindi pinabayaan sa Hades, ni nakakita ng kabulukan ang kaniyang katawan. John 1125 Sinabi ni Jesus sa kaniya, “Ako ang muling pagkabuhay at ang buhay. Siya na sumasampalataya sa akin bagaman siya ay mamamatay, siya ay mabubuhay. John 201 Sa unang araw ng sanlinggo, habang madilim pa, maagang dumating sa libingan si Maria na taga-Magdala. Nakita niya na ang bato ay naialis na mula sa libingan. 2 Kaya matulin siyang tumatakbo papunta kay Simon Pedro at sa isang alagad na iniibig ni Jesus. Sinabi niya sa kanila, “Kinuha nila ang Panginoon mula sa libingan at hindi namin alam kung saan nila siya inilagay.” 3 Lumabas nga si Pedro at ang alagad na iyon at pumunta sila sa libingan. 4 Magkasama ngang tumatakbo nang matulin ang dalawa, ngunit ang alagad na iyon ay higit na mabilis tumakbo kaya nauna siyang dumating kay Pedro sa libingan. 5 Nang siya ay yumuko, nakita niya ang mga telang lino na nakalapag, gayunpaman siya ay hindi pumasok. 6 Kasunod nga niyang dumating si Simon Pedro. Siya ay pumasok sa libingan at nakita niyang nakalapag ang mga telang lino. 7 Nakita rin niya ang panyo na inilagay sa ulo ni Jesus na hindi kasamang nakalapag sa telang lino kundi hiwalay na nakatiklop sa isang dako. 8 Nang magkagayon, pumasok din naman ang alagad na iyon na naunang dumating sa libingan. Nakita niya at siya ay nanampalataya 9 sapagkat hindi pa nila alam ang Kasulatan, na siya ay dapat bumangon mula sa mga patay. John 222 Nang ibinangon nga siya mula sa mga patay ay naalala ng kaniyang mga alagad na sinabi niya ito sa kanila kaya sumampalataya sila sa Kasulatan at sa salita na sinabi ni Jesus. Luke 241 Sa unang araw ng linggo, maagang-maaga pa, sila at ang ilan pang mga babaing kasama nila ay pumunta sa libingan na dala-dala ang inihanda nilang mga pabango at mga pamahid. 2 Ngunit natagpuan nila ang bato na naigulong na mula sa libingan. 3 At nang sila ay pumasok, hindi nila natagpuan ang katawan ng Panginoong Jesus. 4 At nangyari, na sa kanilang kalituhan patungkol dito, narito, may dalawang lalaking tumayo sa tabi nila na ang mga kasuotan ay nagniningning. 5 At sa kanilang pagkatakot at pagkiling ng kanilang mga mukha sa lupa, sinabi ng mga lalaki sa kanila, “Bakit ninyo hinahanap ang isang nabubuhay sa mga patay? 6 Wala siya rito, ngunit siya ay nagbangon. Alalahanin ninyo kung paano niya sinabi sa inyo nang siya ay nasa Galilea pa, 7 na nagsasabi, ‘Ang Anak ng Tao ay kinakailangang ibigay sa mga kamay ng mga makasalanang tao at ipako sa krus at babangon sa ikatlong araw.’ ” 8 At naalala nila ang kaniyang mga salita. 9 Nang sila ay nakauwi mula sa libingan, isinalaysay nila ang lahat ng mga bagay na ito sa labing-isang alagad at sa iba pa. 10 Si Maria na taga-Magdala, si Joana, si Maria na ina ni Santiago at ang ibang mga babaing kasama nila ang nagsabi ng mga bagay na ito sa mga apostol. 11 At ang kanilang mga salita ay naging parang walang kabuluhan sa kanila at sila ay hindi naniwala sa kanila. 12 Ngunit si Pedro ay tumayo at tumakbo patungo sa libingan at pagkayukod niya ay nakita niya ang mga telang lino na lamang ang nakalatag. At siya ay umuwi na namamangha sa kaniyang sarili sa nangyari. Luke 2446 At sinabi niya sa kanila, “Sa ganitong paraan ito ang nasusulat at sa ganitong paraan ang Cristo ay kinakailangang dumanas ng paghihirap subalit babangon mula sa mga patay sa ikatlong araw. Mark 161 Pagkalipas ng Sabat, si Maria na taga-Magdala at si Maria na ina ni Santiago at si Salome ay bumili ng mabangong mga pamahid upang puntahan at pahiran si Jesus. 2 Maagang-maaga, sa unang araw ng sanlinggo, pumunta sila sa libingan habang papasikat ang araw. 3 Sinabi nila sa isa't isa, “Sino ang magpapagulong ng bato mula sa bukana ng libingan para sa atin?” 4 Nang sila ay tumingin, nakita nila na naigulong na ang bato bagaman ito ay lubhang napakalaki. 5 At nang pumasok sila sa loob ng libingan, nakita nila ang binata na nakaupo sa bahaging kanan na nakasuot ng puting kasuotan, at sila ay lubhang namangha. 6 At sinabi niya sa kanila, “Huwag kayong mamangha. Hinahanap ninyo si Jesus na taga-Nazaret na ipinako sa krus. Nagbangon siya! Wala siya rito. Narito ang dako kung saan nila siya inilagay. 7 Ngunit humayo kayo at sabihin ninyo sa kaniyang mga alagad at kay Pedro, na siya ay mauuna sa inyo sa Galilea. Doon ay makikita ninyo siya kagaya ng sinabi niya sa inyo.” 8 Sa kanilang dagliang paglabas, sila ay tumakbo mula sa libingan. Ngunit sila ay nagkaroon ng panginginig at pagtataka kaya wala silang sinabing anuman sa kaninuman dahil sa takot. 9 Nang si Jesus ay bumangon sa unang araw ng sanlinggo, siya ay unang nagpakita kay Maria na taga-Magdala, na mula sa kaniya ay pinalabas ni Jesus ang pitong demonyo. 10 Pagkaalis ni Maria, isinalaysay niya ito sa kanila na mga naging kasama ni Jesus habang sila ay nagdadalamhati at namimighati. 11 Ngunit sila na nakarinig, na siya ay nabubuhay at siya ay nakita ni Maria, ay hindi naniwala. Mark 831 At siya ay nagsimula sa pagtuturo sa kanila na ang Anak ng Tao ay kinakailangang magdanas ng matinding pagdurusa, at tatanggihan ng matatanda at ng mga punong saserdote at ng mga eskriba, at ipapapatay at muling mabubuhay pagkalipas ng tatlong araw. 32 At ang salitang ito ay hayagang sinabi ni Jesus sa kanila. Kaya isinama siya ni Pedro sa isang tabi at sinimulan siyang sawayin. 33 Ngunit nang lumingon at nakita ni Jesus ang kaniyang mga alagad, sinaway niya si Pedro na sinasabi, “Pumunta ka sa likuran ko, Satanas! Sapagkat hindi mo iniisip ang mga bagay na para sa Diyos kundi ang mga bagay na para sa mga tao.” Mark 99 Habang sila ay bumababa mula sa bundok, pinagbilinan sila ni Jesus na huwag nilang masabi kaninuman ang kanilang nakita hanggang sa mabuhay mula sa mga patay ang Anak ng Tao. Matthew 281 At sa pagtatapos ng araw ng Sabat, nang mag-uumaga na sa unang araw ng linggo, si Maria na taga-Magdala at ang isa pang Maria ay pumunta upang tingnan ang puntod. 2 At narito, nagkaroon ng malakas na lindol sapagkat ang isang anghel ng Panginoon ay bumaba mula sa langit at siya ay dumating at iginulong ang bato mula sa pintuan ng libingan at siya ay umupo sa ibabaw nito. 3 Ang kaniyang anyo ay katulad ng kidlat at ang kaniyang damit ay maputi na parang niyebe. 4 At sa takot ng mga nagbabantay, sila ay nanginig at naging parang mga patay. 5 At ang anghel ay sumagot at sinabi sa mga babae, “Huwag kayong matakot sapagkat alam ko na ang hinahanap ninyo ay si Jesus na siyang ipinako sa krus. 6 Wala siya rito sapagkat siya ay binangon ayon sa kaniyang sinabi. Halikayo, tingnan ninyo ang dako kung saan inihimlay ang Panginoon, 7 at magmadali kayong pumunta at sabihin ninyo sa kaniyang mga alagad na siya ay binangon mula sa mga patay. At narito, siya ay mauuna sa inyo patungo sa Galilea. Siya ay makikita ninyo roon. Narito, sinabi ko na sa inyo.” 8 Kaya sila ay nagmadaling umalis mula sa libingan, na may takot at malaking kagalakan at sila ay tumakbo upang ibalita sa kaniyang mga alagad. 9 At habang sila ay nasa daan upang balitaan ang kaniyang mga alagad, narito, sinalubong sila ni Jesus na sinasabi, “Magalak kayo.” At sila ay lumapit at hinawakan ang kaniyang mga paa at siya ay sinamba nila. 10 Kaya sinabi ni Jesus sa kanila, “Huwag kayong matakot. Humayo kayo at ibalita ninyo sa aking mga kapatid upang sila ay makapunta sa Galilea at ako ay makikita nila roon.” Matthew 1621 Mula noon ay sinimulan nang ipakita ni Jesus sa kaniyang mga alagad na kailangan niyang pumunta sa Jerusalem upang maghirap ng labis mula sa matatanda at sa mga punong saserdote at sa mga eskriba. At siya ay papatayin subalit muling ibabangon sa ikatlong araw. 22 At siya ay isinama ni Pedro at sinimulan siyang sawayin na sinasabi, “Panginoon, huwag nawang mangyari sa iyo. Hinding-hindi ito mangyayari sa iyo.” Matthew 2331 “Kaya kayo ang nagpapatotoo sa inyong mga sarili na kayo ay mga anak ng mga pumatay sa mga propeta. Philippians 310 upang makilala ko siya at ang kapangyarihan ng kaniyang muling pagkabuhay at ang pakikipag-isa sa kaniyang mga paghihirap, upang matulad ako sa kaniyang kamatayan, Psalm 1610 Sapagka't hindi mo iiwan ang aking kaluluwa sa Sheol; ni hindi mo man titiisin ang iyong banal ay makakita ng kabulukan. |